Chapter 25

1921 Words
Bitbit ni KJ ang mga gamit ni Ron habang nakasunod siya rito. Tapos na ang dalawang araw na pahinga nito kaya ngayon ay balik na rin ito sa trabaho. Kagaya ng napagkasunduan nila nina Monique, siya na nga ang PA ngayon ni Ron. At magsisimula na rin ang kanilang palabas bilang magkasintahan. “Pst! Malayo pa ba? Nahihirapan na kasi ako rito sa mga gamit mong mabigat e.” Inayos pa ni KJ ang pagbitbit niya sa mga naka-hanger na damit ni Ron at sa nakasukbit na bag sa kaniyang balikat dahil nangangalay na siya sa pagbubuhat ng mga iyon. “Tsk! Malapit na, magtiis ka lang riyan,” tugon naman ni Ron na hindi man lang lumingon sa kaniya. Nasa isang resort sila ngayon dahil may shooting ito ng pelikulang pagbibidahan ng binata. Ilang araw rin silang mananatili roon kaya naman napakarami nilang dalang damit at gamit para sa shoot na iyon. “Sana naman kasi tinutulungan mo rin akong magbuhat, wala ka namang dala e!” nakasimangot niyang saad kay Ron saka sinipa ang buhangin sa kaniyang harapan. Mabuti na lang at slipper ang isinuot niya kaya kumportable ang mga paa niyang naglalakad sa buhanginan. Huminto si Ron at humarap sa kaniya nang mapunta lahat ng buhanging sinipa niya sa paa nitong nakasuot ng topsider. Napangisi naman siya habang nakatingala sa binatang kunot ang noo. “Puwede bang umayos ka sa paglalakad mo? Tingnan mo ang ginawa mo sa paa ko!” inis na sambit nito sa kaniya saka iniangat ang paang puno ng buhangin. “Ops! Sorry, Honey!” nang-aasar niyang sagot dito. Gigil na pinagpag naman ni Ron ang buhangin sa paa nito at hinubad ang topsider nito at ipinatong sa ibabaw ng kaniyang kamay na may hawak sa damit nito. Napaawang ang kaniyang bibig at akmang magrereklamo nang ilapit ni Ron ang mukha sa kaniya. Napatitig lang siya sa lalake at nahigit ang hininga nang halos gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kaniya. Ang lakas ng pagtibok ng kaniyang puso at tila nanuyo ang lalamunan sa pag-aakalang hahalikan siya nito. Para siyang nahipnotismo at tuluyang napapikit nang hindi pa rin nito inilalayo ang mukha sa kaniya. Amoy na amoy niya rin ang pinaghalong minty scent at fresh fragrance na nagmumula sa katawan at bibig nito. Handa na siyang magpahalik kay Ron nang magsalita ang binata. “Honey, bilisan na natin at malapit nang mag-umpisa ang shoot namin.” Bigla siyang napamulat ng kaniyang mga mata at nag-umpisang mag-init ang kaniyang mga pisngi nang mapagtanto kung ano ang nangyari. Buong akala niya ay may halikang magaganap, iyon naman pala ay inasar lang siya ng binata upang hindi siya makapag-protesta rito. Aba’t! Naisahan mo ako roon ha! Humanda ka sa akin mamaya! Kiss na sana e, sayang! Nanghihinayang na bulong niya sa kaniyang sarili nang makitang malayo na ang agwat nila ng binata sa isa’t isa. “Hoy, Ron! Wait for me hunky-yummy papa!” sigaw niya na ikinalingon ng ibang mga tao sa paligid. Hindi naman niya pinansin ang mga ito at dire-diretso lang na naglakad upang habulin si Ron. Habang ang binata naman ay itinaas lang ang kamay at ikinumpas iyon. Naku, naku, naku! Makagaganti rin ako sa iyo! Sabi na lang niya saka mas binilisan pa ang paglalakad upang makahabol sa lalake. ***** Mabilis na lumayo si Ron kay KJ matapos niya itong asarin dahil natutukso siyang halikan ang mapupulang labi ng dalaga. Ang nais lang naman kasi sana niya ay asarin ito pero hindi niya inakalang maaakit siya sa mga labi ng dalaga. Lalo na nang pumikit pa ito at tila hinintay na dumapo ang labi niya sa labi nito. Damn! What am I thinking? Napahinga siya nang malalim saka naipilig ang kaniyang ulo. He needs to end this soon, dahil kung hindi baka hindi na niya pakawalan pa si KJ. “Ron! Finally! Kanina pa nami tinatawagan si Monique but she’s not answering our call. Where is she?” Nakipag-beso muna siya sa kanilang direktor bago sagutin ang tanong nito. “Uh, she’s not with us. Sabi niya susunod na lang daw siya mamaya — alam mo na,” aniya rito. Nagpakalango na naman kasi sa alak ang manager niyang lasenga. Um-attend kasi ito sa party kagabi ng isang papasikat na artista, kaya hayun at nawalan na naman ito ng kontrol sa pag-inom. “Hay naku! Ang babaeng iyon talaga. Anyway, where’s your fiance? Aren’t she’s with you?” tanong nito sa kaniya. Bilang tugon naman, naramdaman niya ang pagdikit ni KJ sa kaniyang gilid. “Bakit mo naman ako iniwan? Ang hirap-hirap kayang maglakad nang marami ang bitbit!” litaniya ng dalaga sa kaniya. “Oh, you must be Kaye Janelle — the fiance of Ron.” Sabay silang napasulyap kay Direktor Joel. Matamang nakatingin ito sa kanila habang nakataas ang isang kilay nito. Humakbang pa itong palapit sa kanila kaya napaatras siya at nagtago sa likuran ni Ron. Kung tingnan kasi siya ng direktor, para siyang lalamunin nito. “A, direk, pasensiya ka na, mahiyain talaga itong fiance ko,” ani Ron na hinayaan lang siyang nakakubli sa likuran nito. “By the way, ilalagay lang namin ang mga gamit namin sa kuwarto namin.” Paalam pa nito sa direktor saka ito pumihit paharap sa kaniya. “Honey, halika na.” Napakurap-kurap pa si KJ nang halos maduling siya sa lapit ng mukha ni Ron sa kaniya. Parang sandaling tumigil ang pag-inog ng mundo at tila nawalan ng tao sa paligid at ang tanging naririnig lang niya ay ang pagtibok ng kaniyang puso. “KJ! Let’s go!” Bigla siyang bumalik sa katinuan nang mahina ngunit mariin siyang singhalan ni Ron. Napatayo siya nang tuwid at inayos ang mga dalang gamit saka sumunod sa papalayo ng si Ron. OMG! In love na yata ako sa lalakeng ito! Tili niya sa sarili. Alam naman niyang matindi ang pagkakagusto niya kay Ron, pero ang madiskubreng nag-level up na ang kaniyang damdamin para rito ay labis na nakakapagpanibago sa kaniya. “This will be our room.” Napanganga si KJ nang makita ang kabuuan ng kuwartong tutuluyan nila ni Ron. Maliit lang iyon at may nag-iisang queensize bed sa bandang gitna ng silid. May maliit ring coffee table at dalawang upuang yari sa kahoy ang nasa bandang kanan ng kama. Samantalang may maliit na kulay pulang sofa malapit sa entrada ng kuwarto. “Dito tayo matutulog? As in?” hindi pa rin makapaniwalang bulalas niya. “Unfortunately, yes!” Napalunok si KJ saka naglakbay ang isip sa kung anong mga posibleng maganap kapag magkatabi sila ni Ron sa kama. Biglang nag-init ang kaniyang pisngi at nabitiwan ang duffle bag na hawak niya. “Awww!” “Ay! Sorry! Sorry!” hinging paumanhin niya kay Ron nang mabagsakan ang paa nito ng bag na bitbit niya. Napasinghap si Ron nang walang pakundangang haplusin at ihipan ni KJ ang nsaktan niyang daliri sa paa. Damn! Hindi ba alam ng babaeng ito ang epekto ng ginagawa niya sa akin ngayon? Bulong niya sa kaniyang sarili saka inilayo ang paa kay KJ. Paika-ika siyang naglakad patungo sa kama at doon naupo at tiningnan ang nasaktang daliri. Kailangan niyang makalayo kay KJ dahil nawiwirduhan siya sa kaniyang nararamdaman para sa dalaga. Kanina nang haplusin nito ang kaniyang paa ay agad na kumalat ang init ng kamay nito sa buo niyang katawan at tila naaapektuhan pati ang kaniyang pagkalalake. “Ang sungit mo! Nag-sorry na nga e. Hmp!” narinig niyang saad ni KJ saka nito inilabas ang mga gamit niya sa kaniyang bag. Hindi naman siya umimik at pinagmasdan lang ang dalaga sa ginagawa nitong pagsasalansan ng mga gamit sa cabinet na kati ng sofa. She’s petite, but she has the most beautiful pair of legs that he ever seen. Proportion din ang katawan nito. Kung tutuusin mas may ilalaban pa ito sa mga modelong nakakasama niya sa shoot kung hindi lang ito kinapos sa height. Kitang-kita ang makurba nitong katawan sa suot nitong black walking shorts at body hugging t-shirt. Damn, Ron! Ano ba iyang ginagawa mo? Pinagnanasaan mo na ba si KJ nang lagay na iyan? Mabilis na naipilig ni Ron ang kaniyang ulo saka ibinaling ang mga mata sa kaniyang paa. Mukha namang hindi masyadong napinsala ang paa niya dahil hindi na iyon nananakit. Kaya naman tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kama at naglakad patungo sa pintuan ng silid. “Dalahin mo na lang ang mga gamit na gagamitin ko sa set. Bilisan mo dahil mag-uumpisa na kaming mag-shoot.” Hindi na siya nag-aksaya pang tapunan ng tingin si KJ dahil ayaw niyang muling maramdaman ang kakaibang damdaming dulot nito sa kaniya. “Alin dito ang dadalahin ko?” narining pa niyang tanong ng dalaga. “Iyang ibinagsak mo sa paa ko kanina,” tugon niya habang naglalakad nang patungo sa set. Napahinga pa siya nang malalim nang tuluyan nang makalayo sa dalaga. Pakiramdam niya na-relief siya nang makalayo kay KJ. Bumalik na sa tama ang temperatura ng kaniyang katawan at maging ang pagpintig ng kaniyang puso ay naging normal na rin. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang nararamdaman, pero sa ngayon ang gusto lang niya ay makalayo rito at makapag-concentrate sa kaniyang trabaho. ***** Agad na humanap ng mauupuan si KJ nang makarating siya sa set. Nag-uumpisa na kasi ang shooting ng mga ito kung kaya hindi niya maaaring abalahin pa si Ron. Nakahanap naman siya ng mapupuwestuhan ‘di kalayuan sa pinagdarausan ng shoot. Bitbit ang duffle bag, mabilis siyang nagtungo sa open bar na nakita niya at agad na pumuwesto sa upuan kung saan matatanaw niya ang shooting at mabilis siyang makikita ni Ron. “Excuse me, ma’am.” Nginitian niya ang waiter na lumapit sa kaniya saka inabot ang menu card na hawak nito. Mabilis niyang pinasadahan ng kaniyang mata ang menu bago siya nagturo ng o-order-in. “Fish ‘n chips at iced tea, please!” aniya sa waiter saka ibinalik ang menu rito. Agad namang tumalima ito at inasikaso ang kaniyang order, habang siya naman ay inabala ang sarili sa panood ng shoot ni Ron. Aliw na aliw siya sa panonood ng scene nang may lumapit sa kaniyang table. Ang buong akala niya ay ang order na niya iyon, ngunit napakunot-noo siya nang makitang isang matangkad, balingkinitan, maputi at mukhang sopistikadang babae ang lumapit na iyon sa table niya. “So, ikaw pala iyong cheap na babaeng nababalitang nabuntis ni Ron,” anito saka siya tiningnan na animo isang insekto. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae kaya umayos siya ng upo paharap sa babae saka ito nginisihan. “Hi! Una sa lahat, KJ ang pangalan ko at hindi cheap na babae. Pangalawa, FIANCE ako ni hunky-yummy papa Ron at hindi basta nabuntis lang. Pangatlo, puwede bang maupo ka kasi nakakangawit tumingala e?” Kitang-kita niya ang pag-asim ng mukha ng babae at tila namumula na ang mga pisngi nito sa inis. Habang siya naman ay ngiting-ngiti habang nakatingala pa rin sa babaeng wala yatang balak na maupo. “You b*tch!” Agad na nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang umigkas ang kamay ng babae. Hindi na siya nakakilos at napapikit na lang habang hinihintay ang pagdapo ng kamay nito sa kaniyang pisngi. Ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay wala namang kamay na dumapo sa kaniyang pisngi. ‘Pag mulat niya ng kaniyang mga mata, agad na nagdiwang ang kaniyang puso nang makita niya si Ron na hawak ang kamay ng babae at nagngangalit ang mga bagang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD