Buong gabing tahimik sina KJ at Ron habang nagdi-dinner. Matapos kasi ang insidente sa loob ng kanilang silid, bigla na lang nakaramdam ng hiya si KJ sa binata. Paano ba naman kasing hindi? Nakita na ni Ron ang katawan niya. Mabuti na nga lang at hindi niya nabitiwan ang mga damit na ipinantatakip niya sa kaniyang dibdib at p********e. Kapag nagkataon, baka hiniling na niyang lamunin na lang siya ng lupa sa kahihiyan. “Aherm!” Napatingin si KJ sa binata nang malakas na tumikhim ito. “Tapos ka na bang kumain?” “Ahm, o-oo,” matipid niyang tugon saka nag-iwas ng mata sa binata. Hindi niya kayang salubungin ang tingin ng binata kaya naman mabilis niyang ibinaling ang paningin sa labas ng restauran kung saan sila kumakain. Wala na ring tigil sa pagkabog ang kaniyang dibdib simula pa nang maka

