CHAPTER 18: COUPLE Halos hindi ako makatulog sa sinabi niya. Panay ang tukso sa akin ni Ney. Buti na lang at 'yung tatlong nerds na kaibigan ko ay wala dahil nautusan ni Madam. Naku po! Parang sirang plakang nagpiplay sa isip ko ang sinabi niya habang di maalis sa isip ko 'yung mukha niyang ewan. Nababaliw na nga siguro ako. Nakastretch ang mga kamay ko sa magkabilaan habang nakatingala ako sa kisame. Pinturahan ko kaya 'to para magkabuhay naman? Masyadong plain. Nagvibrate bigla ang phone ko sa tabi ko. Kinuha ko 'yun at nakita kung sino ang nagtext. Eissen: Seryoso ako sa sinabi ko. Bumawi ka, babae. Napabuntong hininga na lang ako sa nabasang text niya. Nakatulugan ko na lang ang lahat at nagising nang may narinig na nabasag sa ikalawang palapag ng bahay namin. Ipinagki

