Chapter 22

1704 Words
Huli na nang maisip ni KJ ang isinagot niya kay Ron. Titig na titig na ito sa kaniya ngayon at tila gusto na siyang itapon nito palabas ng unit nito. Mabilis niyang binawi ang kamay sa binata at tumalikod dito. Maglalakad na lang siyang palayo nang muli siyang hilahin ni Ron dahilan upang masubsob siya sa matigas nitong dibdib. “Aray!” reklamo niya saka hinimas ang kaniyang nasaktang ilong. “Maliit na nga, pipiratin mo pa!” “Sa susunod kapag natutulog ako, huwag mo akong aabalahin. Is that clear?” matigas na tanong nito sa kaniya habang hawak pa rin siya nito sa kaniyang palapulsuhan. “Ang sungit! Oo na! Ginising lang naman kita para yayaing kumain, hindi ko naman alam na may pandesal ka naman pala kaya ayaw mo nang kumain e,” bubulong-bulong pa siya habang nanunulis ang kaniyang mga ngusong naka tingin sa abs nito. “Ano?” naiirita naman tanong ni Ron sa kaniya. “Wala! Sabi ko kakain na po tayo kamahalan!” tanging sagot niya rito saka mrahas na binawi ang kamay sa lalake bago nagpatiunang maglakad patungo sa kusina. Hinihimas pa rin niya ang kaniyang ilong habang nakangisi. ‘Ang yummy ng mga pandesal niya, lalo na siguro kapag kinagat! Ay!’ napabungisngis pa siya sa kapilyahan niya. “Anong ibinubungisngis mo riyan?” “Ay hot na pandesal!” bulalas niya nang biglang magsalita si Ron. Hindi naman niya akalain na kasunod na pala niya ang lalake. “A, a, e, ang ibig kong sabihin kumain na tayo bago ako maglaba. Iyon, gano’n nga! Hehehe.” “Tsk!” palatak lang nito saka ito nag-overtake sa kaniya at nauna nang maupo sa harap ng mesa. Nangingiti na lang siyang pinagsilbihan si Ron na hindi naman na rin nagreklamo. Nakatutuwang alagaan ang binata lalo na at para itong bata kung umasta. Parang ngayon lang ito nakakain ng almusal at ganadong-ganado ito sa pagkain kahit pa tocino at sunny side up egg lang naman ang ulam nila. ***** Hindi alam ni Ron kung maiinis ba siya o matutuwa sa dalaga nang himasin nito ang kaniyang abs kanina. Maging siya ay nabigla sa ginawa nito at parang may kakaibang kiliti siyang naramdaman nang lumapat ang mga daliri nito sa kaniyang sikmura. Kakaiba rin ang init na dulot ng mga daliri nito na buong katawan niya ay apektado niyon. ‘Ano ba kasing naisip ng babaeng ito at pati ang nananahimik kong abs ay napagidskitahan niya?’ bulong niya sa sarili habang kumakain sila nito. “Hmmm, nga pala,” anang babae saka ito lumulon. “Maglalaba ako, pero wala ka naman palang detergent sa laundry room mo. Baka naman puwedeng lumabas para bumili?” Tiningnan niya ito bago sinagot, “No!” Sumubo siya ng pagkain saka ngumuya habang pinagmamasdan ang gulat na itsura ni KJ. “Ha? Bakit naman hindi puwede? Paanong malilinisan at babango ang mga labahin mo kung hindi ko gagamitan ng sabon iyon?” nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kaniya. “Sino ba kasi ang may sabi sa iyong labahan mo ang mga iyon?” “Ako! E, tambak na kasi. Saka kung hindi ko lalabahan iyon, ano pang isusuot mo sa mga susunod na mga araw?” “Well, leave it alone. May kumukuha ng mga damit ko every week para dalahin sa laundy shop. I am paying them for that, kaya hindi mo na kailangan pang pkialaman ang mga iyon at labahan,” balewalang sagot niya kay KJ. “Ay sosyal! Pero