CHAPTER 20: TRUTH Di ko maisip na matutuwa ako sa nangyari. Natapos kami sa pagsisine at napagpasiyahang umuwi na. Ang dami niya pa ngang biniling pagkain para daw pag nagutom ako, may makain daw. Tss. Para namang hindi ako sa cafe nagtatrabaho. Alas singko na nang makapunta na kami sa cafe. Tulala sina Mira at Kyla nang makita ang kasama ko sa likod. "Tententeren", kantyaw ni Ney with matching patango tango pa ni Rodel. Umirap ako at hindi pa rin maalis sa mukha ng dalawang nerd ang pagtataka. "Bakit magkasama kayo ni Frost?", Tanong ni Kyla. Pabulong. Umismid si Eissen sa likod ko. "Una na ako", sambit nito at tinanguan ko na. Halos mabali naman ang leeg nila Ney habang sinusundan ang kotseng pinaharurot ni Eissen. "Hep hep. Ano 'yun?", Usisa ni Ney sa akin nang magtungo ako sa lik

