Chapter 24

1393 Words
What’s going on with you? Tanong ni Ron sa sarili matapos maisara ang pintuan ng kaniyang silid. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis kanina nang batiin ng kung sino si KJ kanina sa loob ng grocery store, kaya naman nahila niyang palabas ng grocery ang dalaga na hindi man lang nila nabili ang sadya nila roon. Napabuga siya ng hangin saka naihilamos ang mga palad sa kaniyang mukha bago naupo sa gilid ng kaniyang kama. Iniisip niya ngayon kung ano ang iniisip ni KJ sa mga ikinikilos niya kanina. Pabagsak siyang nahiga sa kaniyang kama saka tumitig sa kisame at nakita ang imahe ng babaeng kanina lang ay kasama niya. “Ano bang ginawa mo sa akin? Bakit ba ginugulo mo ang isipan ko?” kausap niya sa kisame. Samantala sa labas ng kaniyang silid, abala na si KJ sa paghahanda ng kanilang tanghalian. Dahil wala naman silang nabiling sabon ni Ron, nagluto na lang siya ng kanilang pagkain. Habang nagluluto ay narinig niyang may pumasok sa loob ng unit. Sinilip niya kung sino iyon at nagkibit-balikat nang makitang si Monique lang pala ang pumasok. “Hay naku ha! Nakakaloka kayong dalawa! Ito na ang sabong pinabili ninyo, kung bakit ba naman kasi hindi na lang ipa-laundry ang mga maruruming damit na iyan e. Hmp!” maarteng turan ni Monique saka ito pasalampak na naupo sa couch. “Nasaan nga pala ang alaga ko?” maya-maya ay tanong nito. Nilingon naman niya si Monique saka inginuso ang kinaroroonan ni Ron. Agad pa niyang nabawi ang kaniyang nguso nang lumabas sa kuwarto nito si Ron at nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa binata saka tumalikod. Sa hindi niya malamang kadahilanan bigla siyang tinamaan ng hiya rito. “Monique!” Narinig na lang niyang sambit ni Ron sa pangalan ng manager nito. “Oh, hi! Grabe ha, next time puwede bang ipa-laundry na lang ninyo iyang mga labahin ninyo, just like before? Nakakapagod mamili ng sabon!” litaniya ni Monique habang nakasimangot itong nakahalukipkip sa couch. Napakareklamador ng babae samantalang isang bag lang naman ang binili nitong sabon. Naglakad palapit sa kinauupuan ni Monique si Ron saka naupo sa katabing couch nito. Sumandal ito sa upuan at saka itinaas ang mga paa sa ibabaw ng lamesita. “That’s what I said, kaya lang sabi ng isa riyan siya na lang daw ang maglalaba para makatipid.” Nanlalaki naman ang mga mata ni KJ nang marinig ang sinabing iyo ni Ron. Napahinto pa siya sa ginagawang paghahalo sa kaniyang nilulutong kare-kare at naituro ang kaniyang sarili. “Ako? Bakit ako ang may kasalanan?” bubulong-bulong niyang tanong. “Hay naku! Ikaw naman pala ang may kasalanan e. Atribida! Bida-bida!” wika ni Monique na nakapagpainit ng kaniyang ulo. Biglang umakyat lahat ng dugo sa bunbunan ni KJ kaya mabilis siyang pumihit paharap kay Monique. “Hoy! Babaeng fake! Hindi ako bida-bida! Kung hindi lang sana ako kinaladkad palabas niyang alaga mo, nabili sana namin ang sabong panlaba. Kaya iyang alaga mong mahusay ang pagalitan mo! Tse!” Inirapan niya si Monique saka pumihit pabalik sa kaniyang niluluto. Nanlalaki ang mga butas ng ilong niya habang mabilis na tumatahip ang kaniyang dibdib dahil sa inis niya sa manager ni Ron. Kung hindi lang siya madadamay, lalagyan sana niya ng lason ang kare-kare nang parehong bumula ang mga bibig ng dalawang iyon. ‘Gagsti! Sayang naman ang lahi ni fafa Ron!’ anang kabilang panig ng utak niya. “Aba’t —“ “Shhh! Enough! Ang mabuti pa rito ka na kumain nang makabawi naman kami sa pagod mo,” awat ni Ron kay Monique nang sasagot sana ito sa sinabi ni KJ. Tatawa-tawa pa siya dahil sa walang pakundangang pagsasabi ni KJ ng babaeng fake sa kaniyang manager. “Tinawag niya akong babaeng fake! Oh my God!” oa na reaksiyon ni Monique habang kinakapa ang mukha nito. “Tantanan mo na kasi ang kapapasyal mo sa doktor mo. Konting-konti na lang hindi ka na makikilala ng mga kamag-anak mo,” naiiling namang sambit ni Ron sa babae. Binato siya ni Monique ng maliit na figurine na nadampot nito sa ibabaw ng lamesita at saka matalim na tinitigan. Hindi naman niya napigilan ang kaniyang sarili at napahagalpak na lang siya sa tawa. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at naglakad palapit kay KJ. Suminghot siya sa niluluto nito na ikinagulat ni KJ, kaya tuloy natalsikan siya ng sarsa ng niluluto nitong kare-kare. “Awww!” “Ano ba kasi ang ginagawa mo riyan sa likuran ko? Ayan tuloy natalsikan ka. Teka maupo ka muna at kukuha ako ng kamatis,” natatarantang saad ni KJ habang pinupunasan nito ang natalsikan niyang kamay. “Kamatis? Bakit kamatis?” takang tanong naman niya rito. “Para hindi mag-blister iyang kamay mo,” sagot ni KJ habang nagkakalkal na ito sa loob ng ref. Agad na hiniwa ni KJ ang kamatis at inilagay iyon sa napasong kamay ni Ron. Para namang napaso lalo si Ron nang dumampi ang palad ni KJ sa kaniyang kamay, lalo na nang may gumapang na mainit na bagay mula sa kamay ni KJ patungo sa kaniyang katawan. Napalunok tuloy siya saka inilayo ang kamay sa dalaga. “A-ako na. Ituloy mo na iyang pagluluto mo nang makakain na tayo,” masungit niyang saad sa babae. “K, fine! Sungit!” turan ni KJ bago nito muling hinarap ang pagluluto. Naiwan namang siyang nakatingin sa likuran ng babae habang hawak ang kamatis sa kaniyang kamay. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang damdaming bigla-bigla na lang niyang naramdaman kaninang magkahinang ang mga kamay nila ng dalaga. Parang nagustuhan kasi niya ang mainit na bagay na gumapang sa kaniyang balat nang hawakan siya nito. “Anong nangyari?” Agad na napalingon si Ron sa kaniyang manager na ngayon ay nakapamaywang sa kaniyang likuran. Nagkibit-balikat lang siya saka ibinaling muli ang atensiyon sa kaniyang kamay. “Wala, napaso lang ako. Maupo ka na at mukhang matatapos naman na si KJ sa niluluto niya.” “Bakit naman kamatis ang ipinantapal mo riyan? Nasaan ba ang medecine kit mo nang malagyan ng ointment iyan?” litaniya ni Monique sa kaniya. “Tsk! Huwag na, okay naman na ang kamay ko. Mukhang effective naman ang kamatis,” palatak niya sa manager niya. “Okay fine!” anito saka naupo sa katabi niyang upuan. “Ano ba iyang niluto mo? Masarap ba iyan?” diskumpiyadong tanong ni Monique kay KJ. “Wait and see!” tugon naman ni KJ saka nito inilapag sa mesa ang niluto nitong kare-kare. Napasinghot naman sina Ron at Monique matapos niyang maihain ang kaniyang niluto. Napangisi tuloy siya dahil mukhang takam na takam na ang dalawa sa kaniyang inihain. Napailing pa si KJ nang lantakan ng mga ito ang kaniyang niluto matapos niyang ilapag ang mga pinggan at kubiyertos sa puwesto ng mga ito. Natutuwa siyang makitang maganang kumakain ang mga ito — lalo na si Ron. Parang ang sarap nitong lantakan — este — ang sarap-sarap nitong kumain. Matapos ang masaganang tanghalian, nagpaalam na rin si Monique na halos hindi na makalakad sa kabusugan. Hindi niya akalaing malakas pa lang kumain ang isang iyon. Sa liit kasi ni Monique, parang construction worker ito kung lumamon. “Saan ka pupunta?” tanong ni Ron kay KJ nang tumayo siya mula sa kaniyang upuan. Nasa sala sila ngayon at nanonood habang nagpapahinga. Nag-inat naman siya saka bumaling kay Ron. “Maglalaba. Sama ka?” nakangisi pa niyang tanong rito. “No, thanks! Enjoy!” tugon lang nito sa kaniya saka inilipat ng channel ang TV. “Hmp! Suplado! Huwag mo akong iistorbohin ha?” sabi pa niya saka lumakad na patungo sa laundry area. Uumpisahan na niyang maglaba para naman may matapos siya ngayong araw habang wala pa silang lakad ni Ron. Dahil natitiyak niyang pagkatapos ng dalawang araw na pahinga nito, magsusunod-sunod na naman ang raket ng lalake. At dahil nasa poder siya nito ngayon, damay siya sa raket nito. “Buti na lang guwapo ka, dahil kung hindi, mag-isa kang rumaket!” kausap niya sa sarili habang hinihiwalay ang mga puti sa de kulay na mga damit. Napangiti na lang siya saka inumpisahang maglaba ng maruruming damit sa laudry area. Mabuti na lang at ang pinaka-latest na model ng washing machine ang gamit ni Ron. Tipong itutupi na lang niya paglabas, hindi na siya mahihirapang magsampay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD