Beauty Behind the Veil
Naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan kung saan ako nag-aaral nang biglang may tumamang bagay sa aking ulo. Nakita ko'ng iyon ay mga nilukot na papel at 'yong iba naman ay mga pinag-bubuhol-buhol na panyo at bote ng mineral.May bumuhos din sa akin ng tubig. May bumato sa akin at hindi ko na alam ko'ng ano pa ang mga iyon. Nakayoko akong umiiyak sa sakit na natamo at hindi pinansin ang mga kapwa ko estudyanteng nakapaligid sa akin. Pinulot ko ang aking salamin sa cemento at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi sila pinapansin.
Sa labing walong taon ko sa mundong ito ay wala akong ibang naranasan kundi pangungutya at panlalait ng mga taong aking nakakasalamuha. Katulad ng iilan ay isa ako sa mga nakararanas ng diskriminasyon ng lipunan.Isa ako'ng pangit na nilalang na kung tratuhin ay kasuklam suklam. Hindi ko naranasan na magkaroon ng kaibigan sa paaralan dahil lahat ng mga kaklase ko ay pinandirihan ako sa aking anyo. Maitim, mataba, malaking ilong, makapal na labi at puno ng tigwayat na mukha.Mahaba at buhaghag na buhok ang mayroon ako.Nakausli na ngipin na hindi pantay na ko'ng tingnan ay matatakot ka talaga dito.Sa maikling salita isa ako'ng pangit at mukhang halimaw sa paningin nila.
"Ahhh,pangit! Dali,bilisan n'yo! kailangan natin siyang palayasin dito sa eskwelahan baka mahawaan pa tayo ng kapangitan niya!"wika ng isang babaeng estudyante na kasama sa mga nambato sa akin.
"Oo nga hindi siya bagay dito sa ating pinapasukan! Isa s'yang halimaw na dapat alisin dito.Hindi siya dito bagay, doon siya bagay sa gubat kasama ng mga mababangis na hayop kase mukha siyang unggoy!"sang ayon naman ng isa sa mga kasama nito.
Nagtawanan silang lahat. Sanay na ako kung tutuusin sa mga husga ng mga tao sa aking anyo.Subalit hindi ko pa rin maiiwasan na masaktan sa naririnig ko. Madali lang sabihin na hindi na lang pakinggan ang kanilang mga sinasabi,ngunit 'pag puso mo na pala ang nakaramdam, sobrang sakit.
Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may humablot ng aking buhok. Marahas ako'ng hinila dahilan para ako ay matumba.
Para ako'ng basahan na basta nalang nila winawasiwas ng mga kasamahan n'ya.Nabitawan ko ang mga librong hawak ko pati ang aking bag.Wala akong magawa dahil marami sila." Tama na, maawa kayo sa akin. "daing ko ngunit hindi nila ako pinakinggan. Hinihila nila ako palabas ng paaralan,ang sakit ng buong katawan ko dahil sa sementong nakadapat sa aking balat.Kahit anong sigaw ko sa kanila na tama n hindi pa rin sila tumitigil.Ramdam ko ang mga sugat sa aking balat dala ng semento. Para akong basura sa kanila na nakakadiri at nakakalason na dapat ng itapon para hindi makadala ng sakit.
"Bagay lang 'yan sayo,siguro naman madadala ka na niyan."anang isang boses ngunit hindi ko iyon makita kung sino.Pamilyar ang kaniyang boses ngunit dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ay nandilim ang aking paningin at para akong himatayin anumang sandali.
"Bitawan niyo siya!"may narinig akong boses ng isang lalake.Naramdaman ko ang pagbitaw ng mga grupong iyon sa akin. Maging ang mga yabag nilang papaalis ay dinig ko pa.
"Miss okay ka lang?" binuhat niya ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Nakikila ko ang lalaking tumulong sa akin at tinanggap niya ako sa kabila ng aking pisikal na anyo, siya ang una ko'ng naging kaibigan. Naging taga-pagtanggol ko ito.Sa kaniya ko naramdaman ang salitang 'malasakit'. Mabait s'ya at ang pinaka nagustuhan ko sa kaniya ay pinaparamdam n'ya sa akin na mahalaga ako at hindi isang basura kung ituring ng iba. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin.Hindi ko rin alam kung paano nangyari, ngunit basta nalang tumibok ang aking puso para sa kaniya sa unang pagkakataon.Hindi ko akalain na meron pa palang lalaki na pwede akong magustuhan sa kabila ng aking anyo,Hindi ko akalain na magiging masaya pa pala ang aking buhay na puro pait ng dahil sa kaniya.
Masarap pala sa pakiramdam na may isang taong handang magbigay sa iyo ng tunay mo'ng halaga.Maayos na sana ang lahat sa pagitan namin.Tanggap n'ya kung ano ako,marami kaming pangarap na binuo at masasabi ko na s'ya na ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Ngunit isang araw isang sekreto ang aking natuklasan na nagpabago sa aking buhay at buong pagkatao. Sekretong pumatay sa puso ko'ng nagmahal ng totoo.
" Wala ka'ng dapat ipag-alala,nakuha ko na ang tiwala niya at napaibig ko na rin siya.Mamaya sasabihin ko na sa kaniya na hihiwalayan ko na siya.Ti-nrabaho ko ang inutos mo dahil gusto kita,madali lang naman siya mapaibig. Gusto mo'ng magdusa siya hindi ba?Asahan mo'ng luluha siya sa sakit".sabi ng lalakeng pinagkatiwalaan ko.
"Magaling, kaya nga sayo ko ipinagkatiwala ang naturang plano ko.Ayoko'ng masira ang tiwala ng magulang ko sa akin, kaya kailangan ko'ng gumawa ng paraan para maging proud sila sa akin!"may bahid ng galit namang wika ng babae'ng kilala ko.
"Ginawa ko 'yon para sayo.. dahil gusto kita."napatakip ako sa aking bibig para pigilin ang paghikbi. Parang ako'ng pinagsukluban ng langit sa narinig. Ang lalaking lubos ko'ng pinagkatiwalaan ay gusto lang pala akong saktan,bakit ang lupit sa akin ng kapalaran?
"Tama! Dahil hindi siya bagay sa paaralang ito. Walang lugar ang tulad n'yang pangit, mahirap at halimaw dito.Wala s'yang puwang sa anumang parangal na ibibigay sa kanya ng paaralang ito dahil ako lang dapat ang bibigyan non'.Go, see her.Sabihin mo na sa kaniya ang totoo'ng motibo mo. Pagkatapos mo'ng magawa ang pinapagawa ko makakaasa ka'ng sayo na ako,hihiwalayan ko ang boyfriend ko. "maotoridad niyang sinabi sa lalaking pinagkatiwalaan ko.
Labis akong nasaktan sa nalaman ko,kaya mula ngayon pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak. Na magiging matapang na ako.Umalis ako sa lugar na iyon ng hindi nila namalaya.Puno ng luha at galit ang aking mga mata.
"Humanda kayo!aalis ako at pinauubaya sa inyo ang mga nais niyo! Pero babalik akong taas noo at mayroong titulo.Gagawa ako ng sarili ko'ng pangalan para hindi n'yo na ako masasaktan pa.Sana pala nakinig na lang ako sa mga taong alam ko'ng hindi ako sasaktan. Sana hindi na lang ako nagpumilit na makisalamuha sa mga taong walang ibang ginawa kundi saktan ako." Pinahid ko ang aking mga luha.
Dagli ko'ng kinuha ang aking cellphone upang tawagan ang taong makakaunawa at toto'ong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin'.Ito na siguro ang tamang panahon para baguhin ko ang sarili ko.
"Hindi mo na ulit ako masasaktan pa,minahal kita kase akala ko ikaw ang lalaking bubuo at tatanggap sa akin sa mga kulang sa buhay ko. Pero sinaktan mo lang din pala ako gaya nila. Darating din ang araw na ikaw na naman ang masasaktan, at sisiguraduhin ko'ng ako ang dahilan ng sakit na iyon."puno ng galit ko'ng bulong sa aking sarili.
"Hello,Cara?" isang buong desisyon at malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan.
"Pumapayag na po ako sa gusto niyo. Handa na akong baguhin niyo."