Chapter 20

1669 Words
Nang makarating sila sa Casa Vielle ay agad siyang nilatagan ni Monique ng isang papel na naglalaman ng kanilang kasunduan. Dinampot niya iyon at binasa, okay naman ang lahat ng naroon maliban sa isa. “Anong magiging PA ako ni Ron na nakalagay rito?” salubong ang mga kilay niyang tanong kay Monique. “Aba, siyempre hindi naman libre ang pagtira mo rito ‘no!” mataray na sagot naman nito sa kaniya. “PA as in julalay ni Ron? Tagabitbit ng mga gamit niya? Chimi-a-a in short?!” sagot pa niya ulit rito. “Uh huh!” nakangisi namang saad nito sa kaniya. “Ayyy, grabe naman iyang PA duty na iyan! Hindi ba pwedeng iba na lang?” demanding niyang tanong dito. “Teka lang miss ha, may I remind you lang na wala ka sana riyan sa sitwasyon mong iyan kung hindi ka nagpaka-feelingerang frog at ipinanglandakan sa madlang universe na jontis ka at si Ron ang ama! Mabuti nga at hindi ka dinemanda ni Ron e!” nakapamaywang pang saad nito sa kaniya. “You two stop it!” awat ni Ron sa kanila habang hinihilot nito ang sintido. “It’s not actually the normal PA KJ, siyempre kailangan palagi tayong makikita ng mga media na magkasama, lalo pa’t fresh pa iyong announcement mo. Isa pa I really need a PA in the next couple of weeks, masyadong puno ang schedule ko and I need someone who will make sure na maayos ang mga gamit ko. Will you do that for me?” mahinahong tanong nito sa kaniya. “Kung hindi lang kita type,” mahinang sambit niya na tila narinig naman nito. “Ano iyon?” tanong pa nito sa kaniya. “Ahm, wala ang sabi ko lang sige, pumapayag na ako. Nakakabagot din naman kung magkukulong lang ako rito sa condo mo,” nakangising sagot na niya rito. Napangiti naman ito saka nagpasalamat, “Thank you! So now, let me show you your room.” Tumayo na ito at naglakad patungo sa magiging kwarto niya. “Papayag din naman pala, ang dami pang arte!” sabi naman ni Monique sa kaniya. “Bakit may sinabi ba akong hindi ako pumapayag? Assumera ka kasi masayadow!” aniya rito saka nakangising nilampasan na niya ito. “Hon, wait for me!” maarte pa niyang saad habang hinahabol si Ron. Napahagikhik pa siya nang makita ang iritadong mukha ni Monique. Lalo na no’ng maarte niyang hinawi ang kaniyang buhok. ‘Hahaha! Sorry Monique ako na ang bagong reyna sa buhay ni Ron!’ sambit pa niya sa sarili habang naglalakad patungo sa kaniyang magiging silid. ***** Sumasakit ang ulo ni Ron dahil sa kakulitan at kadaldalan ni KJ. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa kadaldalan nito, o maiinis siya sa kaingayan ng dalaga. Kaninang nasa bahay sila ng dalaga ay naaliw siya sa pamilya nito. Kagaya kasi ni KJ, napakadaldal at pilya rin ng nanay nito. Siguro napakasarap maging bahagi ng pamilya ng dalaga. ‘Really Ron? Really?’ sita niya sa sarili. Pagdating nila sa magiging silid ni KJ ay agad itong tumalon sa kama. Para itong bata na nagtatatalon sa ibabaw niyon. Akala mo naman ngayon lang ito nakakita ng kama kung umarte. “Okay ka na ba rito?” tanong pa niya sa dalaga. “Ano ka ba? Ang ganda kaya ng kwarto ko! Okay na okay sa akin ito!” ngiting-ngiting saad nito sa kaniya at nag-thumbs up pa nga. “Ignorante!” nakaismid na saad naman ni Monique. “Hoy! Narinig ko iyon ha! Ignorante agad-agad? Hindi ba puwedeng masyado lang akong na-excite? Grabe sa pagka-judgmental huh!” sagot naman nito kay Monique. Inawat na niya si Monique bago pa man ito nakapagsalita. “Iwanan ka na muna namin KJ,” paalam niya sa dalaga saka binalingan si Monique. “Let’s go! We still have something important to talk about,” sabi niya sa manager niya saka nauna nang lumabas ng silid ni KJ. Nang makarating sila sa sala ay saka siya napahinga ng malalim. “Kailangang matapos ang issue na ‘to within two months,” sabi niya kay Monique. “How do you want it to end?” tanong naman nito sa kaniya saka nag-de-quatro pa sa kaniyang harapan. “I don’t know, but we already planned last night sa bahay ni Vienne na makukunan si KJ at iyon ang magiging sanhi nang hiwalayan namin.” “Awww! How tragic!” kumento naman ni Monique saka nagbuga ng usok mula sa electronic cigarette nito. Kunot noo naman niya itong binalingan. “Why, do you have a better plan than that?” tanong pa niya rito. “Hmmm, okay naman iyong plano, but the time is so short for that alibi. And let me remind you that we still need KJ for this whole month dahil sa hectic schedules mo,” maarteng wika nito sa kaniya. “So what are you trying to suggest?” Sumandal siya sa upuan at humalukipkip habang hinihintay ang sagot nito. “Why don’t we make it three months?” Muling humitit buga ito sa electronic cigarette nito. “Three months? That’s too long! I want this over and done as soon as possible!” naiiritang sagot niya rito. “Sige let’s say magawa nga nating palabasin ng ganoon in two months, do you think may maniniwala lalo pa at in a month palagi kayong makikitang magkasama ni KJ? Then she will miscarriage given the fact na palagi siyang pagod at stress. Then after miscarriage hiwalay na kayo agad? Baka isipin ng mga tao na ang sama mo namang lalake dahil nakunan lang si KJ, iniwan mo na. No, no, no, no! Hindi ko maaring payagang masira ang reputasyon at image mo ng gano’n, gano’n na lang ‘no!” mahaba-habang litaniya nito sa kaniya. May point nga naman si Monique. Paminsan-minsan din pala may silbi rin itong mag-isip. “Okay, if that’s the shortest time that we can do, then I guess I don’t have any choice, but to deal with it,” pabuntong hininga pa niyang saad dito. “Good! But you know what, maganda ang timing ni KJ. Matunog ngayon ang pangalan mo, so I guess this will help to promote your upcoming movie,” nakangisi pang saad nito. “Well, I hope it does,” tanging sagot naman niya kay Monique. Tumayo naman na ito at naglakad patungong pintuan ng condo niya. “By the way, I cancelled all your appointments for tomorrow and the following day. So you have lots of time to relax and sleep. Baka naman kasi sabihin mong napaka-walang puso ko. So enjoy your off, ciao!” paalam na nito sa kaniya. Napangiti pa siya nang iwan na siya ni Monique. Himalang bumait ang maldita niyang manager at binigyan pa siya ng off. “Amazing!” aniya saka muling sumandal sa kaniyang couch at pumikit. It’s been a long day, kaya naman hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang magising siya ay nakahiga na siya ng maayos sa couch at nakakumot na rin. Naamoy pa niya ang masarap na pagkaing niluluto ng kung sino sa kaniyang kusina. Nakaramdam tuloy siya ng gutom, kaya agad siyang bumangon at nagtungo roon. “Sa maniwala ka’t sa hindi, mahal kita. Kahit pa ang tingin mo sa akin ay isang mabigat na parusa. Oohhh, oohhh, wohhh! Pangako mahal ko, hindi mo pagsisisihan, na ako’y dumating sa buhay mo. Bibigyang kulay ang madilim mong mundo!” todo birit ni KJ habang hinahango ang niluto niyang kalderetang baboy. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang mangkok nang may tumikhim sa kaniyang likuran. “Ayyy calderetang beki!” aniya saka inilapag ang mangkok sa mesa sabay hawak sa kaniyang dibdib. “Ano ka ba naman, ba’t ka ba nanggugulat diyan?” sita pa niya sa binata. “Narinig ko kasi ang makabasag baso mong boses, kaya nagising ako,” sagot naman nito sa kaniya saka naglakad palapit sa mesa. Humila ito ng upuan saka naupo roon at sininghot ang kalderetang kaniyang niluto. Natawa naman siya sa itsura nito dahil parang ngayon lang ito makakakain ng ganoong klase ng ulam. Napailing na lang siya saka ikinuha ng plato at kubyertos ito. “Sa boses ko ba ikaw nagising, o sa amoy ng yummy kaldereta ko?” nanunuksong tanong pa niya rito. “Tsk! Oo na sa amoy ng kaldereta,” masungit namang sagot nito sa kaniya. Napangiti naman siya saka iniabot ang kanin dito. Nag-uumpisa na silang kumain nang may mag-doorbell. Napatingin siya kay Ron bago tumayo at tinungo ang pintuan. Ngumunguya pa siya nang buksan ang pinto. Napangisi siya nang makitang si Vienne pala iyon. “Hmmm!” Lumunok siya bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. “Pasok ka Vienne, tamang-tama kauumpisa lang naming kumain,” nakangiting saad niya rito. “Hmmm, mukha ngang masarap ang pagkain niyo a. Makikikain na ako ha?” nakangising sabi naman nito. Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. Magkapanabay na silang naglakad patungo sa kusina. Humalik ito sa pisngi ni Ron saka naupo sa tabi nito. Inilapag naman niya ang plato at kubyertos sa harapan ni Vienne at inasikaso ito. “Uyyy, ano ka ba okay na ako. Kaya ko na, maupo ka na ulit at kumain,” saway sa kaniya ni Vienne. “Okay lang, bisita ka naman kaya dapat inaasikaso ka naming mabuti. Makabawi man lang sa perwisyong nagawa namin sa iyo kagabi,” nakangiting wika niya rito. “Sus! Wala iyon, kayo pa ba?” tatawa-tawang sambit naman nito sa kaniya. Nang matapos niyang asikasuhin ito ay saka naman siya bumalik sa kaniyang puwesto at muling kumain. Wala namang imik si Ron habang kumakain silang tatlo. Hanggang sa matapos silang kumain ay wala pa rin itong imik. Samantalang sila ni Vienne ay parang na-miss ang isa’t isa, dahil hindi matapos-tapos ang huntahan nila. Hindi rin naman nagtagal at nagpaalam na rin si Vienne kaya naiwan na rin sila ni Ron na wala pa ring kaimik-imik. Ano naman kaya ang nangyari sa binata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD