Hindi naman mapakali si Igo ng ianunsyo ng konduktor na malapit na sila sa terminal. Halos mapatayo na siya sa mga oras na iyon kahit hindi pa naman tuluyang tumitigil ang bus. Napailing na lang si Cy at Jose ng unang bumaba si Igo. Mas nauna pa itong bumaba kaysa sa mga nakaupo sa pinaka unahan. Mabilis siyang nagpalinga-linga para mahanap kung nasaan si Piping. Kahit naman papaano ay natatandaan niya ito lalo ng magdala ito ng sulat. "Piping!" Tawag niya sa lalaking nakaupo sa bench at hinihintay nga ang pagdating nila. "Sir mabuti po at dumating na kayo. Tara na po." Anito at mabilis na tumawag ng taxi. Kahit apat sila ay napilit nilang magkasya sa isang taxi. Si Jose ang nasa unahan. Nasa back seat sila ni Cy kasama si Piping. Pasalamat na lang si Igo at hindi ganoong kalaki si Pi

