Prince Oden
*
*
" Pinapanood ko ang unti-unting paglaho ng Kapatid ko kasabay ng paglaho ng usok na bumabalot dito. Habang unti-unting naglalaho ang Kapatid ko. Unti-unti din naglalaho ang kapangyarihan nilang lahat. Pumikit ako hindi nila napansin ang paglitaw ng Korona sa Ulo ko. Nagliwanag ang korona ko kasabay nito ang paghigop ng kapangyarihan ng lahat ng may Dugong Witches At Vampire. Kasabay ng paglaho ng Kapatid ko ang paglaho ng korona ko. Lihim akong napangiti
" Ito na ang pahanon para iparamdam sainyong lahat ang pagkakamali nyo. Hindi ko ibabalik ang kapangyarihan nyo hanggat hindi gumagaling ang Kapatid ko. Bago nyo marating ang aming Kaharian maglalakbay kayo ng ilang buwan. At tatawid sa dagat Kailangan nyo hanapin ang Nawawalang isla na kinaroroonan ng Aming Kaharian. Mananatili ako sainyong tabi upang masiguro na mahihirapan kayo. Ngayon nasisiguro ko na ilang buwan mula ngayon magsisilang nang Sanggol ang Kapatid ko. Kasabay ng pagsilang ng sanggol ang pagkatubos namin sa Sumpa. Ang tanong paano kayo nag-uumpisa. Bihag ng Wolf hunter ang Principe ng Bampira at wala kayong kapangyarihan. Ako lang naman ang nag-iisang kumuha ng kapangyarihan nyong lahat. " Piping sambit ko habang nakatitig sa nagkakagulo
" Naalala ko! Ama pinagtangkaan mo ng patayin ang Asawa ko! Hinding-hindi kita mapapatawad. Dahil sayo kaya siya nagdurusa, Kayong lahat ang tunay na masama. Masaya na ba kayo? Semple lang ang gusto ng Asawa ko. Ang tanggapin nyo sila at mamuhay ng Masaya tulad ng pangkaraniwan tao. Kinamumuhian kita Ama! Hinding-hindi kita mapapatawad! Saan ko hahanapin ngayon ang Asawa ko? Wala na tayong kapangyarihan! Paano ako makakarating sa nawawalang Kaharian ng Witches kingdom. " Puno ng galit na Sumbat ni Ryxiel
Naglakad ako palapit sa bayaw ko pagkalapit ko dito agad niya ako niyakap at umiyak na parang bata.
" May naitago ako na mapa papunta sa aming Kaharian. Ngunit mapanganib ang daan patungo doon. Kailangan natin maglakad ng ilang bundok at tumawid ng Dagat. Nakakapasok tayo sa Valley ngunit hindi tayo Makakalapit sa Palasyo. Ang aming Kaharian ay nasa Nawawala isla ng pilipinas. Hindi naman talaga nawala binura lang sa mapa at Tinago namin sa lahat ng nilalang. " mahinahon na wika ko
Humiwalay sa pagkakayakap saakin si Ryxiel nabuhayan ng loob sa narinig saakin.
" Anak patawarin mo ako." puno ng pagsisisi na wika ng Ama ni Ryxiel
Akmang susugurin ni Ryxiel ang kanyang Ama mabuti nalang napigilin ko
" Lahat naman tayo nagkakamali. Patawarin mo ang iyong Ama! Kung hindi kapa handang patawarin siya huwag mo nalang siya kausapin. Sana bahay ang mapa ang problema ang layo natin sa pinas. Wala akong kapangyarihan ang magagawa natin para mabalik sa pinas ay Sumakay sa sasakyan panghimpapawid." Mahinahon na wika ko
" Anong nangyayari bakit hindi ako makagawa ng portal?" Nagugulohan na tanong ng Half Wolf Half Wizard na beta ng Hari
" Bakit hindi ka nababahala sa nangyari! Naglaho ang Kapatid mo at nawalan tayong lahat ng kapangyarihan. " Tanong ng Hari ng mga Lobo
Ngumisi ako at bago sumagot
" Hindi naman makakalabas ang Crown princess sa Palasyo! Bakit naman ako matatakot? Buhay pa ako at malakas, Okay lang naman saakin kahit walang kapangyarihan. Masaya nga ako may pagkakataon na ako makapamuhay ng tulad ng pangkaraniwan tao. " Nakangiti na sambit ko
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya. Hindi naman nawala ang kapangyarihan ko. Kayang kaya ko bawiin ang aking sumpa sa Kapatid ko. Pero hindi ko gagawin iyon dahil may magandang Kapalit ang paghihirap niya.
Napatayo ako ng tuwid may naalala ako.
" Naku! Nakalimutan ko! Wala pala siya maalala! Mamatay ang lahat ng may buhay sa paligid nya. Patay! Paano siya kakain? Bago pa niya mahawakan ang pagkain magiging abo na ito. Paano siya maliligo? Kung wala siyang Maalala, Naku baka pumangit ang kulis ng Kapatid ko. Sabi ni Inang Reyna bago naglaho Alagaan ko ang Kapatid ko siguradohin makinis ang balat na parang baby. Dapat lagi siya amoy Rosas at hindi dapat mag-amoy pawis. Dadalawin na naman ako ni Ina sa Panaginip ko at papagalitan. Ayaw ko masilayan ang mukha niya. Nakakatakot naaagnas na tapos! Naku tapos na ako nito." Nababahala na kausap ko sa sarili ko
" Talagang Siraulo ka! Yan pa ang inaalala mo. Alam mong malayo tayo at aabutin ng ilang araw ang paglalakad bago. Makarating sa City." Naiinis na bulyaw ni Ryxiel
" Seryoso ang problema ko. Lahat ng may buhay mamatay, Nagiging abo bago makalapit sakanya. Paano siya kakain? Paano maliligo? Weekly kailangan niya maligo sa purong gatas ng hayop. Tapos Once a week dapat makababad siya sa Rose petals para mag-amoy Rosas siya lagi. Naintindihan mo ba? Magugutom ang Kapatid ko mumultohin ako ng Aking ina. Sasakalin na naman niya ako sa Panaginip ko." Nababahala na Paliwanag ko
" What the Heck? Nakalimutan ko baliw ka nga pala. " Naiiling na wika ni Ryxiel.
" Prince Oden sumakay ka sa likod ko mag-aanyo ako bilang lobo para mabilis tayo makarating sa City." Sabat ni Darcy
" Talaga? Hayst salamat! Pagdating natin sa pinas mamili ka ng Pagkain na babaonin natin sa paglalakbay. Siguradohin mong may sabon at shampoo ka. Huwag mo Kalimutan ang pang spray sa lamok. Damihan mo ang Alak." Seryoso na wika ko
" Tara na! Naiinis na ako sayo. " Yamot na aya ni Darcy
Lihim akong napangiti kahit anong gawin nila. Wala na silang magagawa kundi ang pagsisihan ang kasalanan ginawa nila.
May tinatanong pa sila saakin pero hindi ko na sila pinansin.
" May pagkain at inumin magdala kayo bago kayp umalis." Mahinahon na wika ng hari ng Bampira
" Paano maibabalik ang kapangyarihan namin?" Tanong ng Hari ng mga Lobo
" King Ezekiel! Makakabalik ang Kapangyarihan nyo kung gagaling ang Kapatid ko. Ang kapangyarihan namin ay nagmumula sa Principe ng mga demoyo, At Diyosa ng Buwan, Kaya nagawang mahigop ng Kapatid ko ang lahat-lahat ng kapangyarihan nyo. Walang nakaligtas sakanya! Vampire, Witches, Wizards, Wolf. Ito ang resulta ng ginawa nyo. Lahat ng nanggaling sa kadiliman ay kaya namin Alipinin. Kaya sana maging aral ito sainyo. Sa oras na mamatay kaming magkapatid magiging pangkaraniwan lang kayong Bampira at Lobo. Tatanda at mamatay. " Seryoso na Paliwanag ko
" Paano nangyari iyon?" Tanong ng Ama ni Ryxiel
" Isinumpa kami ng Isang daang libong Witches and Wizard. Kaya kapantay namin ang Kapangyarihan ng Diyosa ng Buwan. Maaaring maglaho ang kaluluwa namin ngunit magpapatuloy sa pagpaslang ang katawan namin at tuloyan itong magiging Demonyo na sasakop sainyong lahat. Ang kapangyarihan nating lahat ay nagmumula sa kadiliman. Huwag na kayo magmalinis. Kaya nga may mga Angel at Diyos ng mga tao. Diba? Hindi lang iisa ang Diyos, May Diyos ng Digmaan, Diyos ng mga Hindi pangkaraniwan nilalang tulad natin, May Diyos ng mga patay, Ang tatanda nyo na Bobo parin kayo. Malawak ang mundo at maraming hiwaga ang hindi pa natutuklsan." Naiinis na Paliwanag ko
Nanlilisik ang mga mata nila sa sinabi ko ngunit hinala ko na si Ryxiel at Darcy palabas ng Palasyo.
" Kakainis! May Diyos nga ng Tubig at hangin, Pati Apoy, Ang bawat nilalang ay may sariling Diyos. Hindi kayang Abutin ng isipan ng pangkaraniwan tao. Ang tatanda na nakakainis sila. Anong akala nila Iisa lang ang Diyos? Aba may Diyos nga ang mga tao na. " Naiinis na wika ko habang hila-hila ako ni Darcy
" Kaya may sariling Diyos ang bawat bagay dito sa mundong ito para sa kaayusan. at para protiktahan ang mga tao laban sa mga masamang nilalang tulad ng Anak ng kadiliman." Sambit ko
" Pasaway! Wala silang alam sa sinasabi mo. Ang alam nila Diyosa lang ng buwan." Tugon ni Darcy
" Ryxiel mas Malaki ka sayo ako sasakay." Wika ko
Napangiti ako ng magpalit anyo si Ryxiel bilang malaking Puting Lobo. Sumampa ako sa likod nito napakait ako sa leeg ng Lobo mabilis itong tumakbo palabas ng Bakuran ng Palasyo.
" Sigurado kaba na hindi mo sila pakikinggan?" Tanong ko kay Ryxiel
" Hindi pa ito ang tamang pahanon para mapatawad ko sila." Tugon ni Ryxiel
Napangiwi ako ang lalim ng boses ni Ryxiel. Nakakatakot ang boses niya parang boses ng halimaw. Nakakatakot siguro siya magalit.
" Pero mas nakakatakot ang boses ni Ama. Ikaw ba naman naging anak ng Demonyo." Piping sambit ko
*
*
Griselda
*
*
" Nagtataka ako na napatingin sa paligid ko. Unti-unting nagiging itim ang lahat ng puno pati ang mga hayop unti-unting nagiging abo. Namamatay lahat ng may Buhay na nakapaligid saakin.
Natatakot na napaatras ako napatingin ako sa malaking bahay.
" Ano ang bagay na yon? Bakit hindi namamatay ang bagay na yon? Tika sino ako? Bakit Wala akong Maalala?" nagugulohan na tanong ko sa aking sarili
Napapailing ako sinubukan ko alalahanin kung sino ako. Ngunit Wala akong maalala napatingin ako sa matayog na bahay. Dahan-dahan ako naglakad patungo doon. Nanlalaki ang mga mata ko sa bawat paghakbang ko Nag-iiwan ng itim na usok ang katawan ko. Nahahalo ito sa hangin at iyon ang nagiging dahilan kung bakit namamatay ang lahat ng may Buhay sa paligid ko.
Puno ng pagtataka ang bawat paghakbang ko. Napalingon ako sa maliwanag na bahagi napangiti ako sapagkat ang bahagi ng bahay na iyon parang may bumabalot na harang, May bahay at mga puno pati. May mga hayop din na nanginginain ng ligaw na bungang kahoy at damo.
Binalin ko sa malaking Palasyo ang paningin ko.
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. Habang nakatitig sa mga nilalang sa loob ng Palasyo nagmamadali ako sa paglalakad. Pagdating ko sa harapan ng Palasyo kinumpas ko ang kamay ko bumukas ang malaking pinto nito. Gamit ang kapangyarihan ko hinila ko ang isang babae palapit saakin. hinawakan ko siya sa leeg ngunit pagkahawak ko palang sa kanyang Leeg unti-unti na siya nalusaw. Napatingin ako sa mga tao sa loob Ang ibang nilalang napahawak sila sa kanilang leeg ang iba naman sinubukan lumayo ngunit hindi sila makalabas sa Palasyo.
" Princess Griselda patawarin mo ako. Nagsisisi na ako sa aking kasalanan. Labis lang ako nagmahal at nasaktan ng lalaking wizard na Pinakamamahal ko pinatay mo dahil sa sumpa. Nagtangka akong patayin ka ngunit bigla ako napadpad sa Lugar na ito. Mahal na Prinsesa pat----
Naputol ang pagsasalita ng babae bigla siyang naglaho naging itim na Abo ang buong katawan niya tinangay ng hangin ang kanyang Abo. Lahat ng nilalang na may buhay nalusaw silang lahat hanggang sa ako nalang ang natira.
" Griselda ang pangalan ko? At isa akong princess? Bakit nalulusaw sila? " Puno ng pagtataka na tanong ko
Dahan-dahan ako naglakad papasok sa Palasyo Hindi naman nalusaw, Kaya napagtanto ko na lahat ng may Buhay namamatay kasama nito ang mga Puno, Halaman, Lahat ng may Buhay.
Nakarating ako sa Malaking bulwagan naupo ako sa upuan sa pinakagitna magaganda ang mga desenyo ng Palasyo. Nakatitig ako s larawan namasabit sa Pader paikot sa bulwagan may kamukha ko na babae nakasuot siya ng Korona na tulad ng suot ko.
" Queen Mireya Vesper, Princess Griselda, and Prince Oden. Nakatitig ako sa lalaking katabi ni Mireya. Makisig ang lalaki ngunit may makausli na Maliit na sungay sa magkabilang noo nito.
" Ipakita saakin ang kaganapan sa Palasyo na to. Sino ako at bakit ako naririto?" Malakas na Sigaw ko
Biglang humangin ng malakas sa isang iglap nagbago ang paligid nakagulat pa ako ng biglang tumagos saakin ang batang babae
" Hahaha Ama, Kaya nga tinakwil ng iyong Ama dahil sa siraulo ka. Hahaha. " Sigaw ng batang lalaki
" Hahaha! Saan ka nakakita ng Demonyo na mabait? Dapat sa mga tao pinapatay." masaya na sigaw ng Batang babae
" Ang Ama ko ay Falling angel nag sisilbi sa Diyos ng mga tao. Kaya Kahit naging Demonyo ang aking Ama. Dati rin naman siyang naging Mabuti. " Mahinahon na wika ng Lalaki
" Sabihin mo nabighani ka saamin Ina. " Pagkasabay na tugon ng batang babae at lalaki
" Oden! Griselda! Maligo na kayo oras na ng haponan." Sigaw ng babaeng may suot na Korona
" May Kapatid ako? Ngunit nasaan sila? " tanong ko sa aking sarili