Huling araw na nang shoot nila Ron kaya naman lahat ay nagsasaya kasama ang mga staff. Nagpahanda si Direk Joel ng masaganang pagkain para sa lahat at nagtipon-tipon sa labas ng restaurant upang i-enjoy ang huling gabi nila sa resort na iyon. Nakaupo si KJ sa buhanginan ‘di kalayuan sa kinaroroonan nila Ron. Masaya ito habang nakikipagkuwentuhan sa mga tao sa paligid nito na karamihan ay mga babae. Habang siya, ayun at nagmumukmok sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga ito. Ayaw nga sana niyang sumama kanina sa pagtitipon na iyon kung hindi lang siya nakaramdam ng gutom. “Ang aarte! Ahahahaha! You’re so funny talaga! Hmp!” paismid na saad niya habang pinanggigigilan ang buhangin sa kaniyang tabi. Kanina pa siya iritang-irita sa mga modelong kasama ni Ron dahil wala nang ginawa an

