“Aba’t—“ hindi na naituloy ni Ron ang sasabihin niya nang mabilis na isinara ni KJ ang pintuan ng banyo. Pambihira! Parang nalugi ako roon a! Bulong niya sa kaniyang sarili. Akala pa man din niya naisahan niya si KJ, iyon naman pala siya ang naisahan nito. Mukhang sa isip ng dalaga ay kung anu-ano nang kabulastugan ang naiisip nito habang nakikita siya nitong hubad sa harapan nito. Napailing na lang si Ron saka tinapos ang pagbibihis at pag-aayos sa kaniyang katawan. May shoot sila ngayon at kailangan niyang mag-focus doon at hindi sa kalokohan ni KJ. Masayang naglalakad si KJ patungo sa cottage kung saan sinabi ni Ron na roon siya pumuwesto nang may grupo ng tatlong nagtatangkarang mga babae ang humarang sa kaniya. Sinubukan niyang umiwas sa sa mga ito ngunit tila ayaw siyang tantanan

