Chapter 23

1817 Words
Sinadya ni Ron na pumuwesto sa isang sulok ng elevator dahil hindi niya kinakaya ang atraksiyong nararamdaman para kay KJ. Hindi siya sanay makaramdam ng ganoon — iyong pakiramdam na hindi niya kayang ipaliwanag. Pakiramdam na tila siya kinikiliti. Pakiramdam na tila may mga paru-paro sa kaniyang sikmura. Pakiramdam na hindi niya malaman kung kaba ba iyon o ano. Basta — pakiramdam na gusto niyang pigilan habang maaga. Nang may pumasok na dalawang lalake sa ikatlong palapag, naging alerto siya nang isa sa mga iyon ay tila may pagnanasang nakatingin kay KJ. Kaya nang lumapit si KJ at kumapit sa kaniyang braso, agad niyang hinila itong patungo sa kaniyang harapan at yakapin. Medyo nainis pa siya sa dalaga dahil kung nagpalit na lang sana ito ng damit, hindi sana ito mababastos. But into his surprise, parang yelong natunaw ang kaniyang inis kay KJ nang ikulong niya ito sa kaniyang mga bisig. Parang may kung anong humaplos sa kaniyang puso at nakapagpanatag doon. Her body is small but it’s so soft and feels so good to hug. Kaya kahit tinantanan na ng lalake ang katitingin kay KJ, hindi pa rin niya inalis ang kaniyang mga bisig na nakayakap dito. Parang may nagsasabi sa kaniyang huwag pakawalan ang babae at panatilihin lang itong nakakulong sa kaniyang mga bisig. “Ahm, hunky-yummy papa, alam kong nag-e-enjoy tayong pareho sa ganitong ayos, pero kasi kailangan na nating lumabas ng elevator,” untag sa kaniya ni KJ na nakapagbalik sa kaniya sa reyalidad. Sinulyapan pa niya si KJ bago tumingin sa nakabukas ng elevator. Papasara na iyon kaya mabilis niyang iniharang ang kaniyang kamay habang nakapulupot pa rin ang isang braso sa baywang ni KJ. “Ay kabayo!” tili pa ng dalaga nang akala nito ay masusubsob sila sa sahig. Dahan-dahan naman niyang pinakawalan si KJ at iginiya itong palabas ng elevator. Muling napatingin sa kaniya ang babae nang bigla niyang hawakan ang isang kamay nito at pinagsalikop sa kaniyang palad. “What?” masungit pa niyang tanong dito na tila hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang ginawa. “A, e, i-iyong k-may ko?” nakangiwing tanong nito sa kaniya habang nakatunghay sa magkahugpong nilang mga kamay. Napangisi naman siya saka itinaas ang magkahawak nilang mga kamay. “Ito? Bakit anong mali rito?” “A-ano... ahm...” “Tsk! Halika na nga, kung anu-anong iniisip mo. I’m just holding your hand para hindi ka na mabastos pa dahil sa suot mo,” pagsisinungaling niya sa dalaga. Ang totoo, he’s enjoying the feeling of holding her hand. It’s so soft and warm. Hindi na nakaimik si KJ sa sinabi ni Ron kaya nagpahila na lag siya sa binata hanggang sa makarating sila sa grocery store. Hindi pa rin binibitiwan ni Ron ang kaniyang kamay na nae-enjoy na rin naman niya. Feel na feel niya ang pagho-holding hands nila nang bitiwan iyon ni Ron. “Bakit?” naguguluhang tanong pa niya sa binata. “Anong bakit?” kunot noo namang tanong nito sa kaniya. “Bakit mo binitiwan ang kamay ko?” Natutop pa niya ang sariling bibig nang dire-diretsong lumabas ang mga katagang iyon sa kaniyang bibig. Baka mamaya isipin ni Ron na gustong-gusto niya ang paghawak nito sa kamay niya. Napapailing na lang sa kaniya si Ron saka lumapit sa mga push cart at nanguha ng isa. Dahan-dahan naman niyang inalis ang kamay sa kaniyang bibig habang pinapanood si Ron na nagtutulak ng cart. “Ano pang itinatayo-tayo mo riyan? Halika na!” tawag sa kaniya ng binata nang lingunin siya nito. Natataranta naman siyang napasunod kay Ron at humawak sa cart upang makitulak doon. Napakagat labi pa siya habang sumabasabay sa paglalakad kay Ron dahil sa kahihiyang inabot niya nang sitahin niya ang lalake sa pagbitiw sa kaniyang kamay. ‘Talandi ka kasi e!’ aniya sa sarili. “Ano pang bibilihin natin maliban sa detergent?” mabilis siyang napalingon kay Ron nang magsalita ito, hindi tuloy niya namalayang malapit lang pala ang paa niya sa gulong ng cart. “Awww!” Napasinghap pa siya at nahinto dahil sa p*******t ng kaniyang daliri sa paa. Nasipa kasi niya ang gulong ng cart nang lingunin niya si Ron kanina. “Ano na namang nangyari?” tanong ni Ron na huminto rin upang tunghayan siya. “Teka lang masakit! Awww!” napapasinghap pa niyang saad habang hawak-hawak ang nasaktan niyang daliri. “Tsk! Hindi ka kasi nag-iingat. Patingin nga!” Umupo ito sa kaniyang tabi saka hinawakan ang kaniyang paa. Napapiksi naman siya dahil sa tila kuryenteng gumapang sa kaniyang katawan nang hawakan ni Ron ang paa niya. Muntik pa niyang masipa ang lalake kung hindi lang naging maagap sa pag-iwas ito. “Huwag kang malikot! Titingnan ko lang,” saway ni Ron sa kaniya nang muli siyang pumalag sa paghawak nito sa kaniyang paa. Dahan-dahan nitong hinilot ang nasaktan niya daliri dahilan para mahigit niya ang kaniyang paghinga. Napakagat pa siya sa kaniyang pang-ibabang labi at napahawak sa kaniyang dibdib dahil bigla-bigla na lang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. ‘OMG! Ano bang ginagawa mo hunky-yummy papa? You’re taking my breath away! Gosh!’ impit niyang bulong sa sarili. “Mukhang okay ka naman na, let’s go and get the things you need.” Napadilat siya ng kaniyang mga mata at mabilis na napatingin sa kaniyang paa na kanina lang ay hawak ni Ron. Naibsan na ang p*******t niyon at kaya na niya uling maglakad. “Hunky-yummy papa, sandali!” tawag niya kay Ron nang makita niyang malayo-layo na ito sa kaniya. Napapailing na lang si Ron habang naglalakad palayo kay KJ. Kanina kasi habang hinihilot niya ang paa nito, muli niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na kahapon pa niya nararamdaman para sa babae. It’s not that he doesn’t like the feeling — it’s just that he doesn’t want to get use to it. “Bakit mo naman ako iniwan?” Napasulyap siya sa kaniyang tabi nang magsalita mula roon si KJ. Medyo hinihingal pa ito dahil sa malayo-layo nitong pagtakbo palapit sa kaniya. “Mukha kasing nananaginip ka pa kaya iniwan na kita,” balewalang tugon niya rito saka nagpatuloy sa pagtutulak ng kanilang cart na hanggang ngayon ay wala pa rin laman. “Hmp! Saan ba tayo pupunta? Wala naman dito ang mga detergent,” anito habang lumilinga-linga sa paligid. Tumingin lang din siya sa paligid saka mabilis na hinagilap ang kinaroroonan ng mga sabong panglaba. Nang makita niya ang section ng mga detergents and fab-con, walang imik siyang naglakad patungo roon nang hindi man lang nililingon si KJ. “Hi, Miss!” Agad siyang napahinto nang marinig ang pagbating iyon ng isang lalake kay KJ. Mabilis niyang binalikan si KJ at hinila itong palayo sa lalake saka dire-diretsong naglakad silang palabas ng grocery store. “Hoy! Bakit tayo lumabas, hindi pa natin nabibili iyong detergent!” ani KJ habang sumasabay sa malalaki niyang mga hakbang. “I change my mind. Hindi na tayo bibili ng detergent.” “E, anong gagamitin ko sa paglalaba?” Huminto naman siya saka tuluyang hinarap ang dalaga. “Bukas ka na lang maglaba, magpapabili pa na lang ako kay Monique ng sabon at iba pang mga kailangan sa condo. Uuwi na tayo,” naiiritang turan niya kay KJ. “Ha? Teka, sandali! Nandito na tayo, bakit kailangan pang si Monique ang bumili? Kung ayaw mong pumasok sa grocery, ako —“ “No! Bakit ba ang kulit mo? Uuwi na tayo at si Monique na ang bibili ng sabon,” matigas niyang turan saka muling hinila si KJ. “Bakit ba ang sungit mo? Kung ayaw mo akong samahan, puwes maiwan ka rito at ako na ang bibili ng sabon. Ang dali-dali lang naman bumili, iuutos pa. Hmp!” bubulong-bulong pa niyang turan saka akmang maglalakad pabalik sa loob ng grocery nang hilahin siya ni Ron at buhatin. Napatili naman siya saka napakapit sa damit ni Ron nang basta na lang siyang isampay nito sa balikat nito. “Ron! Ibaba mo ako! Ano bang problema mo?” tili niya habang binabayo ang likuran ng lalake. “No! Uuwi na tayo at hindi kita ibababa hangga’t hindi tayo nakararating sa condo!” Dahil nakabaliktad siya, lahat yata ng dugo niya ay napunta na sa kaniyang ulo. Pilit niyang iniaangat ang sarili upang mawala ang lula niya ngunit di niya magawa. “Ron, ibaba mo na ako! Nahihilo ako sa ginagawa mo!” protesta niya sa binata. “Shut up!” anito saka pinalo ang kaniyang pang-up. “Kapag ako lang nakababa rito humanda ka sa akin!” Hindi naman siya pinakinggan ng binata at dire-diretso lang na naglakad patungo sa Casa Vielle. Hanggang nang makarating nga sila sa unit nito, hindi siya ibinaba ni Ron. Nang nasa loob na sila ng unit ay saka pa lang siya ibinaba ng binata sa malambot na couch nito. “Ano bang problema mo! Nahilo ako roon ha!” reklamo niya hanag sapo-sapo ang kaniyang naalog na ulo. Hindi naman siya pinansin ni Ron at diretso lang na naglakad patungo sa kusina. Kumuha ito ng tubig sa ref at saka uminom. Pagbalik nito sa sala ay inabutan siya ng baso nito na kaniya namang tinanggap at tinungga. Nauhaw rin siya sa kakatili at kapoprotesta sa lalake. Muling kinuha sa kaniya ni Ron ang baso saka bumalik sa kusina upang refil-an iyon ng tubig at tinungga. Napalunok si KJ sa nasaksihan at tila muling nanuyo ang kaniyang lalamunan. ‘Oh my gas! Hinalikan niya ako — este para na niya akong hinalikan! Why naman sa baso hunky-yummy papa?’ tili niya sa kaniyang isipan habang pinapanood itong uminom sa baso. “What?” tanong pa nito sa kaniya nang mahuli siya nitong nakatitig sa binata. Napailing naman siya saka napakamot sa kaniyang batok saka nag-iwas ng tingin kay Ron. Hindi niya kasi kinaya ang pagsasalo nila sa iisang baso. “Hello, Monique, I need detergent and fab-con. Just bring it here, okay? Bye!” Narinig niyang may kausap ito sa cellphone nito habang nakayuko pa rin siya at nilalaro ang laylayan ng kaniyang cotton shorts. Hindi pa rin kasi siya maka-get over sa ginawa ni Ron kaya hindi muna siya tumitingin sa lalake. Baka kasi mamaya mahalata nitong kinikilig siya rito. “Monique will pass by to bring the detergent and fab-con,” anito habang naglalakad itong patungo sa silid nito. “Next time, don’t wear that clothes when we go out. Baka mawalan ako ng kontrol at makasapak ng lalakeng tititig o lalapit sa iyo.” Namimilog ang mga mata niya habang pinakikinggan ang sinasabi ni Ron. Totoo ba ang mga narinig niya? Masasapak nito ang sinomang tumingin o lumapit sa kaniya? Bakit? Nang mag-angat siya ng ulo, wala si Ron at nakapasok na ito sa kuwarto nito. Naiwan tuloy siyang nabibigla at hindi makapaniwala. “Eeeiii! May gusto rin kaya siya sa akin? Ayyy! Winner!” impit na tili niya habang nagpapapadiyak pa sa sobrang kakiligan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD