Gresilda
*
*
Napatingin ako sa batang tumatawa
" Ang batang yan! Ako ang Batang yan. " Sambit ko
" Hindi naman kami mawawala Mananatili kami sainyong puso't isipan." Mahinahon na wika ng Reyna
" Ama! Anong gagawin nila? Bakit nakadamit sila ng purong itim? " Tanong ng batang lalaki
" Anak! Alagaan mo ng mabuti ang Kapatid mo. Kasalukuyang nang nagaganap ang digmaan sa tatlong Kaharian. Pinapatay nila ang mga kalahi nyo, Kaya gagawa ako Ritual ililipat ko ang lahat ng kapangyarihan ng kadugo nyo papunta sainyong magkapatid." Paliwanag ng Lalaking may Sungay
" Anak! Tatlong Taong gulang pa lang ang Kapatid mo. Kaya Alagaan mo siyang mabuti. Sasama ako sa iyong Ama sa kanilang Kaharian. Ngunit bago mangyari yon Sisiguradohin namin na Mananatili ang ating lahi. Ayaw ko ng digmaan kaya kami ang gagawa ng paraan para mailayo kayo sa digmaan. " Paliwanag ng Reyna
" Mas malakas tayo sakanilang lahat. Kaya natin silang labanan." Matapang na tugon ng Prince
Napaupo ako sa harapan ng nag-uusap gustohin ko man magtanong ngunit Hindi nila ako maririnig. Alaala nalang sila ng nakalipas. Mga kaganapan ng nakaraang buhay ko.
" Hindi maaari! Nakikita mo ba ang mga tao? Masasaya sila kahit na mahirap ang kanilang buhay. Puno ng kulay ang kanilang buhay. Kung magiging masama tayo masisira ang balanse ng Mundo. Hindi naman talaga dapat tayo nandito sa Mundong ibabaw. Dahil Mga anak tayo ng kadiliman. Hindi pwede mabago ang paniniwala ng mga tao. May sarili silang Paniniwala at Sinasamba na Diyos. Lahat tayo kasama na ang Lobo, Bampira, Witches, Wizard, at iba pang nilalang ay mga pinarusahan ng Diyos ng mga tao. Hindi ibig sabihin na nagmula tayo sa masama ay gagawa na tayo ng kasamaan. Piliin mo lagi ang maging mabuti. Mas mainam ang maging mabuti at mabait mas magiging magaan ang pamumuhay at magiging masaya. Makakamtan mo ang kapayapaan na hinahangad mo. Tandaan mo ang mga sinabi ko Anak. Dahil ikaw ang Tagapangalaga ng Munting Reyna. " Mahinahon na wika ng Reyna
" Anong Reyna Ina? Diba Crown princess lang si Griselda?" tanong ng Munting Principe
" Wow! Ama ang Korona ni Ina nandito na sa Ulo ko! Hehehe! Ama pagmasdan mo. Naglaho na! Ama Pagmasdan mo Nandito na ulit. Hehehe Ina nandito saakin ang Korona mo." Masaya na sigaw ng Munting prinsesa
" Ang mga mahiwagang korona ay maaaring magbigay ng mga kakayahan tulad ng pinahusay na spellcasting o kontrol sa mga elementong pwersa. sumagisag ito royalty at kapangyarihan, Mas lalong lalakas ang kapangyarihan nyo pagkatapos ng Ritual. Panoorin mo sa salamin May Korona kadin anak. " nakangiti na wika ng Reyna
Patuloy ako sa panonood sa mga kaganapan. Magsawa sila ng Ritual nasa gitna ng simbolo ang dalawang bata. Napatakip ako ng aking bibig sabay-sabay na nagpatiwakal ang mga Wizard at Witches. Ngunit ang Reyna at Hari ay nilamon ng apoy pumailalim sa lupa at tuloyan naglaho Hindi ko nakitang umiyak ang magkapatid.
Nagbitaw ng sumpa ang batang babae naglaho ang Palasyo. Naghawak Kamay ang magkapatid gumawa sila ng bayan na walang araw at buwan. Tinawag nila itong Shadow Valley. Nasa loob ng Valley ang Nawawalang Palasyo.
Pinanood ko ang bawat araw na lumipas unti-unting lumalaki ang dalawang bata unti-unting nagkaroon ng mga nilalang tulad ng Halating Bampira at Lobo, Kahalating Lobo at Witches.
Biglang nawala ang mga kaganapan Bumalik sa dati ang paligid. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nalakbay sa nakaraan.
Napatulala ako naputol ang pagbabalik ko sa nakaraan doon sa araw ng Aksidente ko na isumpa ang aking sarili.
" Ano ang nangyari pagkatapos non? Paano ako napunta sa ganitong kalagayan. " Tanong ko sa aking sarili
Napabuntong hininga ako kahit wala akong maalala napagpasyahan ko ayusin muna ang Palasyo. Gamit ang kapangyarihan ko nilinis ko ang buong Palasyo. Purong itim ang Palasyo. Sa wakas maayos na ang Palasyo malinis na ito. Ngunit malinis na talaga ang paligid ng Palasyo at Ang malawak na lupain ng Kaharian walang puno, Halaman at damo kahit na ligaw na Hayop wala talaga. Ang tanging may kulay ay ang dulo ng buhok ko kulay ginto.
Hindi ko alam kung bakit naging Itim ang buhok ko. Ayon sa nakita kong kulay ng dating buhok ko kulay ginto ito ngayon isang dangkal.
" Ayon sa nalaman ko para mabuhay kailangan Kumain, Maligo, magtrabaho. Ano paba? dumumi, Tika lang kailangan ko alamin kung paano nabubuhay ang mga tao. " Nababahala na sambit ko
Para akong baliw, Hindi ko talaga alam ang gagawin wala akong Maalala. Mabuti nalang makapangyahiran ako.
Naglakad ako party sa isang silid Nahiga ako Gamit ang kapangyarihan ko. Inalalam ko kung paano mabuhay sa pang-araw-araw. Kung ano ang dapat gawin sa pang-araw-araw.
Matagal din ako nakahiga nakapikit lang ako. Hanggang sa mapabalikwas ako ng bangon
" Pagkain! Kailangan ko Kumain para mabuhay? " Sambit ko
Nagmamadali ako sa paglalakad palabas ng Silid hinanap ko ang kusina.
" May gamit sa kusina walang Pagkain. " Sambit ko
Naupo ako sa upuan napahawak ako sa Korona sa ulo ko.
Napabuntong hininga ako ang laki ng problema ko. Wala akong maalala paano ako Magluto paano ako kakain?
Naglakad ako pabalik sa kwarto ko Pagdating sa loob gamit ang kapangyarihan ko. Pinanood ko kung paano mamuhay ang mga tao.
Marami akong nalaman may mga pagkain pala na mabibili ang problema paano ako makakabili ng pagkain?
Nahiga nalang ako natulog Hindi ko alam kung anong oras ako nagising purong kadiliman lang kasi ang nandito sa Palasyo may mga ilaw lang sa bawat sulok kaya maliwanag ang paligid.
Biglang nalang nandilim ang paningin ko nagising ako sira na ang Palasyo. Gulat na gulat ko kaya gamit ang kapangyarihan ko inaalam ko kung ano ang nangyari paano nasira ang Palasyo
" Tika! Bakit bigla ako nagwala sa galit? Bakit naman ako magagalit? Mag-isa lang naman ako Hindi kaya nasisiraan ako ng ulo? " Nagtataka na kausap ko sa sarili ko
Napabuntong hininga ako gamit ang kapangyarihan ko inutusan ko ang Palasyo na bumalik sa dati. Napapakamot sa batok na naglakad ako papasok sa Palasyo.
" Mas maganda siguro matulog nalang ako." Kausap ko sa sarili ko
*
*
Prince Oden
*
*
" Napatakip ako ng bibig pinigilan ko ang huwag matawa. Gamit ang Kapangyarihan ko Pinanood ko ang nangyayari sa Kapatid ko.
Maganda naman ang kalagayan niya inaalam nya ang nangyari sakanya pero hanggang sa isinumpa lang niya ang kanyang sarili hanggang doon lang. Dahil siguro sa sumpang kasalukuyang niyang pinagdadaanan.
Tahimik lang naman siya nakahiga sa kwarto natulog Paggising nya naglalakad lang naman siya tapos bigla nalang nagwala. Gamit ang Kapangyarihan niya sinira niya ang lahat ng nasa paligid niya.
" Hahaha! Oh poor princess. Mas tamang Sabihin Queen Griselda. Tatlong taong gulang lamang siya ng piliin siya ng Korona bilang Bagong Reyna. May sariling kapangyarihan ang Korona na pumili ng karapat-dapat na mag may-ari sakanya. Ang Korona kasi ay gawa mismo ng Diyosa ng Buwan. Ginawa ito ng Diyosa upang masiguro na Mananatiling mabuti at may busilak na puso ang Namumuno sa Witches kingdom Sa ngayon ang pumipigil sa sumpa ay ang bata sa sinapupunan ng Kapatid ko at ang Korona na suot niya. "
Grabe ilang araw palang ang bata sa sinapupunan pero unti-unting natatalo ang sumpang Nanalaytay saamin magkapatid. Nararamdaman ko ang unti-unting kawala ng sumpa sa katawan ko.
" Sana maisilang mo ng ligtas ang susunod na tagapagmana ng ating lahi. Huwag kang mag-alala mamaya pagtulog ng mga kasama ko. Pupuntahan kita dadalhan kita ng mga masasarapan na pagkain. Ang Sabi ko sa sumpa lahat ng may Buhay mamatay. Ang pagkain wala nang buhay kaya hindi naman ito magiging abo. Sisiguradohin ko na magiging maayos ang kalagayan mo." Piping sambit ko
" Hey! Bayaw! Kanina kapa para kang baliw na nakangiti ng walang dahilan. Nakapagluto na si Darcy ng inihaw na wild pig may sawsawan narin kain na tayo para makapag lakbay ulit ng Ilan Oras bago tayo matulog." Wika ni Ryxiel
Napalingon ako sa binata namumula ang kanyang mga mata.
" Pasensya na nag-aalala lang ako sa Kapatid ko. Magpahinga na muna tayo ngayon bukas ng maaga nalang tayo magpatuloy sa paglalakbay. " Mahinahon na tugon ko
Sabay-sabay kami kumain Napag-usapan namin na magpapatuloy kami bukas ng Umaga bago pumutok ang liwanag.
" Naalala ko! May ginawa saakin noon si Griselda. Sabi niya tango ako lang ang Makakalapit sakanya ng Hindi namamatay. Hindi ko naunawaan noon ngunit ngayon nauunawaan kona. Pagdating natin sa Kaharian nyo lalapit ako sakanya bilang Lobo. Hindi ako aalis sakanya tabi hanggat hindi siya bumabalik sa dati. " Seryoso na wika ni Ryxiel
" Talaga? Mabuti naman! Ang iyong Ama dahilan kung bakit naganap ang sumpa kaya mahaba-habang pahanon natin siya. aalagaan. " Nakangiti na wika ko
"Good luck gutom pa naman ang Kapatid ko. Mag-ingat ka baka ikaw ang gawin niyang haponan.." Piping sambit ko
" Prince! Oden magsabi ka ng totoo! Ang Korona sa Ulo mo, Wala akong masyado alam sa history ng pamilya nyo. Bukod sa May dugo kayo ng Demonyo." Nakakunot noo na wika ni Darcy
Napatigil ako sa pagkagat ng karne napahawak ako sa Ulo ko. Napatingin ako ng alanganin sa dalawa Nakakunot noo sila halatang galit. Pasemple ko kinapa ang korona sa Ulo ko Napangiti ako biglang lumutang ang Korona ko.
Kinumpas ko ang kamay ko lumitaw sa harapan namin ang kaganapan sa Palasyo
" Hayst paano niya nabigyan ng buhay ang Palasyo. Nagawang magmura ng Palasyo may Buhay na ito. Nagagalit ang Palasyo dahil paulit-ulit siya nisisira ng Reyna. Hayst nawala na naman siya sa kanyang sarili." Naiiling na wika ko
" Magugutom ako! Bakit hindi ako makalapit sa maliwanag na bahagi. May pagkain doon. Hoy! Palasyo! Bigyan mo ako ng pagkain tulad ng pagkain ng mga tao. Bakit hindi ako makaalis sa pesting Kaharian nato. Ang Laki-laki nga ang lawak wala naman Pagkain. Bigyan mo ako ng Pagkain babawiin ko ang buhay mo. Sisirain kita at gagawin abo. " Galit na galit na sigaw ni Griselda
" Tama nga ang hinala ko. May kapangyarihan kapa. " Kalmado na wika ni Ryxiel
Gumawa ako ng maliit na Portal pinasok ko sa portal ang natirang pagkain kalahating baboy ramo na inihaw at may tubig din agad ko din sinarado ang portal
Napapakamot sa Ulo na Nagpaliwanag ako sa dalawa.
" Ako ang kumuha ng kapangyarihan ninyong lahat. Ginawa ko yon para matanggap kami ng tatlong Kaharian. Sa totoo lang anak ng Principe ng Demonyo ang aming ama. Wala siyang pangalan dahil ayaw niyang magkaroon ng pagkakilanlan. Half demon ang aming ama half human. Si Ina Pure Witch to make stories shorts. Nag-alay ng buhay ang aming nasasakupan ang lahat ng Witches and Wizard para mapalakas kami. isinumpa din kami at tanging pagsilang ng sanggol ang makakatubos saaming magkapatid Sumpa ng isang daang libong Kalahi namin. Hindi namatay ang aming mga magulang. Nilamon sila ng Lupa at Apoy. Ang Korona ay nagpapanatali ng aming kabutihan at pagiging busilak ng aming puso. Gawa ito ng Diyosa ng Buwan. " Mahabang paliwanag ko
" Una palang wala naman talaga kasalanan ang Lahi nyo sa tatlong Kaharian. Bakit nahati sa dalawa ang Witches?" Seryoso na tanong ni Ryxiel
" May Witches kasi na may Dugo ng tao likas sakanila ang kabutihan. Ngunit kami ay may dugo ng kasamaan. Kami ang tunay at purong Witches. Masama naman talaga ang ating lahi. Lobo, Vampire, Witches lahat tayo ay nanggaling sa kasamaan. Natoto lang tayo makibagay sa mga tao. " Paliwanag ko
" Hayst! Oo na huwag nyo na ako tingnan ng masama nakakatakot kayong dalawa. Ito na ibabalik ko ang kapangyarihan nyo pero kayong dalawa lang. Tapos magligpit na kayo Uuwi na tayo sa valley. Gagamit nalang tayo ng portal pero babasbasan ko muna kayong dalawa para makapasok kayo sa Valley." Napilitan na sambit ko
Pumikit ako ibalik ko ang kapangyarihan nila
Tuwang-tuwa ang dalawa biglang namumbalik ang kanilang lakas.
Napailing nalang ako.
" Hindi talaga ako marunong magsinungaling. Pag-aaralan ko kung paano magsinungaling." yamot na sambit ko
" Paano namin haharapin ang Kapatid ko? " tanong ko sa aking sarili