"Itigil ang kasal!" Sigaw nito kaya natuon ang atensyon ng lahat ng tao sa loob ng simbahan sa kanya. Sabay pa silang napatingin ni Daniel sa sumigaw. Makikita sa mata nito ang lungkot at takot. Pero nandoon ang mumunting lakas ng loob para pigilan ang kasal nila. Umayos ng tindig si Daniel at mariing pinagmasdan ang babaeng sumigaw na itigil ang kasal nila na nasa may pintuan pa lang ng simbahan. Halos pangapusan pa ito ng paghinga. Malamang ay dahil sa pagmamadali nitong magtungo ng simbahan. "R-Rachelle?" Nauutal na sambit ni Daniel ng makita ang mukha ng babae. Namumutla ito at halos mawalan na ng kulay. Naglalakad na ito papalapit sa kanila. Marahan lamang iyon at wari mo ay hirap maglakad o may iniindang sakit. "Pakiusap, Sir Daniel. Wag mong ituloy ang kasal." Anito habang puno

