“Cut!” sigaw ng direktor nang magkamali si Ron sa linya niya.
Kanina pa siyang wala sa sarili buhat nang dumating siya sa set at mag-umpisang mag-shoot. Iniisip pa rin kasi niya ang aksidenteng pagkakalapat ng mga labi nila ni KJ — na hindi naman dapat nangyari kung hindi siya nito hinalikan sa kaniyang pisngi. Ibinulong kasi niya sa dalaga kung para saan ang pagpisil nito sa kaniyang pisngi nang halikan na lang siya bigla ni KJ. Kaya naman nang lingunin niya ito, ang mga labi nila ang nagdikit.
“Damn!” bulong niya matapos maalala ang sandaling pagkakalapat ng mga labi nila. Aaminin niyang nagustuhan niya ang malambot at ang pinaghalong alat at tamis na labi ni KJ — dahil sa kinain nilang fish ‘n chips and iced tea. Parang nais niyang ulitin ang sandaling iyon nang mas matagal at mas malalim.
Naipilig niya ang kaniyang ulo at pilit na kinalilimutan ang kaniyang naiisip. Hindi magandang nangangarap siya sa oras ng kaniyang trabaho.
“Ron, ano bang nangyayari sa iyo? Parang kanina ka pa wala sa sarili,” sita ni Direk Joel sa kaniya habang nakapawaywang ito sa upuan nito at nagpapaypay.
“Sorry, Direk,” hinging paumanhin na lang niya. Hindi naman kasi niya puwedeng sabihin sa direktor na dahil kay KJ kaya siya nawawala sa sarili.
“Bueno, isang take pa. Ayusin niyo na ha?” anito sa kanila saka sumenyas na umayos na silang muli.
Tumango lang siya saka bumuntong-hininga bago nagbalik sa eksena. Pilit niyang inalis sa isipan si KJ upang matapos ang kanilang shoot na napagtagumpayan naman niya. Lalo na at hindi naman niya nakikita ang dalaga.
*****
Matapos ang shoot, agad na bumalik sina KJ at Ron sa kanilang kuwarto upang maligo at magbihis. Maghapon kasing nasa katirikan ng araw ang binata at nanlalagkit na ito. Habang si KJ naman ay nahiga sa maliit na sofa habang nakataas ang mga paa at nag-i-scroll sa kaniyang cellphone. Hindi niya tuloy namalayang nakalabas na pala ng banyo ang binata.
Napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang half-naked na binata habang naglalakad itong palapit sa kaniya. Basa ang buhok ni Ron at tumutulo sa katawan nitong hindi niya akalaing ganoon pala kalaki. Firmed ang mga muscles nito sa braso, malapad ang dibdib, at nang bumaba ang mga mata niya sa tuwalyang nakatakip sa gitnang bahagi ng katawan ni Ron, napalunok siya at tila biglang nanuyo ang lalamunan.
Nahulog sa kaniyang mukha ang kaniyang cellphone na siyang nakapagpabalik sa kaniya sa reyalidad. Napatikhim siya nang malakas at saka nag-iwas ng mata sa napakalaking tuksong si Ron. Mabilis din siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga sa sofa at walang sabi-sabing naglakad siyang patungo sa banyo. Kailangan niyang makalayo sa binata dahil kung hindi, baka magahasa niya ito ng tuluyan.
Ano ka ba namang babae ka? Nakakaloka! Sita niya sa sarili nang nasa loob na siya ng banyo. Hinarap pa niya ang salamain at doon niya nakitang pinagpapawisan na pala siya.
Shocks! Gano’n pala siya ka-hot at pinagpapawisan ako ng ganito! Aniya sa sarili saka nagpapaypay ng mukha gamit ang kaniyang kamay. Nang hindi iyon naging sapat, mabilis siyang naghubad at nagtungo sa tapat ng shower at binasa ang buo niyang katawan.
Iligo na lang natin girl, dahil mukhang doon lang kakalma itong kaharutan natin!
Matapos magbabad sa shower, natampal ni KJ ang kaniyang noo nang mapagtantong wala nga pala siyang dalang pampalit. Kahit tuwalya wala.
Ang tanga mo talaga KJ! Bakit ka ba naligo nang hindi tinitingnan kung may tuwalya man lang ba rito sa banyo? Sermon niya sa sarili.
Ilang minuto siyang nag-isip hanggang sa mapagpasyahan niyang sumilip sa labas ng banyo upang tingnan kung naroon ba si Ron. Inilabas niya ang ulo sa nakabukas na pintuan at nagpalinga-linga sa kabuuan ng silid.
“Patay! Paano akong lalabas nito?” mahinang sambit niya sa sarili nang makitang nakahiga sa kama si Ron. Hindi niya sigurado kung gising ba ang lalake o tulog ito dahil hindi man lang ito kumikilos mula sa pagkakahilata nito sa kama.
“Ahm, Ron! Gising ka ba?” lakas loob niyang tawag sa binata upang makatiyak siyang tulog nga ito.
“Hoy! Ron! Gising ka ba?” muli niyang untag sa lalake sa mas malakas na boses ngunit kagaya kanina, hindi man lang ito kumibo o gumalaw man lang. Kaya naman nagdesisyon na siyang lumabas ng banyo na hubo’t hubad at tanging ang hinubad niyang damit ang nakatabing sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan at dibdib.
Yakap ang mga damit, lumabas siya ng banyo at patingkayad na naglakad patungo sa maliit na cabinet kung saan nakasilid ang kaniyang bag na naglalaman ng kaniyang mga damit. Ingat na ingat siya sa paglalakad dahil ayaw niyang magising si Ron. Dahil kapag nagkataon, makikita nito ang hubad niyang katawan.
Malapit na siya sa cabinet nang marinig niyang magsalita si Ron. “When your done, we’ll have our dinner.”
Napatili siya at mabilis na tumakbo palapit sa cabinet at nagsumiksik sa sulok habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan ni Ron. Nakatagilid itong paharap sa kaniya habang nakangisi.
“Bastos ka! Bakit ka nakatingin sa akin? Tumalikod ka utang na loob!” patiling sambit niya sa binata habang hindi siya magkandatuto sa pagtakip sa kaniyang dibdib at p********e.
“Tsk! I’ve seen a lot of naked women and they're all the same. Bilisan mo nang magbihis, nagugutom na ako.”
Hindi pa rin siya makakilos dahil hanggang nang mga sandaling iyon, nakaharap pa rin sa kaniya ang binata. Hindi niya malaman ang gagawin dahil ni hindi man lang nag-abalang tumalikod sa kaniya si Ron. Tila natutuwa pa nga ito habang nakatunghay sa kaniya.
“Paano akong magbibihis kung nakatunganga ka sa akin?” asik niya sa lalake.
“E di magbihis ka. Hindi ko naman hawak ang mga damit mo para hindi ka makapagbihis,” anito sa kaniya.
“Hoy! Hindi por que alam mong type kita puwede mo ng pagnasaan ang katawang lupa ko! Tumalikod ka na at nang makapagbihis na ako! Nanay ko! May nakakita na po ng mala-Diyosa kong katawan!” palahaw niya habang mahigpit pa ring yakap ang mga damit sa kaniyang kahubaran.
“Huwag kang mag-alala, hindi naman kita type. Bilisan mo na riyan nang makakain na tayo,” masungit na saad ni Ron saka ito pumihit patalikod sa kaniya.
Doon naman siya nagkukumahog na buksan ang cabinet at nanguha ng kaniyang bihisan. Mabilis ang mga kilos niyang isinuot ang kaniyang mga damit habang panaka-nakang tumitingin sa kinaroroonan ng binata. Mahirap na, baka bigla itong lumingon sa kaniya — hindi pa siya ready!
“Okay na, puwede ka nang kumilos diyan. Teka, bakit balot na balot ka ng kumot? May sakit ka ba?” usisa niya sa lalake nang mapansing kanina pa nakakumot ito. Samantalang kaninang paglabas naman niya ng banyo ay hindi naman ito nakakumot.
“Wala! Magsuklay ka na,” masungit na tugon nito saka bumangon sa kama at diretsong naglakad patungo sa banyo. Naiwan tuloy siyang naguguluhan.
*****
S*it! Bakit ba naman kasi lumabas siyang hubo’t hubad? Mura ni Ron sa sarili habang pinakakalma ang kaniyang galit na galit na alaga. Hindi naman niya akalaing maapektuhan siya ng ganoon ni KJ.
FLASHBACK...
Nang matapos siyang maligo, naabutan niya si KJ na nagse-cellphone kaya hindi niya ito inabala. Ngunit nang papalapit na siya rito, bigla itong tumingin sa kaniya at nakabuka ang bibig habang tila sinasamba nito ang kaniyang katawan. Lihim siyang napangiti sa itsura ng dalaga dahil tila inaapuyan ito nang mga oros na iyon. Nagitla pa nga siya nang biglang tumayo ito sa hinihigaan nito at nagmamadaling nagtungo sa banyo.
Napailing na lang siya at nagbihis saka naupo sa sofang binakante ni KJ kani-kanina lang. Ang buong akala kasi niya sandali lang ang dalaga sa banyo, kaya mas pinili na lang niyang sa sofa maupo kaysa mahiga sa kama, na alam naman niyang hihilahin lang siyang matulog. Ngunit nakalipas na ang ilang minuto hindi pa rin lumalabas sa banyo si KJ. Kaya naman naglakad siyang patungo sa banyo upang sana katukin ito, ngunit narinig niya mula sa labas ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower. Mukhang naliligo na rin si KJ kaya imbis na katukin ang dalaga, nagtungo siya kaniyang kama at nahiga.
Ilang minuto pa lang siyang nakahiga nang maulinigan niyang bumukas ang pintuan ng banyo kaya nagpanggap siyang tulog. Narinig pa niya ang pagtawag ni KJ sa kaniya, pero hindi niya iyon pinansin. Kaya nagulat na lang siya nang patingkayad itong lumabas ng banyo nang walang saplot at tanging ang dibdib at pribadong parte ng katawan nito ang pilit na tinatakpan ng kapiraso nitong mga damit.
Mahina siyang napamura dahil sa kaniyang nakita at pilit na iniiwas ang mga mata sa katawan ng babae. Ngunit sa kasamaang palad, hindi siya nagtagumpay dahil pati ang kaniyang alaga ay tila nakaramdam na rin ng kakaibang atraksiyon. Marahan niyang hinila ang kumot at ibinalot sa katawan nang manigas ang alaga niya. Hindi niya akalaing ganoon pala kakinis at kaganda ang katawan ni KJ, at pantay na pantay ang kulay nito kahit hindi naman ito kaputian.
At ngayon, heto siya sa loob ng banyo at inilalabas ang init ng kaniyang katawan. Matagal-tagal na rin nang huli siyang makipagtalik, kaya siguro ganoon na lang kung mag-react ang kaniyang katawan sa babaeng nakahubad na itago na lang natin sa pangalang KJ. Kung ganoon na ang reaksiyon niya kay KJ kanina, ano pa kaya mamaya kapag sa iisang kama na sila humiga nito?
“Damn! Hindi puwede!”