Nang matanaw ni Lexie na papasok na si Dok Terrence agad niya itong sinalubong. "Dok, katatawag lang po ni Hanna." Napangiti ang binata."Ano'ng sabi?Hinahanap ba ko?" excited pang tanong niya. "Tinanong lang po kung nandito na kayo pero binabaan din po ako ng phone nang sabihin kong may kausap lang po kayo sa labas." Napakunot ang noo ni Terrence."Bakit hindi siya sa cell phone ko tumawag?" Napangiti nang alanganin si Lexie atsaka ito nagkibit ng balikat. Dinukot ni Terrence ang cell phone sa bulsa at tinawagan niya si Hanna habang naglalakad siya papasok sa silid. "Hello, Panget? Bakit hinahanap mo raw ako?" kunwa'y tanong niya. "Hindi kita hinahanap, na-wrong number lang ako," matabang na sagot ng dalaga. "Anong--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang pinut

