Napakunot ang noo ni Hanna nang may kung anong iniipit si Terrence sa kamay niya nang maupo sila sa sofa.Sa pagbukas ng kamay niya ay nagulat siya nang tumambad sa kanya ang isang singsing na napapaligiran ng tila mamahaling bato. "A-Ano 'to?" nauutal pang tanong niya. "Isang maliit na bilog na kumikislap, malamang kwintas," natatawang sabi ng binata. Isang malakas na sapak sa braso ang pinakawalan niya kay Terrence."Grabe, ang sakit nun ah," hihimas-himas pa sa brasong sabi nito. "Alam kong singsing 'to.Tinatanong ko kung para saan 'to? Bakit mo ko binibigyan ng singsing?" nanlalaki ang mga matang tanong ng dalaga. "Pasalubong.Bakit may iba ka pa bang naiisip na dahilan?" patay-malisyang sabi ni Terrence na noo'y umakbay pa sa kanya. "Bakit walang kahon?" kunot ang noong tanong niy