kailangan ko pa rin ng detergent soap —“ “For what? Hindi mo ba ako narinig kanina? Sabi ko —“ “Narinig kita kamahalan, pero kasi kailangan ko ng detergent soap para sa mga damit ko. Alangan namang ipa-laundry ko pa ang mga ito, e madali lang namang maglaba. Saka sayang naman ang yayamanin mong washing machine kung ii-stock mo lang sa laundry area. Alam mo bang masisira lang iyon kahit ‘di mo ginagamit? Saka aksayado ka masyado sa pera. Ako na lang ang bayaran mo, para naman masayaran ng pera ang palad ko habang narito ako sa bahay mo,” dire-diretsong litaniya ni KJ sa kaniya. “Okay, enough! Oo na, after breakfast mag-ayos ka ng sarili mo at bibili tayo ng mga gusto mong bilihin dito sa unit. Tutal sabi mo naman sayang ang pera, puwes simula ngayong araw ikaw na ang bahala sa mga gawaing bahay; paglilinis, paglalaba, pagluluto, pamamalantsa — everything! Happy?” sumusukong sagot niya sa dalagang ngayon ay malapad ang pagkakangisi sa kaniyang tabi. “Very happy!” tugon naman nito saka nagpatuloy na rin sa pagkain. Napailing naman siya rito saka itinuloy ang naudlot niyang pagkain. Hindi niya alam pero parang natutuwa siya kay KJ. Hindi kaya nagugustuhan na niya ang dalaga? Naipilig niya ang kaniyang ulo sa isiping iyon saka ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Maaaring natutuwa siya rito — oo, pero ang magustuhan ang dalagang makulit pa sa three-year-old? Nah! That can’t be, baka maaga lang siyang tatanda rito. Kagaya nga ng sinabi niya kay KJ, nagtungo nga sila sa isang grocery store upang mamili ng mga nais nitong bilihin kagaya ng detergent. Nagsuot na lang siya ng faded jeans, black sweat shirt, chuck taylor shoes saka nagsuot ng bullcap at face mask upang hindi makakuha ng atensiyon sa grocery store. Pagkatapos ng mga naganap noong nakaraang araw, kailangan niyang mag-ingat. “Let’s go!” yaya niya kay KJ na prenteng nakaupo sa single couch habang nagkukuyakoy sa armrest ng couch. “Ay, now na?” tanong pa nito sa kaniya nang lingunin siya nito. “Alangan namang bukas pa? Tsk! Halika na nang makabalik tayo agad,” masungit niyang turan sa babae. Tumayo naman ito saka nag-inat bago naglakad patungo sa pintuan. “Pst! Ano iyang suot mo?” kunot-noong tanong niya rito. Sinuyod naman ng tingin ni KJ ang sariling katawan saka muling bumaling sa kaniya. “Damit! Bakit?” takang tanong nito sa kaniya habang hawak nito ang laylayan ng maluwang nitong t-shirt. “Magbihis ka nga! Mukha kang gusgusin sa suot mo!” “Ay, mapanglait! Okay naman ang damit ko a! Hindi naman butas ‘di ba? Malinis naman, saka komportable naman ako rito e,” anito sa kaniya. “Tsk! Bahala ka na nga! Huwag kang makalapit-lapit sa akin mamaya ha!” sumusukong saad niya kay KJ saka ito inunahang lumabas ng pintuan. Lihim pa siyang napangiti nang madaanan niya itong nakanguso. Ang cute-cute kasi nito sa kabila ng suot nitong damit. Well, in fairness naman kay KJ, dalang-dala naman nito ang sarili kahit pa ano ang isuot nito. “Hmp! Sungit! Okay naman ang damit ko a!” bubulong-bulong na sabi pa niya saka muling sinipat ang kaniyang damit. Siguro naluluwagan si Ron sa damit niya kaya ganoon na lang ito mag-react. Kaya naman para i-please kahit papaano si Ron, itinali na lang niya mula sa loob ng kaniyang damit ang kaniyang damit upang kahit papaano ay hindi siya magmukhang off kay Ron. “Ayan! Ewan ko na lang kung sabihin pa ni hunky-yummy papa na mukha akong gusgusin!” Nakangisi pa siya habang pinagmamasdan ang kaniyang sarili. “KJ, hurry!” “Oo na riyan na hunky-yummy papa! Masyado mo naman akong nami-miss!” tugon niya kay Ron habang nagmamadali na siyang naglakad palabas ng unit nito. “Halika na!” ngiting-ngiting wika niya kay Ron habang tila masama ang tingin nito sa kaniya. Ibinaba pa nito ang shades na suot at doon lang niya nakumpirma na masama nga ang tinging nito sa kaniya. “Ano na namang irereklamo mo?” nakapamaywang niyang tanong kay Ron habang nakataas ang isang kilay niya. Sa pagkakatitig kasi nito sa kaniya parang gusto na siya nitong pabalikin sa loob ng unit nito. “Nothing! Ang tagal-tagal mo!” napapailing na sabi na lang nito saka nagpatiuna nang maglakad patungo sa elevayor. Ngiting-ngiti naman siyang sumunod kay Ron dahil alam niyang nainis na naman niya ang binata. Pagpasok nila sa elevator, agad itong lumayo sa kaniya at sumandal sa isang sulok, habang siya naman ay nakahalukipkip na tumayo sa gitna ng elevator. Dalawa lang naman sila ngayon sa loob ng elevator kaya hindi niya kailangang maging malapit sa binata kahit pa gustong-gusto sana niya iyon. Huminto ang elevator sa ikatlong palapag at may dalawang residenteng lumulan kaya medyo umatras si KJ at dumistansiya sa mga ito. Napansin niyang napatingin sa kaniya ang isa sa mga lumulan at sinuyod siya mula ulo hanggang paa. Nakaiilang ang tingin nito kaya naman mabilis siyang dumikit kay Ron at humawak sa braso nito. Akala niya sa ginawa niyang iyon ay tatantanan na siya ng lalake ngunit nagkamali siya. Dinikitan pa rin siya nito at nagpapapansin. Kinabahan naman siya kaya napahigpit ang kapit niya sa braso ni Ron. Nanlaki pa ang mga mata niya nang alisin ni Ron ang kamay niya sa kaniyang braso. Buong akala niya ay hahayaan siya ng binata kaya laking gulat niya nang kabigin siya ni Ron at ipulupot nito ang mga braso sa kaniyang baywang. Napatingala siya kay Ron na hindi niya mabasa ang mukha dahil sa shades nito at face mask. Yumuko naman ito na dahilan para halos magkapalit ang kanilang mga mukha. Nahigit niya ang kaniyang paghinga at namilog ang mga mata sa ginawang iyon ni Ron. “Sa susunod kasi huwag kang magsusuot ng ganiyan kung ayaw mong makakuha ng atensiyon! Tsk!” pabulong nitong turan sa kaniya. Napatango-tango na lang siya hanggang sa umayos na ito ng tayo sa kaniyang likuran habang nakayakap pa rin ito sa kaniyang baywang. Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang magkalapat ang kanilang mga balat ni Ron. But into her surprise, it felt so good and she felt security with Ron’s embrace. “Dude, taken na!” narinig niyang saad ng kasama ng lalakeng dumikit sa kaniya kanina. Napalatak naman ang lalake saka nakapamulsang lumayo sa kanila ni Ron. Habang siya naman ay pinanatiling nakakapit sa isang braso ng binata dahil natatakot pa rin siya sa lalakeng kanina lang ay dumikit pa sa kaniya. “Thank you!” sambit niya kay Ron nang muli niyang tingalain ito. Sinulyapan lang siya ng binata saka inayos ang pagkakayakap sa kaniya na ikinakilig naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD