"Love is magic itself. No one knows how. Two hearts just fall for each other and the magic happens."
Nanginginig na ang aking tuhod habang naglalakad papunta sa gitna ng stage. Hindi ko mabilang kung ilang tao ang kasalukuyang nakatingin sa akin. Naging tahimik ang hall nang lumapit ako sa kinalalagyan ng mikropono. Tanging ang kabog ng dib-dib ko ang namayani sa mga segundong ito.
"Contestant number 8, here is your question. You have 3- 5 minutes to discuss your answer. For you, as a student, how do you define quality education?" ito ang tanong ng isang judge sa akin.
Saglit akong hindi nakapagsalita nang sabihin sa akin ang aking tanong para sa Impromptu Speaking Contest namin. Ilang segundo akong na- mental block dahil sa kaba. Pakiramdam ko ay ang daming judges dahil sa mga mapanghusgang matang nakatingin sa akin. Tumingin ako sa audience at may isang taong hinanap. Nakita ko sa gilid ng venue ang isang grupong pumapalakpak para sa akin. Nandoon si Denisse, Thalia, at ang taong gusto kong makita--- si Phil. Nakita kong ngumiti sa akin si Phil habang pumapalakpak.
"Good morning, ladies and gentlemen..."
Inumpisahan ko nang sagutin ang tanong sa akin.
"Quality education leads to an excellent student education it plays a major role in the student education.
Quality is doing the right things right and Quality education leads to an excellent student education. The future of the country depends on a quality education being provided in every school and it plays a major role in the student education. Education quality is from school inputs and the ability of the student admitted. It doesn’t have to be a college or university related. Quality is at the heart of education, Alternatively Performance in licensure examinations is not the only measure of quality education. The quantity and quality of school inputs the effectiveness of the curriculum and teaching methods and the quality of the school and home environment.
The power of transforming the society is from quality education. The element of social value in the educational process is present. It can be any education that gets you further down the path you have chosen to go. An education isn't how much you have committed to memory, or even how much you know. It's being able to differentiate between what you do know and what you don't. Education is the most powerful weapon which you can use to change the world that’s why its quality is very important it is what you remember and use after you have forgotten what you learned because without education you can’t go anywhere.
Thank you."
Pagkatapos kong sumagot ay narinig ko ang dumadagundong na palakpak ng mga nanonood. Hindi ko rin inaasahan na makakasagot ako nang maayos dahil sobrang kinakain ako ng kaba kanina. Nanginginig ang aking kamay nang simula ngunit nang nakita ko ang ngiti ni Phil ay nabuhayan ako ng loob.
Ngumiti ako sa lahat at naglakad pababa ng stage. Dumiretso ako sa kung saan nakaupo sina Phil, Thalia, at Denisse. Tumayo naman kaagad si Phil para paupuin ako sa kanyang upuan. Niyakap ako ni Thalia at sinabing proud siya sa akin.
"Sisss! Ang galing mo talaga. Hindi ako nagkamaling sinuggest kita para sa contest na ito. I'm so proud of you," banggit niya.
Bagamat naging maganda ang aking performance, hindi ako umasang mananalo ako dahil lahat ng mga kasali ay magagaling din at sanay na sanay nang magsalita sa harapan ng napakaraming tao rito sa Mapua.
Nang dumating ang announcement of winners, bigla akong nangatog muli.
"Kinakabahan ako," nag- aalalang sabi ko sa mga kasama ko ngayon na todo suporta sa akin.
Umupo sa tabi ko si Phil. Habang busy namang nanonood sina Thalia at Denisse ng announcement of winners, palihim na hinawakan ni Phil ang kamay ko at may binulong siya akin na mga katagang nagpakalma sa akin.
"Panalo ka naman sa akin. Bonus na lang yung makukuha mong award," wika niya.
Niyakap niya ako at magkahawak ang aming kamay habang hinihintay ang resulta. 2nd place na ang ina- announce ngunit wala pa rin ang aking pangalan.
"Our champion for the Impromptu Speaking Contest is from the Faculty of... Legal Management!!! Jacob Mendoza!"
Tama ba yung narinig ko? Tila nag- echo sa aking pandinig ang boses ng emcee nang inannounce niyang ako ang nakasungkit ng unang pwesto. Tumingin ako kay Phil at nakita ko siyang pumapalakpak at nakangiti sa akin. Tumingin ako kina Denisse at Thalia na nakaupo sa aking kaliwa at nakatayo na sila habang pumalakpak at humihiyaw. Patuloy pa rin ang mga tao sa pagpalakpak sa akin.
"Sis, akyat ka na," sabi sa akin ni Thalia.
Buti na lang at pinaalala niya sa akin dahil pansamantala akong nawala sa aking sarili nang narinig ko ang resulta. Kanina pa pala naghihintay sa stage ang mga opisyales ng aming university upang isuot sa akin ang aking medalya.
Kasinglawak ng kalawakan ang aking ngiti habang isinusuot sa akin ang medalya at habang kinukunan nila ako ng picture na nakatayo sa harapan. Pagkababa ko sa audience ay agad akong sinalubong ni Phil. Nagulat ako dahil naglakad siya papunta sa akin at bigla niya akong niyakap sa harapan ng maraming tao. Nagtinginan sa amin ang mga taong nakakita sa aming nagyayakapan.
"Salamat, tol," nilakasan kong sabihin ito upang hindi nila bigyang malisya ang pagyakap sa akin ni Phil. Kumunot naman ang noo ni Phil nang narinig niya ang tawag ko sa kanya pero hindi na siya nakapagsalita nang hilahin ko siya upang bumalik sa upuan namin.
Hindi pa rin ako makapaniwalang naipanalo ko ang aming department kanina. Habang naglalakad kami sa hallway ng aming building ay kaliwa't kanan ang mga bumabati sa akin ng congratulations.
Dumaan lang kami saglit sa building namin dahil pinapatawag daw ako ng aming dean. Kasa- kasama ko pa rin ang aking mga kaibigang sina Thalia at Denisse, at ang aking boyfriend na si Phil.
Hawak-hawak ni Phil ang aking bag habang naglalakad kami paakyat sa Dean's Office. Ala- 10 pa lang naman ng umaga at napag- usapan namin na sabay- sabay na kaming kumain ng early lunch bago sumabak si Thalia sa kanyang pageant mamayang alas- 3 ng hapon.
Nang malapit na kami sa office ng aming dean, narinig kong tumunog ang cellphone ni Thalia. Sinagot niya ito at nakipag-usap sa kanyang boyfriend na tinatawag niyang babe sa kanilang usapan.
"Sana all," pagbibiro naman ni Denisse na ngayon lamang nakasama si Thalia para lang suportahan ako.
"Guys," nagsalita si Thalia at tumigil kami sa pag- akyat sa hagdan papuntang third floor.
"I don't think makakasama ako ngayon sa inyo. Something came up and kailangan ko munang umuwi sa bahay. Can we just meet this afternoon sa venue ng pageant namin?" sabi niya.
"Uy, sure. Don't worry about us, Thalia. We'll be there later to support you. Thank you for supporting me," sagot ko naman at lumapit ako para yakapin siya.
Binati ako ng aming dean at nagbigay siya ng kaunting financial reward sa akin bilang gantimpala dahil sa unang pagkakataon, naagaw ng aming department ang first place mula sa Faculty of Political Science na palaging nanalo sa speaking contests dahil ang mga varsity pagdating sa debate ay sa kanila galing.
Kumain kami nina Phil at Denisse sa Lakeview Restaurant. Ewan ko ba kay Phil, sabi ko namang pwede lang sa restaurant sa loob ng campus eh, gusto raw niya akong i- treat kaya naman bumyahe pa kami ng ilang minuto para pumunta sa Lakeview Restaurant.
Ang kinuha naming pwesto ay ang table namin noon ni Denisse nang una kaming kumain dito. Maraming mga puno at ang mismong lake ang nakikita namin habang kumakain.
Nag- order ng beer si Phil. Nagulat ako dahil hindi naman ako masyadong umiinom ng beer lalo na kung tanghaling tapat. Ito namang si Denisse, tuwang- tuwa nang makita ang bucket ng beer na paparating sa table namin.
"OMG! Matagal ko nang gustong uminom ng beer kaso wala akong kasama! This is the perfect moment to drink beer and celebrate for the success of Kob!" linya niya habang kinukuha ni Phil ang mag beer at binigay sa amin ni Denisse.
Kinuha ni Phil ang kanyang beer. Hinawakan na rin namin ni Denisse ang aming mga beer. "Here's to the success of Kob. Cheers!" sabi ni Phil at nag- cheers kaming tatlo kahit pa tanghaling tapat. Nagtitinginan sa amin ang mga ibang customers ngunit hindi ko na sila inisip pa. Gusto ko lang din talagang mag- celebrate dahil kahit na talo ako sa Badminton, panalo naman ako sa Impromptu.
Nang ibinaba na naming tatlo ang bote ng beer, uminom na si Denisse na animoy ilang buwang hindi nakatikim ng beer. Samantalang si Phil, hinawakan niya ang aking kamay na nakalagay sa mesa. Nagpatong ang aming mga kamay na siya namang nakita ni Denisse. Hindi niya naituloy ang kanyang pag- inom ng beer dahil na rin sa gulat sa ginawang ito ni Phil. Halos maduwal ito sa nakita niya. Pati nga rin ako ay hindi makapaniwalang hinawakan ni Phil ang aking kamay sa harap ni Denisse.
Tumingin sa akin si Phil bago nagsalita.
"Congratulations, love," sabi niya sa akin habang hinihimas himas niya ang aking kamay. Nakita kong nakatingin pa rin sa amin si Denisse at tulala sa nakita.
"Naku, hindi pa nga nag- uumpisa sa pag- inom ng beer pero lasing na ata kayo. Ang lakas ng trip niyo, ha," ito ang sinabi niya dahil hindi siya kumbinsidong may something sa amin ni Phil. Well, pati ako, ayaw kong aminin ang tungkol sa amin ni Phil.
"I am not kidding, Denisse," mas lalong napatulala si Denisse nang narinig niyang sabihin ito ni Phil.
"Jacob and I are together," dagdag ni Phil. Pati ako ay nagulat sa binanggit na ito ni Phil. Hindi ko alam kung ano ang maramadaman ko. Pero kahit pa i- deny ko, mayroong kuryenteng dumaloy sa aking katawan nang ipakilala ako ni Phil kay Denisse bilang kanyang jowa niya. Parang humaba ang aking buhok hanggang EDSA.
"Ha? Kailan pa? Bakit? Paano"
Ito ang mga tanong na lumabas sa bibig ni Denisse nang malaman niya ang tungkol sa amin ni Phil.
"We do not know. The magic just happened and we just fell in love with each other," Phil said to Denisse whose face depicts state of confusion and shock.