Tahimik na nakaupo sina Ron, KJ, Monique at Vienne sa sala at tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Nang dumating sila Ron sa bahay nila Vienne ay agad niyang hinanap ang dalaga. Sa dami ng nais niyang sabihin at itanong sa babae habang nasa biyahe sila ni Monique ay tila naglaho nang makaharap niya ito. Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalinlangan sa kung hihingi ba siya ng tawad kay KJ o kokomprontahin ito sa nangyari? “Aherm! Magtititigan na lang ba tayo rito?” basag ni Vienne sa katahimikan. Napasulyap siya sa pinsan at napaunat ng upo matapos inguso nito si KJ sa kaniya. Tila sinasabi ng dalaga na siya na ang mag-umpisang magsalita. Tinanguan naman niya ito at ibubuka na sana ang bibig nang magsalita si KJ. “The deal is off.” Nabigla siya sa sinabing iyon ng babae

