“So, sinasabi mo ba na kasinungalingan lang ang press release ni Ron noon tungkol sa pagbubuntis mo?” Kaninang umalis si KJ sa pad ni Caleb, agad siyang dumiretso kay Vienne para magpatulong na makausap niya ang kaibigan nitong nagtatrabaho sa isang sikat na TV station. Sinabi niya ang lahat kay Vienne at ang dahilan niya kung bakit niya biglang naisipang magpa-interview. Noong una alanganin si Vienne sa kaniyang gagawin, pero nang lumaon ay napapayag na rin niya ito. Kaya naman ngayon nasa bahay sila ng kaibigan kung saan silang tatlo lamang ang naroon at tanging ang portable video cam lang ni Melon ang gamit nila. “Sa totoo lang, lahat ng mga sinabi ni Ron sa interview na iyon ay scripted. Wala kaming relasyon at lalong hindi totoong engage na kami.” Humugot siya nang malalim na pagh

