LIGHTS AND LOVE

2434 Words
"Lights that sparkle tonight blind me with its bright. The man in my sight made me feel things are not right, but there's no turning back for us tonight." Umuwi kaming sobrang saya. Doble- doble ang sayang naramdaman ko dahil sa wakas, alam na ni Denisse ang tungkol sa amin ni Phil. Ibig sabihin hindi ko na kailangang magtago pa ng aking nararamdan sa tuwing magkakasama kami. Isa pa, hindi ko na rin kailangan pang mangamba na baka aagawin niya sa akin si Phil dahil si Phil na mismo ang nagpakilala sa akin bilang jowa niya. Ganunpaman, medyo nagtataka lang ako dahil wala pang kalahati ang naiinom ni Denisse sa kanyang beer ay bigla na itong nagpaalam dahil bigla raw sumakit ang kanyang ulo kaya naman naiwan kami kanina ni Phil sa Lakeview Restaurant. Nang makarating kami sa apartment, agad kaming naligo at nagpalit ng damit bago bumalik sa campus para manood ng Search for Campus King and Queen. Syempre kailangan ko ring suportahan ang kaibigan kong si Thalia. Habang nagpapalit kami ni Phil ng damit ay lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap. "Thank you, love. You do not know how much you made me happy just by telling Denisse about us," I know that these sweet words could not explicate the happiness that I felt when he introduced me to Denisse as his partner. "I love you, Kob" he responded. Noong dumating kami sa campus, maraming nang tao sa gymnasium kung saan gaganapin ang pageant. Iba't ibang banner at kulay ng lobo ang siyang masisilayan sa audience. At halos mabingi na kami sa tugtog. Naghanap muna ng upuan namin si Phil samantalang agad ko namang pinuntahan si Thalia na nasa backstage. Isamg dyosang Thalia ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa backstage. Mukha siyang anghel na bumaba sa lupa dahil sa mas lalo siyang gumanda dahil sa light make up niya at dahil na rin sa puting casual wear na suot niya. "Siss! I though you will not attend. Kanina pa ako naghihintay," sabi niya sa akin habang hawak- hawak ang aking dalawang kamay. Ramdam ko ang kaba ni Thalia dahil sa malamig at pinagpapawisan niyang mga kamay. Hinigpitan ko ang hawak sa kanya at sinabing, "Hindi pwedeng hindi kita suportahan, sis." Niyakap ko siya at nagpaalam na rin dahil magsisimula na ang pageant. Bumalik ako sa pinag-iwanan ko kay Phil at nakita ko siyang kumakaway sa gitna na maraming tao, tinatawag ang aking pangalan ngunit hindi ko marinig dahil sa lakas ng tugtog. Narinig kong nagsalita na ang emcee at tuluyan na ngang nagsilabasan ang mga candidates. Dumagundong ang Mapua Grand Hall sa lakas ng hiyawan ng mga tao habang sumasayaw sila sa kanilang production number. Naunang lumabas ang nga babae. Todo kembot ang bawat isa sa kanila at walang gustong magpakabog. Eksaherada rin naman ang kaibigan kong si Thalia na siyang nasa harapan kahit na sobrang tangkad. Siya ang pinakamatangkad sa lahat ng kasali. Sumunod namang lumabas ang mga nag-gwa gwapuhang mga lalaki. Mukha silang gentlemen sa kanilang mga casual wear. Pumapalakpak ako dahil sa sobrang gwapo ng mga kalahok. Tinitingnan ko ang bawat isa sa kanila at batid kong lahat ay palaban sa itsura. Pumapalakpak ako sa tuwing may nagpapakilalang lalaki at halos makalimutan ko nang kasama ko pala ang aking boyfriend. Ibinaba niya ang aking kamay. Tumingin ako sa kanya at nakita kong kumunot ang kanyang noo na tila naiinis. Nanahimik na lamang ako at baka suntok na ang susunod kong makuha mula kay Phil. Hahaha! Rumampa ang mga kandidata sa kanilang casual at swim wear. Mas lalong