"Denise, sa room 12 ka," saad ni Aleah. Tumango ako at naghanda para sa unang customer ko. Hindi ko alam kung ilang tao ang nandoon. Basta sasayaw lang ako. Walang halong extra service. Naglakad na ako papuntang room 12 kung saan ako nakatuka. Dala-dala ko ang bagong phone ko. Mason bought this when he noticed I don't have one. Hindi na raw ako kailangang magdala ng speaker dahil nandoon na rin sa loob ng room. Ikokonek ko na lang. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay halos tumakbo ako palabas. Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ba't nandito sila? Tangina. Nakatitig din sila sa'kin at halata ang gulat sa mga mukha nila. Tatlo lang sila sa loob. I thought sa kabilang club sila tumatambay? Ba't sila nan

