Mabilis na lumipas ang mga araw. Balik na sa normal ang takbo ng buhay ni KJ. Sa Casa Vielle pa rin siya nagtatrabaho sa kabila ng mga nangyari sa kaniya. Hindi rin naman kasi pumayag si Vienne sa plano niyang pag-alis doon nang dahil lang sa nais niyang makaiwas sa issue. Inilipat na lang siya ng panggabi at inilagay sa back office nang sa ganoon ay makaiwas siya sa mga tao — lalong-lalo na kay Ron. Ngunit ngayong araw, hindi siya nakatanggi nang pakiusapan siya ni Vienne na tumao sa reception area dahil sa may emergency ang naka-duty roon. Mabuti na lang at panggabi iyon kung saan madalang ang paglabas-masok ng mga tao sa condo. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga logs at kung anu-ano pa sa kaniyang desk para lang hindi siya antukin. Unlike naman kasi sa back office, mas kaunt