nag- ingay ang paligid nang lumabas ang mga babaeng naka- tw-piece. Naghihiyawan ang mga tao at syempre, hindi rin ako nagpatalo lalo na noong si Thalia na ang rumarampa sa stage. Gamay na gamay na niya ang pagrampa kaya naman hindi nakapagtatakang stand out siya mula sa mga ibang kandidata lalo na sa kanyang yellow na swim suit. Sumunod na lumabas ang mga lalaking candidates na siyang nagpabilis ng kabog ng aking puso. Nalula ako sa nag- ga gandahan nilang mga katawan lalo na iyong representative ng Faculty of Criminology. Tutok na tutok ako sa mga pandesal ng kanyang katawan at halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa aking nakikita. "O 'yang mga mata mo na naman!" nagulat ako sa lakas ng boses ni Phil. Napalunok na lang ako bago ako humarap sa kanya. "Mas gwapo ka pa rin, love," sabi ko na siyang nagpangiti ng bahagya kay Phil na tila naiinis na sa eksena ko. Dumating ang formal wear competition. Makinang at daring na red gown ang suot ni Thalia. Todo hiyaw ako dahil napaka- regal niyang tingnan sa kanyang gown. Pagkatapos ng casual, school uniform, at gown ay dumako na sila sa Question and Answer Portion. Nang oras na para si Thalia ang sumagot, dahan- dahan siyang naglakad papunta sa harap kung saan nandoon ang mikropono. Punong- puno ng sashes ang kanyang balikar dahil halos hinakot niya ang lahat ng special and minor awards. Ang naging tanong sa kanya ay tungkol sa eleksyon. "As a responsible voter, what kind of leadership does our country need?" Pansamantalang nanahimik ang lahat. Tahimik kaming lahat na naghihintay na sumagot si Thalia. Hindi mapakali ang kanyang ulo at mga kamay habang naghihintay kaming magsalita siya. May mga tao nang sumisigaw ng "boo" kaya nama sumigaw ako ng "Go, Thalia!". "Ahhmmmm, I will vote someone who is... responsible for the betterment of our.. ahhh country," Hindi ko na- gets ang sagot ni Thalia. I crossed my fingers and hoped that she would supplement her answer. "And I thank you," pagtatapos niya. Medyo dismayado ang mga tao sa naging sagot ni Thalia. Ngunit ako, wala na rin akong nagawa kundi pumalakpak na lamang. Alam kong Thalia could have done better, but I know naman na she did her best. Baka kinabahan lang talaga siya sa mga tao. Maaaring gamay na niya ang pag- rampa ngunit baka kahinaan naman niya ang Q and A. Dumating ang announcement of winners at itinanghal na 4th runner up ang aking kaibigan. Masaya pa rin ako sa naging resulta. Tumayo, pumalakpak, at humiyaw ako nang tawagin na sa harapan si Thalia upang isuot ang kanyang sash. Noong matapos ang pageant ay agad kaming umakyat ni Phil sa stage upang makipag- picture kay Thalia. "Sis, congratulations!" bungad ko kay Thalia nang niyayakap ko siya. "Thank you, sis. Kinakabahan talaga ako sa question and answer portion. Dun ako palaging nadadali, sis," pagpapaliwanag niya sa akin. "You don't have to explain, sis. You did great. I am proud of you," I comforted her. Sunod na umakyat sa stage ang dad ni Thalia at pinakilala niya kami rito. Sa tingin ko ay mabuting tatay si Tito Mark dahil mabuting anak din naman si Thalia kahit na maaga siyang nawalan ng mama. naikwento ni Thalia ang tingkol dito nang minsan kaming kumain sa Beautiful Life Café. "See you tonight at the party," Thalia said as she bid her good bye after the pageant. Bigla kong naalala ma ngayong gabi na pala ang pinakahihintay ng mga estudyante. Ito ang Night of the Lights. Isang taunang activity na organized by the Univeristy Student Council. Basically, isa itong party ng mga students kung saan pwedeng sumayaw sayaw at uminom ng alak as long as nasa legal age ka na. Ito ang kwinento sa akin ni Denisse noong nagsama kaming nag- lunch last week. Ayon sa kanya, ito raw ang gabing pinakamakinang. It is like the Freedom Night. Walang teachers na pwedeng pumunta. Lahat ng mag- a attend ay students lamang. "How true? Bakit supportive ang school natin sa inuman? Nakakaloka ha,", reklamo ko noon kay Denisse. "Sabi ni ate Lia, 3rd year Architecture student, liberated daw kasi ang school natin at naniniwala raw ang admin na students should enjoy and have freedom once in a while. Besides, may mga guards naman if ever. Bawal ding lumabas sa venue," she explained. Alas singko na noong natapos ang pageant. Pagkatapos nito, dumaan kami ni Phil sa isang shop kung saan bumili kami ng isusuot namin para mamayang gabi. Isang makinang- kinang na read and white long sleeves ang binili ko samantalang classic white polo naman ang kinuha ni Phil. Pagka- uwi sa apartment ay nagpahinga kami saglit ni Phil bago kumain at naligo. 6:30 na noong nagpapalit kami. 7:30 ang umpisa ng Night of Lights. Habang nasa byahe kami ni Phil, nakikita ko ang mga ilaw sa kalsada. Mas lalo akong na- excite sa kung ano ang mga ganap sa party mamaya. Tumigil ang aming sasakyan at naglakad na kami ni Phil papuntang Great Park kung saan gaganapin ang Night of Lights. Ang Great Park ay isang area sa likod ng campus namin kung saan ginaganap ang mga outdoor activities namin katulad ng annual Night of Lights. Napapalibutan ito ng mga landscape at sa gitna naman ay malawak na area na may carpet grass. Hawak- hawak ko ang kamay ni Phil habang naglalakad. Nasa tapat na kami ng entrance ng Great Park at namangha ako sa mga nagsasayawang ilaw na makikitang sumisilip mula sa loob. Nagbukas ang pintuan at nakita namin ang red carpet. Mayroon ding official photographer na handa na kaming kunan ng picture. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ng aking kamay kay Phil bago kami nag- pose. "Wow! It is time to party!" sabi ko habang manghang- mangha pa rin sa kinang ng iba't ibang kulay ng ikaw na siyang nagbibigay liwanag sa Great Park. Sa gitna ng park ay mayroong mga nakalagay na LED cocktail tables kung saan may mga nakatayong estudyante na umiinom ng alak. May mga iba't ibang grupo rin ng estudyante ang nasa gitna ang masayang nagsasayawan. Nagustuhan ko ang ambiance dito sa venue dahil na rin sa nakakabulad na nagsasayawang mga ilaw lalo na ang malaking disco lights na nasa harapan. Nagpatuloy kami ni Phil sa paglalakad. Nakita ko sa gilid ng park ang isang mahabang table kung saan nandoon ang mga pagkain. May isang malaking table din kung saan naman nakalagay ang halo- halong klase ng alak- wine, whiskey, rum, vodka beer, gin, at iba pa. Tumigil kami sa tapat ng table na ito. Phil and I took three shots of vodka. Doon pa lamang ay medyo natamaan na kami. Tumingin ako sa phone ko at tinawagan si Denisse, cannot be reached siya. Si Thalia naman, hindi sinasagot ang tawag ko. Nakatayo lang kami ni Phil sa gilid habang pinapanood ang mga kapwa naming estudyante na nagtatawanan, nagkwe- kwentuhan, naghihiyawan, at masayang- masayang nagsasayawan sa gitna. Ilang saglit pa ang nakalilipas ay may narinig kaming tinatawag si Phil. "Phillll!" "Hey, broooo!!!" Tumingin kami sa side at nakita ang isang grupo ng kalalakihan na naglalakad papunta sa aming kinatatayuan. Ayon kay Phil, mga kaklase at barkad niya ang mga ito. Nang makarating sila sa amin, pinakilala sila ni Phil isa- isa. "Guys, this is Jacob, my friend," Phil said. That is what I expected from Phil so I did not get hurt anymore. Well, not that much. I excused myself from their circle so that I would not get out-of-place. But before I totally took my exit, I took another shot of vodka and I brought a glass of wine with me. Hindi ko rin naman alam ang pupuntahan ko. Wala pa ring response si Thalia so I decided to look for them. Naglakad ako papunta sa gitna ng venue kung saan napakaraming tao ang nakatayo sa cocktail tables at yung iba naman ay nagsasayawan. I walked towards the crowd with high hopes of finding my friends. Habang naglalakad ako, mayroon akong narinig na sumisitsit sa akin. Akala ko ay si Thalia or Denisse na ito ngunit ng lumingon ako ay isang grupo ng mga lasing nang mga lalakiang ang nakita kong nakatingin sa akin habang nagtatawanan. I did not really mind them and I continued my search for Denisse and Thalia. Isinisiksik ko ang aking sarili sa mga taong nagsasayawan. Once in a while ay tumitigil din ako sa mga tables ng mga kakilala ko kung saan napapa- inom ako ng beer or vodka. Hawak- hawak ko pa rin ang baso ng wine na paubos na rin. Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko na rin ang aking sariling unti- unting nahihilo dahil sa halo- halong alcohol sa aking katawan. Bumalik ako sa pinag-iwanan ko kay Phil ngunit hindi ko na siya nakita doon. Baka sumama na muna sa mga barkada niya. Patuloy akong naglakad para hanapin si Phil ngunit hindi ko siya makita. Matagal na rin akong nag- iikot ikot sa park para hanapin siya. Ilang tables na rin ang nagsilbing stop-overs ko kaya naman hindi ko na rin namalayan ang oras ko. Marami na akong nakilalang mga bagong kaibigan sa iba't ibang tables na napupuntahan ko. Hindi ko na maituwid ang aking paglakad at hindi na rin diretso ang ang aking paningin. Tila nagsimula nang umikot ang aking mundo kaya nagdesisyon akong umupo muna sa isang couch na nasa bandang gilid ng park. Hindi ito masyadong abot ng mga nagsasayawang ilaw kaya naman pinili kong doon na lamang pumunta at umupo. I took one step at a time to the location of the couch. When I got there, someone was there, but since I am already drunk I still headed towards the couch to take some rest. I sat. I looked at the man sitting beside me on the couch but I can't really see his face because not much light can reach our place. Wala akong makita dahil talagang madilim na sa part na ito ng park. Ang tanging naaaninag ko lamang ay ang sugat sa kanyang kanang pisngi na lantad dahil sa kakaunting ilaw na tumatama rito. Sigurado akong lalaki ito ngunit hindi ko siya kilala. "Hi, mag- isa ka?" ito ang narinig ko mula sa lalaking nakaupo sa aking tabi. Tila akong nakikipag- usap sa dilim dahil hindi ko lubusang makita ang kanyang mukha. "Ahh, I have someone with me pero ano eh, ahh.. I do not know kung...," hirap na ako sa pagsasalita dahil sa kalasingan. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sobrang nanghihina na rin ako. Bagamat nakapikit na ako ay naramdaman kong gumalaw ang couch at unti- unting lumapit sa akin ang lalaki. Ramdam ko ang paglapit ng kanyang katawan sa akin hanggang sa minulat ko kaunti ang aking mata at nasilayan ko ang mukha ng aking kahapon. Mainit na halik ang sumunod kong naramdaman. "Nat?" tanong ko nang nakita ko na nang malapitan ang lalaking humalik sa akin. Lalong lumalakas ang tugtog. Mas umiingay ang mga masasayang hiwayan. At tuluyan akong nabulag dahil sa mga nagsasayawang mga ilaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD