SPECTACLE

2067 Words
"Bring me to a place where I hear nothing but music, when I see nothing but lights and sparkles. Take me away from all the drama and lead me to a place of spectacle." "Thanks, Thalia," bigkas ko bago ako tuluyang bumaba sa kanyang sasakyan. Mabuti na lamang at sinakay niya ako dahil mukhang galit din talaga si Phil sa akin. Naalala ko kanina nang nag- away kami sa loob ng kanyang kotse. Galit na galit siya sa akin. Iyon ang kauna- unahang away namin ni Phil na sobrang nagalit siya. Ang maputi niyang mukha ay naging pula kanina. Ang magaganda niyang mata ay naging matalim ang tingin sa akin. Hindi ko siya nakilala. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko siya nasabihan na ipapakilala ko siya kay Thalia bilang boyfriend ko. Matagal na naming pinag- uusapan ang bagay na ito dahil ako, syempre, gusto ko sanang gawing public na ang aming relasyon. Gusto kong malaya kaming maglalakad sa school, magka- holding hands at magkayakap sa gitna ng maraming tao. Ngunit hindi ito ang nais ni Phil. Gusto niyang private lamang ang aming relasyon hanggang sa oras na masabi na muna namin ito sa aming mga magulang. Naiintindihan ko naman iyon noong una. Sadyang naging pasaway at pala- desisyon lang ako kanina. Nakita kong nakahiga sa kwarto si Phil at tulog. Nasa gilid siya ng kama at nakatalikod. Galit pa rin kaya siya sa akin? Habang pinagmamasdan ko siyang nakahiga ay naalala ko iyong araw na pinag- usapan namin ang tungkol dito. *flashback* "Bakit ayaw mo bang sabihin na natin kina Clarisse? Para at least wala tayong tinatago," ito ang sabi ko kay Phil habang magkasama kami sa isang milk tea shop dito sa aming bayan. Tumingin siya sa akin at may lungkot ang kanyang mga mata. "Hindi pa ako handa, Kob. Hindi pa alam ni Dad na boyfriend kita. Gusto kong siya muna ang makakaalam para wala na akong iisipin pa," sagot niya sa akin. "Eh bakit ayaw mong sabihin kina dad mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko pa kaya eh. Hindi pa ako handa," sabi niya sa akin. Tumingin ako sa malayo nang narinig ko itong sinabi ni Phil. "Pero mahal kita, Kob. Ikaw lang. Pero sa ngayon, hayaan mo munang mamukadkad ang pagmamahalan natin na tayo lamang ang nakakaalam," pagpapaliwanag ni Phil. Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti. Doon at naintindihan kong hindi pa nga siya handa at mabuti ako dahil hindi naman mahirap sa aking sabihin kina mama na may boyfriend na ako. Ngunit siya, bilang isang straight guy na nainlove sa akin, batid kong mahirap umamin na ang jowa niya ay bakla. *end of flashback* Tumabi ako kay Phil sa higaan ngunit nang marinig niya akong humiga sa tabi niya, agad siyang bumangon at pumunta sa labas ng kwarto. Galit nga siya sa akin. Sinundan ko si Phil sa sala at nadatnan ko siyang nakaupo sa harapan ng TV. "Phil, sorry. I acknowledge na mali ako ma sabihin kay Thalia without you knowing. I'm sorry," I admitted. Nakatayo ako sa tabi ni Phil na nanonood naman ng telebisyon. Tumayo siya at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan na nakalagay sa mesa. Naiwan akong nakatayo at nakayuko sa sala. Hindi ko inakalang hindi pala uuwi si Phil sa apartment namin nang ilang araw. Ang mga damit at gamit niya sa iskwela ay wala na rito. Nang umalis siya, naka- receive ako ng isang text message mula kay Phil. "Kailangan ko munang mag- isip," ito ang nakalagay sa kanyang message. Nalungkot ako sa nabasa kong ito. Ilang gabi at araw din akong nag- iisip sa kung ano kaya ang iniisip ni Phil at ang tagal niyang bumalik sa apartment. Dahil malayo ang building namin sa isa't isa at sa dami ng mga estudyante, malabo ring magtagpo ang aming landas sa school. Hindi kumpleto ang araw ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Ilang araw nang gumigising akong wala akong katabi. Ilang araw nang gumigising akong walang nag- gu good morning sa akin. Wala akong kasabay kumain. Walang Phil na palaging nangungulit sa akin habang nagre- review ako gabi- gabi. Tatlong araw na pero wala pa rin siyang paramdam pagkatapos ng isang text message niya noong pagkatapos niyang umalis sa apartment. "Sis, focus ka lang. Kaya mo 'yan!" dinig kong pag-mo motivate sa akin ni Thalia habang nakatayo ako sa isang court at may hawak na raketa. Nakita ko ang player na nasa kabilang court na nag- serve. Lumipad ang shuttle c**k at agad ko itong ini-smash pabalik sa court ng kalaban ko dahilan upang maipanalo ko ang match na ito. Tuwang- tuwa si Thalia na kanina pa nag- chi cheer sa akin. Kasalukuyan ang aming PE class at Badminton ang lesson namin kaya may practical exam din kami ngayon. Varsity player ako noon sa Badminton noong nasa Sangay National High School pa lamang ako kaya naman hindi na ako nahihirapan sa lesson namin ngayon. Kinuha ko ang tumbler na nakalagay sa bench kung saan nakaupo si Thalia. Uminom ako at pinunasan ang aking pawis bago umupos sa tabi niya. "Nice game, sis. Ang galing mo naman palang mag- Badminton," pagbati niya sa akin. Habang nag-kwe kwentuhan kami ni Thalia, biglang lumapit sa akin si Mr. Taguiam na siyang professor namin sa PE. "Yes po, sir?" tanong ko sa kanya pagkatapos niyang tawagin ang aking pangalan. Kasama ni sir na lumapit sa akin ay si Gov. Neriza ng College Student Council. "Mag- training ka na. Ikaw ang sasali sa Badminton sa Intrams natin," ito ang narinig ko mula kay sir Taguiam. Nagulat ako aking narinig at bigla akong kinabahan. "Naku, sir. Hindi po ako magaling. Tsaka akala ko po eh kumpleto na yung players?" tanong ko. "Maraming nag- back out sa Badminton, ading. Kaya bumubuo na lang kami agad ng isang team for the intramurals," Gov. Neriza explained. Hindi na ako nakatanggi kina sir Taguiam at Gov. Neriza kaya naman naghanda na lamang ako para sa Intramurals. Naging challenge din ito sa akin dahil may sasalihan pa akong Extemporaneous Speaking Contest. Sa araw ay nag- te training kami sa gym at sa gabi naman ay nag- re review ako sa apartment para sa Extempo. Mabuti na lang at excused naman sa klase ang mga athletes during the training at may plus points din sa grades namin sa lahat ng subjects lalo na kapag mananalo kami sa Intramurals. Dumating ang aming College Day at nang sumalang ako sa Extemporaneous Speaking Contest (College Level), naging madali na lamang ang aking pagsagot sa katanungang ibinigay sa akin. Nakamit ko ang unang gantimpala at ako ang magri- represent sa Faculty of Legal Management sa darating na Intramurals. Samantalang naging easy win din kay Thalia ang selection for the Campus Queen representatives ng faculty namin. Isa si Thalia sa 2 babaeng lalaban sa darating na Campus Search. Dahil sa daming ganap, naging busy rin kami ni Thalia. Siya sa training and rehearsals nila for the pageant. Tapos ako naman para sa Badminton at Extemporaneous Speaking Contests ko. Ganunpaman, palagi pa rin kaming magkasama ni Thalia na kumain ng breakfast namin sa canteen sa school. Hindi na kasi ako kumakain ng agahan sa apartment dahil ilang araw nang wala naman akong kasabay kumain ng breakfast. Tapos nag- ko commute pa ako. Baka ma-late ako kapag magluluto at kakain pa ako ng agahan sa apartment. Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na nga ang opening ng Campus Intramurals namin sa Mapua. Lahat kami ay nakalinya ngayon sa malawak na stadium namin para sa Grand Opening. Kaming mga atleta ay nasa gitna ng oval. Ito ang kauna- unahang pagkakataon na nakita kong nagsama ang 10,000 estudyante ng university namin. Iba't ibang kulay ang aming suot tanda ng team na nirerepresent namin. Nasa harapan si Thalia dahil sila ang nakahawak ng banner namin samantalang ako ay nakalinya dito sa likuran. Sinindihan ng isang atleta ang main torch tanda ng pagsisimula ng aming week- long intramurals. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat nang opisyal nang binuksan ang aming aktibidad. Ako naman, nandoon pa rin sa gitna ng maraming tao at nag- umpisa nang kabahan dahil ngayong araw ang schedule ng aming Badminton match. Nagsimula akong nag- jog papuntang gymnasium kung saan gaganapin ang Badminton. Nang dumating ako doon ay nakita ko na ang aming team na nag- i- stretching. Sumali na rin ako sa kanila upang maghanda na para sa laban namin mamaya. "Match Number 12, Faculty of Legal Management Vs. Faculty of Engineering, Men's Division, Single B" Nanginginig ako nang tawagin na ako ng aking coach. Tumingin ako sa mga taas at nakitang napakaraming tao na rin ang nandito sa gymnasium para manood ng Badminton. Mas lalo akong kinabahan nang nakita ko na ang aking kalaban na doble ang katawan sa akin. Maskulado at nakakatakot ang itsura. Pumunta na siya sa court at nagsimulang pumalo- palo sa hangin gamit ang kanyang raketa. Naglakad na rin ako papunta sa gitna ng aking court. Sa puntong ito, narinig ko ang mga tawa ng mga taong nanonood sa aming laro. Pinagtatawanan nila ako. "Ay, mare! Hahahaha." "Go, sister! Hahahaha" Ito ang mga linyang narinig kong sabi ng mga lalaking nasa taas at nakaupo sa bleachers. Halos maiyak ako sa mga naririnig kong tawanan at kantsaw sa tuwing may mga hindi ako nakukuhang puntos. Natapos ang first set ng laro at malayo ang lamang ng kalaban ko. "Kaya mo 'yan. Focus ka lang sa game niyo. H'wag mong pansinin yung sinasabi ng mga manonood. Focus ka lang," ito ang payo sa akin ng aking coach nang nagkaroon kami ng panandaliang break bago ang second set. Sa second set, hindi ko na pinansin ang pangungutya ng mga tao sa akin. Nag- focus na lamang ako sa laro katulad ng sinabi sa akin ng aming coach. Naipanalo ko ang pangalawang set kaya dumiretso kami agad sa Decision match. Sobrang napagod ako sa second set at naubos na ang aking lakas doon. Magkadikit ang aming score ngunit tila walang bahid ng pagkapagod ang aking kalaban. Game point na at isang puntos na lamang ay mananalo na siya. Hindi na rin ako umasa at nais ko na lamang tapusin ang aming laro. Para sa huling puntos ay ibinigay ng aking kalaban ang natitira niyang lakas. Tinamaan niya ang shuttle c**k at tila slow- mo kong nakitang papunta na sa ito sa akin. Hindi ako nakaiwas at tuluyan itong tumama sa mukha ko kaya napaupo ako sa sobrang sakit ng tama. Muling nagtawanan at nag- iyakan ang mga nanonood. Talo at napahiya ako. Nakaupo ako sa court at naluluha na. Hawak- hawak ng aking isang kamay ang mata ko na tinamaan ng shuttle c**k. Pinigilan ko ang aking sarili sa pag- iyak. Pinulot ko ang aking raketa na nasa tabi ko at nang tatayo na sana ako, may nakita akong nag- offer ng kamay oara alalayan akong tumayo. Unti- unti kong itinaas ang aking ulo at doon ay halos maiyak ako sa nasilayan kong mukha. Si Phil. Nasa court din siya at ini-aabot ang kanyang kamay sa akin. Kanina pa ba siya nandito? Napanood ba niya yung laban namin? Kinuha ko ang kamay ni Phil at tumayo na ako. Naglakad kami palabas ng gymnasium at nagtitinginan ang mga tao sa amin. "B-bakit mo ginawa 'yun?" tanong ko kay Phil habang naglalakad kami. "Ha? Eh syempre boyfriend mo ako," bigkas niya sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at humarap kay Phil. Tinignan ko siya sa mata sana ay nakita niya sa aking mga mata kung gaano ako nalungkot noong nawala siya. "Balik ka na sa'kin," mangiyak- ngiyak kong sabi sa kanya. Muli kong nasilayan ang matamis niyang ngiti at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Niyakap niya ako sa gitna ng mga taong naglalakad at tumitingin sa aming dalawa. Tuluyang nahulog ang aking mga luha dahil sa sobrang tuwa nang mayakap kong muli si Phil na na- miss ko nang sobra. Mahigpit ang naging yakapan naming dalawa at tila walang may gustong kumawala. Habang yakap- yakap ko si Phil, nakikita ko ang mga ilaw at kinang na dulot ng aming pagmamahalan. Hindi ko inaakalang yayakapin ako ni Phil sa gitna ng mga taong naglalakad. Ito ang unang pagkakataong ginawa namin ito sa public place. Kakaiba ang pakiramdam. Tunay ngang na- miss namin ang isa't isa at ang pagmamahalan namin ay isang magandang tanawin para sa mata at puso ng ibang mga tao saksi sa isang mahigpit na yakapan namin ni Phil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD