"Love looks not with the eyes but with the heart. Therefore, winged Cupid is blind."
Isang magandang umaga ang gumising sa akin. Ang simoy ng hangin na humahaplos sa aking katawan ang siyang gumigising sa aking ulirat. Napakalamig ng tubig na humahampas sa aking mga paa. Nakahiga ako ngayon sa buhangin at nang bumangon ako ay tumambad sa akin ang isang paraiso. Asul ang kulay ng dagat at ang araw naman ang bumati sa akin na unti- unting sumisikat. Kay sarap pagmasdan ang lugar kung saan ako ngayon nakaupo. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagsipol ng hangin at ang tunog ng alon. Pumikit ako at hinayaan kong halikan ng sikat ng araw ang aking mukha. Saglit pa ay mayroong mga kamay na humawak sa aking balikat. May nakalagay na pulang bracelet sa kanang kamay ng lalaking ito katulad ng bracelet na suot ko ngayon. Umupo siya sa aking likuran at niyakap ako. Sabay naming pinagmasdan ang pagsikat ng araw, naghabulan sa dalampasigan na parang mga batang nais lamang sumaya sa piling ng isa't isa. Sa dapithapon, muli kaming umupo sa dalahik. Sa hangganan ng mga alon sa dalampasigan ay nangako kami sa isa't isang walang iwanan. Habang magkahawak kamay kami ng lalaking ito na unti- unti siyang naglalaho sa aking paningin katulad ng araw na aming nasisayang unti- unting lumulubog.
"Kob, gising! Okay ka lang ba?"
Binuksan ko ang aking mga mata at mukha ni Phil ang nakita ko. Hinawakan ko ang aking mga mata at nagulat nang may luha sa mga ito.
"Bakit ka naiyak? Okay ka lang?" muling nagtanong sa akin si Phil.
Tumingin lamang ako sa kanya at iniisip kung bakit hindi siya ang lalaki na nasa aking panaginip? Bakit hindi siya ang kasama ko sa paraiso?
"Arghh," I groaned.
Inalalayan ako ni Phil na bumangon. Nagising akong nasa apartment na kami. Hinawakan ko ang aking ulo dahil bahagya kong naramdaman na masakit ito dahil sa hangover.
"Maghilamos ka na muna bago tayo kumain. Timplahan lang kita ng kape. Nakapagluto na rin ako ng breafast natin. Egg and banana are good for hangover," Phil said while he is fixing the bed.
I stood and walked to the bathroom. After I washed my face, I looked at the mirror and last night's memories came rushing into my head.
I touched my lips in front of the mirror. It was the kiss that I remembered first- the kiss from the guy in the dark.
"Love, I was a drunken gay last night. Did I behave properly," I asked Phil. Sa tingin ko ay kagabi ako pinaka-nalasing sa buhay ko kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang mga pinaggagawa ko lalo na't nagising na lang ako ay nandito na ako sa apartment. I did not know what happened in between.
"You had the best night of your life, love," Phil said with a plain face. All that followed was silence.
"Nakita mo ba ako sa couch tapos inuwi mo na ako?" tanong ko kay Phil na abala sa pagkain.
"Nope," matipid niyang sagot.
Kumuha ako ng isang pirasong saging, binuksan at nagsimula itong kumain. Habang ngumunguya ako ay unti- unti kong naaalala ang mga pinaggagawa ko kagabi.
Ang akala ko, pagka-idlip ko sa couch ay nahanap ako ni Phil tsaka inuwi dito sa apartment. But as fractions of memories suddenly became vivid, I remembered myself dancing at the middle of the crowd with boys who are complete strangers to me. I was dancing as if it was the last day of my life. I can already remember how many times I got up after I stripped and fall while dancing.
Napa-face palm na lamang ako dahil sa mga naalala kong ginawa ko kagabi.
"Gosh! Sobra akong nalasing kagabi, love," I said to Phil.
"Hindi ko alam sa'yo ah. Diba sabi mong may hahanapin ka lang kagabi, bakit di ka na bumalik?" tanong niya sa akin.
"Actually bumalik ako kaso wala na kayo ng mga barkada mo," sumbat ko.
"Edi sana tumawag ka. Para saan ba yang cellphone mo? Tapos magugulat na lang ako na nandun ka na sa gitna ng mga tao at sumasayaw pa! You have to know your limits, Jacob!"
He called me Jacob. He did not call me with our call sign "love".
"Edi sorry, lasing na nga ako kagabi, diba?" I rebutted.
"Kob, magtapat ka nga. Nagkikita pa rin ba kayo ni Nathan?"
This question from Phil shocked me. I do not know how to answer.
"Saan mo nakuha yang tanong na 'yan?" I asked him. Uminom ako ng kape bago tumingin kay Phil.
"Just answer me! Niloloko mo ba ako?!" galit na tanong niya sa akin.
"NO! Why would I do that? Where did you get that assumption, Phil? Why do yoy need to bring back the past?"
"Kasi hindi ka pa nakaka- move on, Kob! And that fact is hurting me!" Tumayo si Phil bago ito muling nagsalita.
"You know what, yung sasayawan mo 'yung mga lalaking hindi mo kakilala kagabi, matatanggap ko pa! Pero yung paulit- ulit mo akong tawagin ni Nat, hindi ko yun matatanggap. Hindi ako si Nathan, Kob. Tapos na ang kwento niyo! Ako yung nandito oh!" wika niya. Hindi ako naka- imik sa mga sinabing ito ni Phil. Nakinig na lamang ako sa kanya. Nakita kong pinunasan niya ang mga tumulong luha bago ako iniwang mag- isa sa kusina at pumasok sa kwarto.
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga tanong na ibinato sa akin ni Phil. Sobrang nahihiya ako dahil alam kong nasaktan ko siya noong tinawag ko siyang Nat. Sana ay ito na lamang ang panaginip at ang panaginip ko na lamang kanina ang siyang reyalidad.
Sa gitna ng mga maiinit na kaganapan sa amin ni Phil ay tumawag sa akin si Denisse.
"Denisse, this is not a good time," agad na sabi ko sa kanya.
"Well, this might be the best time actually bago pa manggaling kay Phil mismo," naging interesado ako sa gustong sabihin ni Denisse.
"Alam mo bang last night, kami ang nag- uwi sa'yo sa apartment niyo? Late na akong dumating sa Night of Lights kagabi tapos hinanap kita. I was disturbed by the crowd dahil sa sobrang ingay nila. They were cheering for someone na sumasayaw sa gitna. Then I walked towards them only to find out na ikaw pala ang nandoon sa gitna, dancing with random guys! Gosh, Jacob! Lasing na lasing ka tapos ito ang malala, you kept on calling Phil as Nat. You made him feel bad," Denisse told me.
Pinatay ko na ang tawag niya because I do not want to listen anymore. I messed up. I hurt Phil... again.
Phil is has a soft yet fragile heart. And I keep on breaking it. I know that he deserves a better version of me, not someone who still feels crazy over his childhood love. But inasmuch as I would like to be better for Phil, my heart has its own memory of reminding me of Nat. And Phil knew that my love for Nat is deeply rooted.
Walking down memory lane, Phil knew about Nat and I when I opened up all my secrets during the celebration of our first month of love. Siya naman, he also admitted that he once fell in love with Denisse during our high school days. Yes. Sa ganitong paraan kami nag- celebrate ng aming monthsarry.
Habang nasa higaan na kami ni Phil, hindi ko magawang matulog nang may kinikimkim siyang sama ng loob sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo.
Nakatalikod sa akin si Phil at hindi pa rin ako kinakausap simula kaninang umaga.
"Love, I am sorry. Lasing ako at mali ang mga pinaggagawa ko," I said to him.
Nakatalikod pa rin siya sa akin.
"Hm!" narinig kong mahinang sabi ni Phil na tanda ng hindi pagsang- ayon sa sinasabi ko.
"I love you, my love," dagdag ko.
Sa pagkakataon na ito ay humarap sa akin si Phil.
"Totoo ba? Di mo na ako tatawaging... basta?" sabi niya.
"Ikaw ang boyfriend ko at ikaw ang mahal ko," utas ko sa kaniya.
Bumangon din si Phil at umupo. Ngayon ay magkaharap na kaming nakaupo sa kama at magkaharap sa isa't isa.
Niyakap ko si Phil dahil alam kong kasalanan ko naman kung bakit siya nasaktan ng ganun. Kasalanan ko naman lagi. Naramdaman kong niyakap din niya ako at nagsimula siyang umiyak.
"Love, h'wag mo akong lolokohin, ha? Ikaw ang unang baklang minahal ko. Ikaw lang ang baklang mamahalin ko. Ikaw, hindi lang ako ang lalaking mahal o pwede mong mahalin. Pero akin ka lang, love, please," ito pahayag ni Phil habang umiiyak. Hinaplos ko ang likod niya at pinatahan siya sa pag- iyak.
Makalipas ang ilang araw, nagsibalikan na kami sa eskwela pagkatapos ng ilang araw na pahinga mula sa Campus Intramurals namin. Kakaibang experience ang binigay ng activity na ito. Ibang- iba kaysa sa intrams namin sa high school.
Naglakad ako papunta sa Registrar's Office dahil kailangan kong kumuha ng Certification of Grades at Assessment Form para sa scholarship na aapplyan ko.
Pumunta ako sa Window 7 malayo sa pintuan ng office. Habang kinakausap ako ng Registrar, lumingon ako dahil nagbukas ang pintuan. May lalaking lumabas. Moreno ngunit hindi ko masabi kung ano ang itsura o kung kilala ko ba dahil medyo malabo ang aking paningin. Ang tanging nakikita ko sa kanya ay ang itsura ni Nathan dahil ganun ang built ng katawan niya base sa huli naming pagkikita sa Sangay. Tila kamukha niya base sa malabong paningin ko.
"Nong, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" galit na bigkas ng matandang babaeng umaasikaso sa akin.
Magkaka- sabay kaming kumain ng tanghalian nina Thalia, Denisse, at Phil.
Habang kumakain kami, may biglang tumawag sa cellphone ni Thalia. Agad siyang tumayo at naglakad palayo sa amin.
"I have to answer this," ani niya.
Nang bumalik ito sa mesa namin ay tuwang- tuwa siya sa bitbit niyang balita.
"Guys, since it is already confirmed, I guess I can already share the good news to you," deklara ni Thalia.
"Spill it," Denisse said.
"My boyfriend will be transferring here. I am just so happy that we'll always see each other here. I can't wait to let you meet Nate," masaya at nananabik na usal ni Thalia.
When I heard the name Nate, naalala ko si Nat. Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko? Kailangan ba talagang lahat ng bagay ay ma- connect ko sa kanya?