Chapter 26

1260 Words
“Ron!” Nanlalaki ang mga mata ni Olga nang saluhin niya ang kamay nitong dapat ay dadapo sa pisngi ni KJ. Eksaktong tapos na ang unang scene na kinukuhanan sa kanila nang makita niyang lumapit si Olga sa kinauupuan ni KJ. Base sa itsura ng babae, alam niyang hindi maganda ang gagawin nito. Kaya naman agad siyang nagpaalam at mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila KJ at Olga, kaya naagapan niya ang p*******t ng huli kay KJ. “What do you think you’re doing?” seryosong tanong niya kay Olga bago pakawalan ang kamay nito. “N-nothing! I-I’m just trying to —“ “To sampal me!” Napatingin siya kay KJ na ngayon ay nakatayo na sa harapan nila. Nilapitan niya ito at ikinubli sa kaniyang likuran na para bang nais niyang protektahan ito. “O-of course not! She’s lying!” Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Olga sa sinabi ni KJ. “Enough! I saw you, Olga. You better stay away from my fiance, or else I will ask the security to ban you here until the shoot is done!” Nagbukas-sara naman ang bibig ni Olga na tila may nais sabihin ngunit sa bandang huli mas pinili na lang nitong tumalikod at maglakad palayo sa kanila. Nang mawala na ito ay saka niya hinarap si KJ. “And you, anong ginagawa mo rito?” naiiritang tanong niya kay KJ. Hindi niya alam kung para saan siya naiinis sa dalaga samantalang wala namang ginagawang masama ito. “Sabi mo kanina sumunod ako sa set, so, nandito ako ngayon,” inosenteng sagot nito sa kaniya. “Bakit dito ka pumuwesto?” “At saan ako dapat pumuwesto? Sa mismong set? Mas kumportable kaya rito kaysa roon. Isa pa, nagugutom na ako kaya rito na lang ako dahil may pagkain,” pangangatwiran ni KJ. Biglang lumambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang marinig mula rito ang dahilan nito. Nakalimutan niyang hindi pa nga pala ito kumakain simula nang dumating sila sa resort na iyon. Nakaramdam siya ng kaunting guilt kaya naupo siya sa katabing upuan nito at hinilang paupo si KJ sa upuang binakante ng dalaga kanina. Tumawag siya ng waiter at ibinigay ang order niya bago muling hinarap ang dalaga. “Nagugutom na rin ako,” sabi lang niya rito saka nagkunwaring tumingin sa menu kahit pa nakapag-order na rin siya. ***** Malapad ang pagkakangiti ni KJ matapos siyang ipagtanggol ni Ron kay Olga. Mabuti na lang at nakita ng binata ang muntik ng pagsampal sa kaniya ng babae, dahil kung hindi baka ngayon ay may black eye na siya sa mukha. Sa laki ni Olga, tiyak niyang masasakop ng kamay nito ang kaniyang pisngi. “Halika na.” Napalingon siya kay Ron nang magsalita ito. Nagtatakang tiningnan niya ito habang nakatayo ito sa kaniyang tabi at bitbit ang duffle bag nito. Katatapos lang nilang kumain at kasalukuyang inuubos ang kaniyang inumin nang magyaya ito. “Saan tayo pupunta?” “Ang dami mong tanong, basta tumayo ka na riyan at sumunod na lang sa akin,” tila naiiritang tugon nito sa kaniya. Naguguluhan pa rin siya kaya hindi siya kaagad nakakilos. Iniisip kasi niya kung saan sila pupunta samantalang hindi pa naman tapos ang shooting ng mga ito. Nagitla na lang siya nang hawakan ni Ron ang kamay niya at hinila siya nitong patayo sa kaniyang upuan. Nagtama pa ang kanilang mga mata nang tila pareho silang makuryente. “Huwag ka nang maraming tanong at sumunod ka na lang sa akin.” Matapos bitiwan ng binata ang kamay niya ay tumalikod na ito at nag-umpisang maglakad palayo. Habang siya naman ay hindi pa rin makapag-move on dahil sa tila kuryenteng gumapang sa buo niyang katawan nang hawakan siya ng binata. Hindi naman masakit iyon, bagkus ay napakasarap pa nga sa pakiramdam. Parang may binuhay iyon sa kaloob-looban ng kaniyang pagkatao. Sa ilalim ng isang malaking tent siya dinala ni Ron matapos siyang samahang kumain ng binata. Ang tent na iyon ang tila nagsisilbing bihisan ng mga talents. Napangiwi pa siya at nakaramdam ng pagkailang nang salubungin siya ng mapang-uring mga mata ng mga tao roon. Kaya naman mabilis siyang humawak sa braso ni Ron at sumiksik sa gilid nito. Wala na siyang pakialam kung ikamatay niya ang kuryenteng dumadaloy sa kaniyang katawan sa pagkakalapit niya sa binata. Ang mahalaga lang sa ngayon ay ang may makapitan siyang matatag. “Ron, puwede bang sa iba na lang kita hintayin? Para kasing lalamunin nila ako ng buhay e,” pabulong niyang sambit kay Ron habang nakatutok ang mga mata niya sa mga tao sa kaniyang paligid. Mukha namang nakahalata si Ron kaya inalis nito ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa braso nito at inakbayan siya ng binata saka hinapit na palapit sa katawan nito. “Honey, hintayin mo na lang ako rito, okay? Sandali na lang naman at matatapos na ang shoot namin, masosolo mo rin ako.” Napatingala siya kay Ron dahil sa huling sinabi nito. Ang dating kasi sa kaniya noon ay parang atat siyang masolo ang binata. Kitang-kita niya ang nakalolokong ngiti ni Ron kaya alam niyang pinaglalaruan lang siya nito. Siguro paraan na rin iyon ng binata upang tantanan na siya ng nakaiilang na tingin ng mga tao sa loob ng tent. “Awww! Ang sweet naman ng Honey ko! Sige na mag-trabaho ka na at maghihintay kami ni baby sa iyo,” pang-aasar naman niya sa binata saka ito kinurot sa pisngi. Nanggigigil kasi siya rito at para na rin ipakita sa mga tao roon na hindi siya basta lang napadpad sa lugar na iyon. Ibinaba ni Ron ang mukha nito malapi sa tainga niya. Ramdam niya ang mainit na hininga nitong tumatama sa kaniyang tainga at leeg na nakapagpainit sa kaniya. Biglang nanuyo ang lalamunan niya kaya napalunok siya at nakagat ang pang-ibabang labi dahil pakiramdam niya may kakawalang ungol sa kaniyang lalamunan anomang sandali. “KJ!” Bigla siyang natauhan nang pisilin ni Ron ang kaniyang braso at sambitin nito ang pangalan niya. Napalingon tuloy siya sa mukha ng binata at namilog ang mga mata niya nang tumama ang labi niya sa pisngi ng binata. Hindi siya agad nakakilos kaya nang bumaling sa kaniya si Ron, tumama ang labi nito sa kaniyang labi. Hindi niya alam kung gaano katagal na naglapat ang kanilang mga labi, dahil pakiramdam ni KJ huminto ang pag-ikot ng mundo at pag-andar ng oras. Napahawak pa siya sa kaniyang mga labi nang bahagyang lumayo si Ron sa kaniya at umayos ng tayo. Tumikhim pa ito saka nag-iwas ng tingin sa kaniya, habang siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa naganap. “Just wait here, I’ll be back after the shoot.” Nasundan na lang niya ng tingin si Ron habang naglalakad itong palayo sa kaniya. Nagpakurap-kurap pa siya habang sinasalat pa rin ang mga labing nalapatan ng labi ng binata. At nang mawala na sa paningin niya si Ron ay saka lang siya natauhan at unti-unting napangiti. “Did we just... kiss? Kiss na ba iyon? Eeeiii!” impit niyang tili saka natutop ang bibig nang mapansing nakatingin sa kaniya ang mga tao roon. Humahagikhik na nag-peace sign siya saka naupo sa stool na nasa harap ng isang dresser at doon nangalumbaba at nangarap. Kung ganoon kasarap ang kiss, gusto ko siyang ulit-ulitin! Para siyang baliw na nakatingin sa salamin at nakangiti sa sarili habang ninanamnam ang alaala ng halik ni Ron sa kaniya — though, aksidente lang naman iyon. Kahit na! Aksidente o hindi, kiss pa rin iyon. And I like it! Aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD