Nakaupo lang sa labas ng bahay si Igo at nakatingin sa kawalan. Solo lang siya ng mga oras na iyon. Hawak ang bote ng beer na kanyang iniinom. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman. "Ganoon ba talaga katindi ang pagmamahal na inilaan ko sayong alien ka? Naiinis ako sa sarili ko kasi nasasaktan ako sa nangyari sa atin. Ni minsan hindi ako naghangad na maging mayaman. Ang mabuhay ng masaya kasama ang mga kaibigan ko ay sapat na. Pero ng dumating ka. Mas lalo akong naging masaya. Iba pa pagkasama ko iyong dalawa. Akala ko sapat na iyon. Kasi mahal mo ako at mahal na mahal kita. Pero bakit naman ang daya Shey. Dapat ba maging mayaman din ako, para ako ang piliin mo?" Tanong niya habang patuloy na umiinom. Lalaki siya pero maya't-maya na lang lumuluha siya. "Igo sa akin mo

