Kinabukasan ay ako ang naunang nagising. Mahigpit ang hawak ni Luca sa baywang ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. Ayaw kong magising siya. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa'kin at dahan-dahan din akong bumangon. Ingat na ingat ako sa paggalaw para hindi siya magising. Nakahinga ako ng maluwag nang nagtagumpay akong tanggalin ang braso niya at hindi siya nagising. Plano kong tumakas ngayon at kailangan kong siguraduhin na tulog siya kapag ginawa ko na ang plano ko. Dahan-dahan akong naglakad at pasulyap-sulyap sa kanya dahil baka bigla siyang magising. Kinuha ko ang cellphone ko bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto ng tahimik. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas na ako sa kwarto niya. Hindi ko na kukunin ang mga gamit ko dahil ilang damit lang naman 'yon at kara

