CHAPTER 19: HAPPY Natapos ang oras namin at... ...nanalo siya. "Pa'no ba 'yan?", Taas noo niyang sambit sa akin. Ngumuso ako at masama siyang tinitigan. "Oo na", Wala sa sarili kong sagot. Napa 'yes' naman siya at mabilis na akong hinigit do'n sa may video game. Umupo siya sa harap no'n at nilahad pa ang katabing upuan. Naupo na ako do'n at tinanggap ang hamon niya. Alam ko eh! Kahit na di siya nagsasalita dahil ang kanyang mga mata ay puno ng panghahamon. Nag umpisa na kami sa paglalaro. Naungasan ko 'yung mokong kaya't todo mura siya sa race. Nagfirst pa ako habang siya ay second placer. Panay pa ang tawa ko nang ayaw niya akong paalisin sa upuan ko. "Isa pa. Nakatsamba ka lang, babae. Di na kita pagbibigyan", hambog pa rin ito kahit na iritang irita na. Nagkibit balikat ako at nag

