Madaling araw pa lang ay naghahanda na paalis si Piping. Hawak na nito ang sulat na ginawa ni Shey para kay Igo. Umaasa siyang sa pamamagitan ng sulat na iyon ay mauunawaan siya ng lalaking kanyang minamahal at dahil doon ay mapapatawad siya nito sa kanyang pagsisinungaling. Sasakay na sana si Piping ng taxi na si Yaya Lourdes ang nagbooked ng makita nila ang paglabas ni Henry mula sa loob ng bahay. "Shey! Lourdes, Piping! Anong nangyayari sa mga oras na ito, at nasa labas kayong lahat?" Mariing tanong ni Henry ng makalapit sa kanila. Nagkatinginan naman ang tatlo at walang may balak magsalita. Pero kinalaunan ay si Piping na ang sumagot sa tanong ni Henry. "Senyor, ako laang ay uuwi sa amin. Alam naman ninyong nagtutuyo ng pusit doon, ay tinawagan ako ng aking inay na may nakalaan na

