bc

Ang Pait ng PAGHIHIGANTI

book_age18+
316
FOLLOW
1.9K
READ
love-triangle
family
HE
badboy
sensitive
drama
bxg
mystery
campus
secrets
kingdom building
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa isang karumal dumal na krimen na ginawa ng pamilyang Aragon sa pamilya ni Heaven Madrigal ay nag sanhi ito ng malaking poot at paghihiganti sa utak ng batang si Heaven hanggang sa napadpad siya sa grupo ng mga sindikatong nag alaga at pinalaki siya bilang katulad din nila at doon niya natutunan ang lahat ng mga illegal na gawain at doon niya rin nakilala ang batang si Jeno Cortez.Sa pagpasok sa isang napakalaking sindikato ay doon niya natutunan kung paano tumayo at lumaban para sa sarili at sa kinalakihan nyang pamilya.Nabuo ang kanyang malaking plano para maghiganti sa pamilyang sumira sa kanilang pamilya.Isang araw sa hindi inaasahang pagtatagpo ay nagkasalubong ang landas nila heaven at ang anak ng mga Aragon at doon na nga nagsimula ang matinding hidwaan para sa magkabilang panig.Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang poot at paghihiganti kung ang kapalit noon ay taong mahal na mahal niya. Alin ang uunahin niya pamilya o ang lalaking sinisigaw ng puso niya?

chap-preview
Free preview
Ang Pait ng PAGHIHIGANTI
CHAPTER 1: [ANG BAYAN NG SAN DIEGO] Nagsimula ang lahat sa masayang celebration sa kanilang bayan ng San Diego at halos lahat ay may kanya kanyang pinag kakaabalahan para salubungin ang araw ng kapiyestahan sa kanilang bayan, masaya at abala ang lahat sa kanilang mga gawain kaya naman ay masaya ang mga bata na naglalaro sa labas ng kanilang mga tirahan. Samantala ay may isang batang babae naman ang nakaupo sa may bintana ng kanilang bahay at nakatingin lamang sa mga batang naglalaro sa labas kaya naman nang mapansin ito ng kanyang Ina ay nilapitan ito at tinabihan sa kanyang kinauupuan. "Heaven, bakit nariyan ka? Bakit hindi ka lumabas at makisalamuha sa kanila?" "Wag na po inay, nag-aaral pa po kasi ako at baka makaabala lang po ako sa paglalaro nila" Malungkot namang sabi nito at saka na lang umayos sa kanyang pagkakaupo "Ano ka ba naman, bakit ka naman makakaabala sa kanila eh bata ka rin naman ha! at saka magpahinga ka naman minsan anak hindi yung pagkagaling mo sa School ay mag-aaral ka ulit pagdating mo dito sa bahay kaya hindi ko na tuloy halos mabilang ang mga Medalya mo" napatawa na lang si Ana habang nakaupo at hinahaplos ang ulo ng kanyang anak "Inay, kayo rin po ba ni itay nakapag-uwi rin ng Medalya noong nag aaral pa po kayo?" napangiti na lang si ana kay Arnold "Hindi anak pero yung itay mo Oo" "Bakit po nay?" "Kasi masyadong mahirap ang buhay namin noon anak , kaya grade 5 lang ang natapos ko" "Ganon po ba nay?" "Kaya ikaw mag-aaral kang mabuti at huwag kang papayag na aapihin ka lang nang kung sino sino lang, naiintindihan mo ba?" "Opo inay" biglang sumingit naman si Arnold sa usapan ng mag-ina at ipinaliwanag sa kanyang anak kung ano ang dahilan "Pero kahit ganon, alam mo bang masipag at matalino ang inay mo kaya ko nga sya nagustuhan di ba?" "Arnold talaga oh" "Itay talaga! Kinikilig na naman, hindi po ba kayo nagsasawa sa isa't isa at parang dalaga at binata pa po kayo dyan" pabiro naman ni Heaven sa kanyang mga magulang "Oy! oy! oy bata ka, tandaan mo ang pagmamahal hindi yan nakakapagod" "Bakit anak hindi mo ba kami mahal ng itay mo?" "Opo mahal" "Ganon naman pala eh, ang ibig sabihin hindi ka rin napapagod magmahal sa amin ganon din ako at ang inay mo sayo, hindi rin kami napapagod na mahalin ka kaya't lagi mong tatandaan na ang pagmamahal mo sa isang tao ay hindi katulad ng isang bagay na maaari mo lang itapon kapag wala ng halaga sayo, naiintindihan mo ba anak?" "Opo nay, tay" "Oh sya tara na kumain na muna tayo ng inay mo" mauupo na sana sila sa kusina nang may boses na tumatawag sa kanila mula sa labas ng kanilang bahay "Magandang araw, Mr. and Mrs. Madrigal" bati nang kanilang mayor na si Arnulfo kasama ang pamilya nito "Ay naku! Magandang araw po Mayor pasok po kayo" ngumiti naman ang mag-ina at saka napatingin si Ana kay Henry na kanina pa pala nakatingin sa kanya kaya ngumiti na lang siya at tumabi sa kanyang asawa "Gusto nyo po bang kumain muna?" "Wag na, Arnold salamat nalang, napadaan lang naman kami rito sainyo, sya nga pala si Henry nga pala ang nag iisa kung anak na lalaki, wag nyong kakaligtaan ngayon na darating na eleksyon, pasensya na kayo kung hindi kayo pamilyar sa kanya. Sa Maynila kasi sya lumaki kasama ang kanyang pamilya at ito nga pala ang kanyang asawa na si Meriam at ang kanilang anak na si Jack at si Sarah" "Magandang araw din sainyo" padugtong naman na sagot ni Arnold kay Henry napangiti na lang din si Henry at saka nagpaalam na sila ng kanyang ama kila Arnold "Mauna na pala kami Arnold" "Ay sige po mayor maraming salamat din po pala sa pagbisita sa munting bahay namin lubos na ikinagagalak po namin ito Mayor" "Walang anuman yun, Arnold ganun talaga kapag mga kababayan" "Oo nga po Mayor" "Sige Arnold, mauna na kami marami pa kasi kaming pupuntahang bahay" " Ay sige po Mayor ingat po kayo" Umalis naman na ang mga Aragon at saka naiwan ang pamilyang Madrigal sa labas ng kanilang bahay "Arnold, ang lagkit naman ng tingin nung anak ni Mayor" "Ganon lang siguro talaga yun Ana, wag mo na lang pansinin para hindi ka nya pag initan" "Basta, masama ang pakiramdam ko sa taong yun hindi sya mapagkakatiwalaan" "Alam mo gutom lang yan, tara na kumain na muna tayo" Habang kumakain sila ay napatanong naman si Heaven tungkol sa pamilyang Aragon "inay, tay sino po yung pumunta dito?" "Mga mayayaman at makapangyarihang pamilya sila anak kaya mag iingat ka sa kanila kasi ang bali-balita rito mamamatay tao raw si Mayor Arnulfo" "Ano pong Mayor, taga pangalaga po ba sila pa?" "Mayor, sila yung tagapamahala o nag- aalaga sa lugar na nasasakupan nila" "Ganon po ba yun kailangan po ba talaga yun?" "Heaven, bata ka pa para maunawaan mo ang lahat ng bagay na nangyayari dito sa bayan natin malalaman at maiintindihan mo lang yan kapag malaki kana" "Kaya dapat kumain ka ng napakaraming gulay para mabilis kang tumangkad at lumaki ka na hahaha" "itay naman eh, malaki na po ako kaya't ako na po ang bahala sainyong magtanggol sa lahat ng taong mang-aapi sa atin" "Hay naku wag na wag kang magsasalita ng ganyan kasi hindi ka pa malaki para maunawaan mo lahat ng mga pinagsasabi mo" "Pero malaki na po ako at pangako ko po sainyo inay, itay na kapag may nang -api sainyo ay aawayin at gagantihan ko rin" "Hoy hoy hoy! masama yan wag kang ganyan Heaven! Ito ang lagi mong tatandaan na kahit gaano man kabigat ang nagawang kasalanan sayo ng isang tao ay matuto parin tayo mag patawad, kaya't wag na wag kang mag-iisip ng ganyan kasi masama yan, naiintindihan mo ba anak?" "Opo itay, patawad po" "Arnold pabayaan mo nalang ang bata hindi pa naman nya alam ang mga pinag sasabi nya" Pag tatanggol naman ni Ana sa kanyang anak "Sige na Heaven kumain kana at baka malipasan ka pa ng gutom" "Opo inay" Samantala huminto naman sa napakalaking bahay ang kotse ng pamilyang Aragon at saka ito pinagbuksan ng kanilang guwardiya para makapasok sa loob "Henry sandali" "Bakit po dad" "Yung pag uugali mo ayos ayusin mo masama yung ganyan makaka apekto yan sa pangalan ng pamilya natin" "Bakit po dad haha wala naman po akong itinatago sainyo at ano naman po ba ang tinukoy nyo?" "Hindi mo ba alam? o nag mamaang maangan ka lang kasi kilala kita alam kung interesado ka na naman sa babaeng yun?" "Haha dad hindi ako ganong klaseng tao, kilala nyo ako" "Kilala nga kita at mas mabuti pang wag kang gagawa ng maling galaw kung ayaw mong masira ang pangalan natin at ang pagtakbo mo ngayong darating na eleksyon" "Dad naman, Wala nga akong gagawing masama kilala nyo naman ako napaka masunurin kong anak sainyo at lahat ng gusto nyo sinusunod ko" "Mabuti naman kung ganon" Pumasok na ang kanyang ama sa loob ng mansion at naiwan naman si Henry na naka murusarot ang mukha. Lumapit naman ang kanyang asawa at saka ngumiti nang nakakainis sa kanya "Subukan mo lang na lokohin ako at isusumbong kita kay dad" hindi naman na nagsalita si Henry at saka umalis na lang sakay ng kanyang kotse Napakasaya ng araw nang kanilang Kapiyestahan at lahat ay nagkakasiyahan sa kanilang bayan May nag- iinuman, nag sasayawan at may mga nag kukuwentuhan sa bawat paligid. "Hoy bata bakit nandyan ka?" tanong ng isang batang lalaki kay Heaven at saka ito lumapit "Sino ka?" tanong naman ni Heaven rito "Ako nga pala si Rey Cruz bagong lipat ako dyan sa kanto, ikaw anong pangalan mo?" "Heaven" "Bakit ka ganyan magsalita?Taga Maynila ka ba?" "Oo kaso kinuha na ako ng Lola ko kaya simula ngayon dito na ako titira" "Ganon ba masaya dito sariwa ang hangin tapos tahimik pa" "Pansin ko nga, pero wala naman akong kaibigan dito pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" "Pabor?" pagtatakang tanong naman ni Heaven rito "Pwede ba kitang maging kaibigan?" "Ahm....Ayoko nga marami pa akong ginagawa" "Grabe naman yun tinanggihan kaagad ako" "Nag-aaral pa ako kaya iba na lamang makipag kaibigan kasi wala naman akong oras para maglaro" "hay Naku napaka seryoso mo naman, Ano bang silbi at naging bata ka pa, kung nandito ka lang naman sa bahay nyo at nakakulong, para ka namang aso nyan? "Bakit mukha ba akong aso?" inis na sambit naman ni Heaven kay Rey "Ano ba sa tingin mo? hahah" "Baliw ka ba?Nakakainis kana ha" "hahaha Yan ang gusto kung maging kaibigan yung mga mabilis mapikon hahaha" Kinurot ni Rey ang mukha ni Heaven kaya't inis na inis naman ito "Wala kang respeto isusumbong kita kay inay at sa itay ko" "Sige isumbong mo hindi ka naman maganda pangit ka naman" pang aasar pa dito ni Rey Naluluha naman na si Heaven dahil sa sinabi nito kaya't lalo pa itong nainis Kay Rey

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.6K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.6K
bc

The Real About My Husband

read
35.5K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
26.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook