Chapter 15

1389 Words
Ang scenario na aking nakikita ay nagbago na. Dumaan ang maraming taon at nakikita kong naglalakad si Hawwah at mababakas mo sa kanyang mukha ang matinding kalungkutan. Mahihinuha mong hindi niya ginusto ang maging bampira at magkaroon ng kakaibng katawan mula sa mga tao. Mahihinuha mo ring masakit sa kanya ang hindi makalapit sa kanyang mga mahal sa buhay sa pagkat siya ay iba na. Bagamat nakatikim na siya ng dugo ng tao, ang Adam na sinasabi ng anino ay hindi pa niya nakita. Dumaan pa ang ilang taon hanggang si Hawwah ay nakatagpo ng lalaking nagpatibok ng kanyang puso. At alam niyang ito ang nakatadhana sa kanya. Kay tagal ng panahog hinanap ni Hawwah ang adam na nakatakda para sa kanya. Tulad ng nasabi ng Anino, ginawa ni Hawwah ang lalaki ng katulad niya. Nagkaroon sila ng pitong anak na lalaki. Ang kanilang unang lahi ng anak ni Hawwah ay tinawag niyang Nosferatus o nilalang na sa gabi lamang nakakalabas. Ang mga anak na lalaki ni Hawwah  at mga anak nilang lalaki ay tinawag niyang purebloods dahil sila na ang nagparami ng lahi nilang vampire o mga nilalang na kaya ng maglakad sa ilalim ng araw. Ang mga naging anak nilang babae ay ang naging Founding females. At mga naging anak ng Founding females ay ang mga nobles. Tanging si Hawwah ang kakaiba sa kanila. Ang dating katawang tao niya ay naging Lamia na. Siya lang ang may maputlang kulay at mayroong napakapulang labi at puting-puting buhok. Tanging ang mga susunod na Eve rin ang magtataglay niyon at ang magiging reyna at ang kanyang adam ang magiging hari. Ang kahariang itinaguyod ni Hawwah ay naging lingid sa kaalaman ng tao. Patuloy ito sa pagdami at pagpapalawak ng teritoryo sa pagdaan ng mga taon. Isinilang ni Hawwah ang kanyang unang anak na babae na pinangalan niyang Azalea. At tulad ng sinabi ng anino, si Hawwah ay namahinga pagkatapos nitong ituro sa anak ang tamang pamamalakad ng kaharian. Sumabay naman sa pamamahinga and Adam sa kanyang Eve. Si Azalea ang kauna-unahang Eva na nagpakitang gilas ng kapangyarihang hindi ipinakita ni Hawwah sa kanyang nasasakupan. Nagkaroon siya ng respeto mula sa nasasakupan at tiningala siya bilang bagong reyna. Naging Reyna siya sa edad na sampu at nagkaroon ng adam sa edad na labing pito. Katulad ng kanyang ina, namana ni Azalea ang kulay ng mga mata nito bilang isimbolo ng pagiging Eve. Nagkaroon siya ng sampung anak na lalaki mula sa edad na labing walo at singkwenta. Nagkaroon siya muli ng lima pa sa edad five hundred years. At isang babaeng anak sa edad na isang libo. Katulad din ng kanyang inang si Hawwah, tinuruan niya ang kanyang anak na babae  sa pamamahala ng kaharian. Pinangalanan niya itong Amaya. Si Amaya ay naging reyna sa edad na sampu. Katulad ni Hawwah at Azalea, ang mga mata ni Amaya ay kulay Violet bilang tanda ng kanyang pagiging Eve. Kung si Azalea ay nagpakita ng kapangyarihan, si Amaya ay naging kilalang mabagsik na Reyna dahil sa istriktong pamamalakad sa kaharian. Nagkaroon siya ng Adam sa edad na tatlong daang taon. Hindi siya nagkaroon ng anak na lalaki. Tatlong libong taon na siya ng isilang niya ang kanyang una at huling anak na babae na pinangalanan niyang Victoria. Bagamat isang kilalang mahinhin at matapang si Victoria, dito nagsimula ang pag-aalsa ng mga clan ng purebloods laban sa kanya. Ang hangarin ng mga ito ay mapatalsik si Victoria bilang reyna at nakawin ang puso nito sa pag-aakala nilang iyon ang source ng kapangyahiran ng isang Eve. Ngunit ang pag-aalsa ay nabigo dahil si Victoria ay ang nagmana ng kapangyarihan mula pa sa kauna-unahang Eve. Maaaring isa ang puso ng Eve sa nagbibigay ng kapangyarihan, ang susi ng pagkakaroon ng walang hanggang kapangyarihan ng isang Eve ay nagmula sa laman at dugo ng kauna-unahang Eve na maaari lamang makamit kung isinilang ka mula sa kanya. Iyon ang sekreto ni Victoria na hindi alam ng kanyang nasasakupan. Nagkaroon siya ng Adam  matapos ang pag-aalsa na iyon at ito ay labis niyang pinagsisihan dahil sa nagkamali ang kanyang puso sa pagpili ng lalaking  magiging hari niya. Isa itong masamang lalaki at kahit kailan ay hindi siya nito itinuring na asawa. Masakit man sa kanya iyon ngunit wala na siyang panahon upang bigyan ito ng pansin. Ang mahalaga sa kanya ay malaman kung sino ang may pakana sa pag-aalsang iyon. Siya ay nagdadalang-bampira ng malaman niyang si Elizabeth, isa sa founding females na may magkaibang kulay ng mata at kasalukuyang countless sa Hungary ang may pakana ng lahat. Nalaman niyang nais nitong makuha ang kanyang trono at puso. Nalaman din niyang isa ito sa kabit ng kanyang asawa. At ng gabing siya ay natutulog katabi ang asawa,tinangka siya nitong paslangin. Ngunit gamit ang “Excalibur”, isang uri ng sandata na nalilikha lamang  para sa Eve ay itinarak niya ito sa puso ng babae at tinadyakan pahulog sa bintana ng kanyang silid. Kasunod noon ay isinunod niya ang taksil na asawa. Isinilang niya si Divina at ito ang sumunod na Eve at reyna. Sumunod si Norhata sa kanya. At ang huli ay si Maria,siya ang naging anak ni Norhata ngunit taliwas sa ugali ng mga naunang Eve at Reyna, si Maria ay isang malumanay at ubod ng bait na Reyna. Hindi niya kailanmang ninais na maging reyna. Bagamat hindi niya ginamit ang kapangyarihang minana sa kanunu-nunuan niya, pinamahalaan niya ang kaharian na taliwas sa mga naunang kaharian. Ngunit hindi nagtagal ay nawalan na siya ng ganang pamahalaan ang kahiran kung kayat inihabilin niya ito sa malayong pinsan na si King Quentin na nag-alsa laban sa kanya at inagaw ang trono nito mula sa kanya. Nagtago si Eva at dito niya nakilala si Alexander, isang general ng palasyo. Ito ang kanyang Adam. Nagpakalayo-layo ang dalawa at nagtago ng napakaraming taon. Si Eva ay nakapagsilang na ng isang malusog na sanggol ng babae ng matunton sila ng mga armies ni King Quetin. Bagamat napigilan sila ni Eva at nagawa niyang ipatakas sa kanyang adam ang kanilang anak, hindi siya nakaligtas sa mga pangil ng werewolves na pinamumunuan ng isang itim na wolf. Kitang-kita ko kung paano warakin ng wolf na iyon ang dibdib ni Eva at nakawin ang puso nito at pagkatapos ay iniwan nila ang kanyang katawan sa lupang kulay dugo na kulay. Bagamat nakita kong naitakas ni dad ang sanggol, ang aking puso ay nadurog ng mapanood ko mismo ang paraan ng pagkakapatay sa akin ina. Inang kalian man ay hindi ko pa nakilala. Ang sanggol na itinikas ni dad ay ako. Ang sanggol na nilagyan ni Dad ng seal upang maigapos ang kapangyarihan ng isang Eve ay ako! Maging sa aking ikasampung kaarawan ay muli niyang nilagyan ng Seal ang aking katawan kahit katumabas noon ay ang kanyang buhay! “Anak hindi na pwedeng lumabas ang iyong pagiging Eve. Masisira lamang ang iyong buhay. Naipangako ko sa iyong ina na mamumuhay ka bilang isang nomal na tao. Malayo sa buhay na dapat ay itinakda sa iyo. Sa pagsapit ng eighteenth birthday mo, ilalagay ko ang huling seal sa katawan mo at mabubuhay ka na ng isang normal na tao tulad ng pangarap naming ng iyong ina kahit buhay ko ang katumbas noon. ”,narinig ko ang sabi ni Dad habang yakap-yakap ako sa pagtulog ko. Biglang pumatak ang mga luha sa aking mga mata habang nakalutang kung saan. Wala akong kaalam-alam sa sinapit ng aking pamilya mula sa mga kamay ng mga kapwa bampira. Ni hindi ko alam na isa pala ako sa kanila. Ni hindi ko alam ang sakit at hapdi ng pinagdaan ng aking ama. Ni hindi ko alam ang kapalarang naghihintay sa akin. Apat na araw na lamang at eighteenth birthday ko na ngunit hindi ko pa rin nakikita si Dad. Hindi ko rin alam kung ako ay mabubuhay pa uli. Kung ako man ay mabubuhay , sisiguraduhin kong magbabayad ng mahal ang mga bampirang nasa likod ng pagdurusa ng aking pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD