Nagising ako sa isang puting silid.Huli kong natatandaan ay nasa sasakyan pa ako kasama si Rina,at kuya Arman,pagkatapos ay lumabo na ang paningin ko. In-inspekyon ko ang buong paligid. May maliit na mesa, katamtamang laki ng sofa bed sa aking gilid . Hindi kalakihang kwarto pero maayos at mukhang malinis naman.May isang pinto sa kanang side ko,siguro iyon ay banyo. Sa bandang dulo ng kaliwang side ko naman ay may bintanang bahagyang nakabukas. Sa labas ng bintana ay tanaw ko naman ang maraming mga puno na tinatagusan ng papalubog na araw.
Sinubukan kong iinat ang kamay ko pero nakalimutan kong may nakakabit palang dextrose sa aking pulso.
"Rina.. "mahina kong tawag kay Rina. Nasaan na kaya siya.Sinubukan kong iangat ang likod ko para makaupo ng siya namang bukas ng pinto.
"Miss, gising na pala kayo.Kamusta po ang pakiramdam niyo?" si Rina, na kaagad lumapit sa akin. I can see relief in her eyes. "San ka galing? "I asked.
"Sa labas po,tinawagan ko po kase si kuya Arman, na dalhan kayo ng damit kapag makabalik siya. "
"Masyado po'ng nag-alala ang Tami,sa inyo."sinalat niya ako sa leeg at sa noo. Para siyang si Mama, noong nabubuhay pa ito. She's really caring.
"Mabuti naman at tuloy-tulot ng humupa ang lagnat niyo.Masyado mo kaming pinag-alala Miss. Teka, lagyan po natin ng unan ang likod niyo para po makaupo kayo."abala siya sa pagsikaso sa akin. Napangiti akong nakatingin lang sa kaniya. I thank Rina, for always there for me. Sa ilang taong magkasama kami. Ramdam ko ang mapagkalinga niyang presensiya. Sa kahit na anong sitwasyon, hindi siya nawawala. Palagi siyang naka suporta sa akin. Palagi niyang pinaparamdam sa akin ang kabutihan niya. Sa maraming taon na lumipas. Hanggang ngayon,hindi ko pa rin alam kung paano makabawi sa kaniya sa lahat.
"I told Mama Gina,na rin po na dito kayo sa hospital. Pupunta raw po siya dito, pero hindi sinabi kung anong oras."tumango lamang ako.Si Mama Gina, ay ang aking manager. Siya ang nag ma managed sa akin showbiz.
Matapos niya akong alalayang makaupo ay inayos din niya ang kumot ko. "Miss, gutom na po ba kayo? Kuha ko lang po kayo ng pagkain ah."akma siyang tatalikod ng tinawag ko siya.
Rina.. Thank you ha, for taking care of me..always. "I said with sincerity.Kunot noo itong humarap sa akin.
"Kayo talaga, wala po 'yon, kulang pa nga itong ginagawa ko sa inyo sa tulong niyo sa akin, noong wala akong matirhan at masilungan.Buong buhay ko pong tatanawin na isang malaking utang na loob ang ginawa niyong pagtulong sa akin non' Miss."aniya.
"Rina, nang makilala kita, hindi ko kailanman inisip na ibang tao ka sa akin.Para na rin kitang kapatid ,at kung ano man ang tinulong ko sayo noon. Matagal ka ng bayad,wala kang utang na loob sa akin. Ginawa na nga kitang alalay ko diba?" may halong biro kong sinabi. Ngumiti naman ito.
"Okay lang na maging alalay mo ako Miss, kahit forever pa, ang mahalaga kompleto naman ako sa benificiaries.. " panggagatong niya na sinabayan ng malakas na tawa.Nailing ako ,hindi ko namalayan na pareho na rin pala kaming tumatawa.Alam kong pinapagaan lang niya ang loob ko, at alam ko na tinatago lang niya katulad ko ang maiyak, habang pinag-uusapan namin ang nakaraan.
"Oh, ayan, tumatawa na ulit kayo. Huwag na tayong mag drama Miss, ah. happy lang dapat."pag chi-cheer niya.
"Sa labas nga po pala si Tami,tumawag raw kase ang pulis, tungkol sa nangyari sa kliyente niya.Pero 'wag po kayong mag-alala Miss, alam ko po na maaayos din itong problema ni Tami,magtiwala lang po tayo.. "
"Sana nga Rina.."sagot ko.
"Ano pong gusto niyong kainin Miss?" tanong niya ulit.
Tumingin ako sa orasan sa dingding nitong ospital.Mag-aalas sais na pala ng hapon at buong araw na akong walang kinain.
"Pakibalatan nalang ako nang orange Rin', "sumunod naman ito kaagad. Habang naghihintay sa orange ni Rina, ay bumukas muli ang pinto.
"Aw.. . my barbie is awake. "
Ngumiti ako ng malapad nang makita kong si Tami,iyon.
"Tami.. " tangi kong nasabi. lumapit ito sa akin at yumakap.
"How are you feeling? labis akong nag-alala nang tumawag si Rina,"
Naupo siya sa gilid ng hospital bed ko.
"Maayos na po,baka bukas pwede na akong lumabas. "wika ko.
"Nabanggit nga pala ni Rina, na tumawag daw sayo ang police, kamusta po ang pag-uusap niyo nang pulis?" gusto ko kaseng malaman kung bakit siya tinawagan. I'm worried about her.
Lumipat ang mga mata nito kay Rina, na naka peace sign na habang hawak sa kabilang kamay ang orange na binabalatan.
Napailing nalang na binalik ni Tami, sa akin ang tingjn.
"Ang daldal talaga nitong si Rina." aniyang nakangiti na rin.
"Tumawag ang police dahil lumabas na raw ang result nang autopsy ni Amy.."
she paused and held a deep breath. "And.. napag-alaman na walang kinalaman ang enhancement session na ginawa ko, sa pagkamatay niya." para naman akong nakahinga ng maluwag sa magandang balita ni Tami.
Ngunit sa kabilang banda ay na ko-curious naman ako sa tunay na dahilan ng pagkamatay niya. Gayunpaman, hindi ko na binalak itanong.
"Really Tami? magandang balita po ito.I told you! Alam kong Inosente po talaga kayo."
Malungkot itong ngumiti. "What's wrong Tami?hindi ka po ba masaya?"nag-aalala kong tanong.Maagap naman itong umiling.
"Of course, I'm so happy barbie.. Tami,is happy..Nalulungkot lang ako kase.. namatay siya sa sarili niyang mga kamay. "
"What? what do you mean Tami? Is she—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang dinugtungan niya ito.
"She killed Herself Iha, she commit suicide!" Nalaglag ang aking panga sa nalaman. "Oh my god!Why'd she do that?"
"She's pregnant.. "Tami, answered.
"Then, why did she killed herself kung ganoon? I thought she's already engaged na.. I don't see anything wrong for her being pregnant..Ikakasal na naman na siya. "sinabi ko kay Tami.
"'Yan ang hindi ko alam Iha, nere-respeto ko ang pagluluksa ng pamilya. Wala din naman akong karapatan na pakialaman ang kwento sa likod nang nangyari sa kaniya.Naawa lang ako dun sa bata. Napaka inosente pa niya para kuhanan nang karapatang mabuhay,hindi pa man ito nailabas tinanggalan na siya nang karapatan ng mismong ina niya."puno ng panghihinayang na sinabi ni Tami.
"There's something wrong Tami.She has a fiancé,pero baka po may malalim pa'ng dahilan kung bakit niya po ginawa yun."
Huminga ito nang malalim bago nagsalita. "Still, mali ang pa rin ang ginawa niya Iha.Panginoon lamang ang may karapatang kuhanin sa atin ang buhay na pinagkaloob niya. Wala tayong karapatang kitilin iyon,at higit na wala tayong karapatang kumitil nang buhay ninuman. " malungkot niyang sinabi.
Magsasalita pa sana ako nang bigla na namang bumukas ang pinto.At sa tanang buhay ko, hindi ko naisip na ang taong ayaw kong alalahanin ay ang siyang iniluwa.
Kinurap ko ang aking mata.Para linawin sa isip na nagkakamali lang ako ng nakita.
Nagtanggal ito ng mask niya sa bibig. At hindi ako na mamalikmata lang.He's real. He's here.
"Excuse me,I'm here to check the patient." check the patient?
He's proudly wearing a hospital gown.He's a doctor?Natupad pala talaga niya ang pangarap na iyon.
Ako kaya?kung natapos ko rin kaya ang pag-aaral ko non'natupad ko rin kaya ang pangarap kung maging isang Chef?siguro Oo. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko.. Pero dahil sa ginawa niya hindi ko na iyon natupad pa. He was my inspiration back then, inaamin ko na siya ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpursige,upang matupad ang aking mga pangarap.Nang makilala ko siya, mas ginanahan pa ako'ng mag-aral sa kabila ng kaliwa't kanang pangungutya sa akin ng kapwa ko mag-aaral.
He is my strength and hero then.Maliban sa Mama at Papa isa siya sa mga nag- pursige na akin na hindi hadlang ang aking pisikal na anyo, tungo sa aking mga pangarap.
Mama and Papa doesn't want me to enrolled in school,dahil gusto nilang sa bahay lang ako mag-aral. dahil ayaw lang nila na kutyain ako nang mga tao sa labas.Pero hindi ako nakinig sa kanila, nagpumilit pa rin ako'ng makisalamuha sa mga tao,nag-aral pa rin ako sa kolehiyo, walang nagawa si Mama at Papa, noon sa gusto ko.Mahal nila ako kaya kahit labag sa loob nilang sundin ang gusto ko ay napilitan silang pumayag sa kagustuhan kong mag aral. Sa unibersidad saan ako nag-aral, doon ko napatunayan ang sinasabi ng mga magulang ko,tama nga sila, magulo ang mundo sa labas, pag kakaiba ka sa paningin ng kapwa mo.Iiwasan ka nila na para bang may nakakahawa kang sakit. Doon ko naranasan ang lupit ng lipunan,kung sa hyskul ay naranasan ko na ang pagmalupitan..hindi ko inaasahan na masobra pa ang maranasan ko sa kolehiyo sa kamay mismo estudyanteng katulad ko.Nagpasya akong hindi na ulit tumuloy sa pag aaral dahil tanggap ko na sa sarili ko na hindi talaga ako yayakapin ng lipunan sa kabila ng pisikal kung anyo, I dicided to quit in college at sa bahay nalang ulit mag-aral like in my elementary days,but then, I meet dale,He changed my mind. Aniya, hindi ko matutupad ang pangarap ko 'pag nagtatago lang ako sa aming bahay. Sa labas ang lahat ng opportunidad na naghihintay sa akin, kung magsumikap at 'wag lang ako'ng magpapa-apekto sa mga sinasabi ng mga tao.Napakalaki nang naging impact niya sa buhay ko. Pakiramdam ko non'nagkaroon ako nang tunay at kauna- unahang kaibigan na handang sabihin, na kaya ko at 'wag kong susukuan ang pangarap ko. Ngunit ang hindi ko pala alam ay nabubulag na pala ako sa puro kasinungalingan niya.
At sa tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat nang sakit. Gustong-gusto ko siyang murahin ngayon ng sa ganun, maibsan ang sakit dito sa puso ko.
Galit ako sa mga ginawa niya sa akin,Galit na galit ako.
Hello...☺?