Tila gumagawa naman nang paraan si Heidy para muling makuha ang loob ni Terrence.Kasalukuyang nagpapahinga noon at nagpapahangin si Terrence sa isang bench sa labas ng hospital nang lapitan siya ni Heidy dala ang dalawang tasa ng kape. "Kape, Dok," sabi nito sabay abot ng kape sa kanya.Pero hindi niya iyon pinansin. "Nakakapagod noh?" kunwa'y sabi pa nito habang inilalapag sa tabi niya ang tasa ng kape atsaka ito naupo.Napabuntong hininga naman si Terrence.Tumayo ito at akmang aalis nang bigla siyang pigilan sa isang kamay ni Heidy. "Hindi na ba tayo pwedeng magka-ayos? Magkaibigan naman tayo diba? Hindi ba pwedeng kahit 'yung pagkakaibigan man lang natin, mabalik sa dati?" naluluha pa ang mga matang sabi nito. "Sa tingin mo talaga posible pa 'yon? Hindi mayapa't kinakausap kita, okay

