Kabanata 2 -familiar

3482 Words
After what happened ay hindi na ako umalis sa tabi ni Tami. Pinauwi ko nalang si Rina, at kuya Arman, ang aking driver, dahil malapit lang naman dito ang village na aking tinitirhan kay Tami. Wala naman ako'ng schedule bukas kaya tama lang na masamahan ko siya. Sinubukan ko siyang libangin sa panonood nang isa sa mga movie ko. Intitled 'My Old fashioned lady' Mukhang nag-enjoy naman siya sa panonood kahit pa ang totoo'y halos kabisado na niya ang linya ko at iba pang mga character's sa movie. After watching ay nag-initiate akong magluto ng Hapunan. Nagpatulong lang ako kay manang Pacing, sa paghanda ng mga sangkap. I cooked carbonara, Tami's favorite. Matapos ko'ng magluto ay niyaya ko nang kumain si Tami. Natuwa naman siya ng makitang nilutuan ko siya nang paborito niya. Nasa kalagitnaan kami ng hapunan ng magtanong ito tungkol sa taping ko kanina. " How's your taping pala kanina barbie, I'm sorry kung hindi ko man lang naitanong sayo kanina nang dumating kayo ni Rina. " nadamdaman ko na medyo gumaan ang loob nito. Hindi gaya kanina'ng dumating kami ni Rina. "Success Tami,nagawa ko'ng maayos ang last shoot ko.Nagyaya 'ngang mag- celebrate ang buong team na pinangunahan ni derik,pero nakiusap ako na kung pwede ay sa susunod na mga araw nalang.Because I have an important matter to do. And they understand naman. "I answered habang kumakain. Huminto ito sa pagkain at tumingin sa akin. "I'm sorry barbie, alam ko—" "Tami, wala kayo'ng dapat ipag-sorry. Kayo ang priority ko sa kahit na ano pa man. Hindi kayo, abala sa akin, lagi mo iyan tandaan. "I said with sencerity in my voice. She supposed to open her mouth again, pero tama namang tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ay nagmamadali ko'ng ni- slide the answer botton at nakangiting sinagot iyon. "Hello baby.. "masigla ko'ng sagot habang si Tami, naman ay nangislap din ang mata sa narinig. Umaliwalas rin ang mukha nito. Thanks for the Carbonara at sa tumawag ngayon. "Hi ate. How are you and Tami?" a baritone voice over the line said. "We're fine,Ikaw,kumusta ka? Inaalagaan mo ba ang sarili mo? "Sunod-sunod ko'ng tanong. I heard him chukled. "Good to hear that you two are fine. Ako rin, maayos naman ako dito ate.And yes,I always took care of myself." He answered. "Good. Alam mo naman na malayo ako sayo. Hindi kita maalagaan kapag nagkakasakit ka." mula pagkabata kase ay sakitin siya. Nang tumuntong ito ng hayskul ay doon lang nawala ang pagiging sakitin nito. Meron kase itong Asthma noong bata pa. Labas pasok siya ng hospital noon dahil kunting pagod lang nahihimatay na siya. He's a fighter. Nalampasan niya ang sakit niya. He's twelve ng pinagamot ni mama at papa ang kanyang asthma. " Don't worry ate, I'm a nurse, ako at kaya ko na ang sarili ko." "I know, pero iba parin na magkasama tayo. Wala ka'ng pamilya d'yan. "sabi Napabuntong hininga ito. "Ate, wag mo naman ako'ng ginagawang parang baby. Kung magkasakit man ako,mabilis din ako'ng gumaling dahil napapalibutan naman ako ng mga kasamahan ko'ng doctor dito at mga nurse. " at nangatwiran pa. Kelan ba ako nanalo sa lalakeng ito. Bawat yata payo ko sa kaniya, kung hindi niya kontrahin ay pinagtatawanan lang niya. I know, he just cared for me kaya ayaw niyang nag-aalala ako. Pero ang isipin na malayo kami sa isa't isa hindi ko parin maiwasang mag-alala. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Bakit ba kase hindi ka nalang umuwi dito sa atin. You can work here naman sa Pilipinas,oo nga at hindi ganun kalaki ang sweldo pero atleast magkasama naman tayo'ng tatlo ni Tami, I can afford to give our family needs.Marami narin naman ako'ng naipon sa pag-aarte ko at model." sabi ko pa dito.I heard bis chukled again. "Ate,listen.Alam ko na gusto mo'ng magkasama na tayo. Kaya nga ako tumawag ngayon e, kase I have good news. Actually, I just called to inform you that I'm coming home so soon." hindi kaagad ako nakahuma sa kaniyang sinabi. Napatingin ako kay Tami, na tila naghihintay at nakatingin din sa reaksyon ko. Nilapag ko ang tinidor na hawak ko at nilipat sa kabila ko'ng tainga ang cellphone." What did you say again? I asked him. Baka kase nabibingi lang ako. He told me often na wala pa siyang balak magbakasyon dahil nga sa hindi niya maiwan ang trababo niya. Kung hindi ko lang siguro siya kilala, iisipin ko na may iniiwasan siya dito sa Pilipinas. Huli naming pagkikita ay noon pa'ng graduation niya sa Japan, doon ito nag-aral ng college. Pagkatapos ay tumulak ito ng Amerika para doon mag-intern sa isang hospital. Naging ganap itong nurse at doon na rin nagpatuloy sa kaniyang trabaho sa hospital, kung saan ito naging intern noon. Dalawang taon na kami'ng hindi nagkikita dahil gustuhin ko man bumisita sa kaniya sa America, hindi naman ito papayag na bisitahin siya. Ang gusto nito ay siya na mismo ang uuwi sa Pinas. I know, ayaw niya lang mapahiya sa mga ka trabaho dahil pakiramdam niya kase ay masyado ko siyang beni-baby. I just wanted to express my loved for him as his sister. Dalawa lang kaming magkapatid at gusto ko lang iparamdam sa kaniya ang pagiging ate ko, pero ayaw niya.I respect his decision na hindi na siya dalawin at hintayin nalang itong umuwi dito sa Pinas. And now, mukhang dininig na ng diyos ang prayers ko na sana ay umuwi na siya. Next month na ang birthday ko at gusto ko'ng kompleto kami'ng tatlo ni Tami. "Are you serious?" ayaw ko kase'ng pinapaasa niya ako. I've been there. "I really missed you and Tami, how can I not be serious ? " he answered. Namilog ang mga mata ko'ng napatingin kay Tami. "Oh, we missed you too.I am so glad that you're coming home na." maluha-luha ako'ng ngumingiti habang nakatingin kay tita. "Here's Tami, she want to talk to you.Kayo na muna ang mag-usap I need to go to the restroom. "I excused kahit hindi naman totoo'ng mag cr ako. Binigay ko kay tita ang phone ko.Tila naunawaan naman niya ang pinupunto ko kaya maagap naman niyang kinuha ang cellphone na inabot ko sa kaniya. Sinagot nito ang nasa kabilang linya. "Hello,Bryan Iho, how are you?" may kislap sa matang bati ni Tami dito. Hindi ko napigilang maiyak dahil uuwi na siya. Ayaw ko'ng magkahiwalay pa kami. Kung bigyan lang ng pagkakataon na dito na siya magtrabaho, isang malaking pasalamat iyon sa akin. "Really? Oh,nice to hear that hijo.Tami can't wait na dumating ang araw na iyon,mamasyal tayo pag nakauwi ka na okay?" Marami pa silang napag-usapan ni Bryan,at naputol lamang ng magpaalam si Bryan na matutulog muna. Umaga kase sa America ng mga oras na iyon at kauwi lang niya mula sa trabaho. "And you're crying again.You should be happy dahil uuwi na ang kapatid mo. " Si Tami, na nakangiting binalik sa akin ang cellphone ko.Malamang na nasanay na siya sa akin dahil pagdating kay Bryan napaka iyakin ko. I just missed Him so much kaya ako naiiyak. Two years kami'ng hindi nagkita at sobra ko na itong na missed. " Tami... " I pouted like a baby. "Oh, that boy...you really loved Him. "she said. "Yes, and It's tears of joy Tami, I'm just so happy to hear that he's coming home."I replied. " And let's pray na sana he will staying here na for good kagaya nang palagi mo'ng sinasabi. " "Yes Tami, mas makampante ako kapag narito siya.He can take care of His self, I know that. Pero iba pa rin 'yong magkasama tayo'ng tatlo." "Kaya mahal na mahal ko kayo'ng dalawa, dahil maayos talaga ang pagpalalaki sa inyo ni ate Loreana. Lumaki kayo'ng mababait,malapit sa isa't isa at mapagmahal na mga bata. Laking pasalamat ko sa kaniya dahil binigyan niya ako ng mga pamangkin gaya ninyo." Akala ko ay hindi siya bibigay pero kagaya ko ay mababaw din ang kaniyang luha. Tumayo ako para lapitan siya. I hugged her. "And thanks to you Tami,dahil kung wala ka hindi namin alam ni Bryan, kung saan kami pupulutin." Hindi kami mayaman.Simpleng buhay lang ang buhay meron kami noon. Nang kasama pa namin si Mama at Papa natuto kami'ng pahalagahan ang mga biyayang aming natatanggap.Pinalaki nila kami ni Bryan nang maayos. Sana nandito pa sila para masilayan nila kung paano kami naging matagumpay ni Bryan ngayon. I missed my parents. Humiwalay ako sa yakap namin ni Tami. I surveyed her lovely face. Dinama ko ang pisngi niya at ginunita ang tao'ng una ko'ng nakikita sa kaniya. "Alam niyo po ba na 'pag nakatingin po ako sa mukha ninyo, nakikita ko sa inyo Mama? Hindi lang kayo magkapatid,dahil magkatulad din kayo nang ugali." "Cara. " "At kung meron man po'ng dapat magpasalamat sa atin, ako po iyon.Kase binigyan kami ng Tami, na gaya niyo, malaki po ang naitulong niyo sa akin.Binago mo ang etsura ko,binago niyo po buhay ko. Kung dati ay kinakatakutan ako ng karamihan. Ngayon po ay hinahangaan na. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang pangit at mukhang halimaw dati ay isa ng artista ngayon? Kung wala po kayo, wala ako ngayon sa kung saan ako, kami nang kapatid ko." hinawakan niya ang kamay ko. "Iha,alam mo ba kung ano ang pinaka nagustuhan ko sayo, Ito. "sabay turo niya sa puso ko. "Kahit na maraming nagbago sa iyo. Hindi pa rin nawawala ang dating ikaw.An innocent girl, with a humble heart." "Hindi na po ako kagaya ng dati. Marunong na po ako'ng lumaban ngayon." malungkot niya ako'ng tinitigan. "Alam ko na meron pari'ng galit sa puso mo sa para sa mga taong nagkasala sayo ng malaki hija. Pero subukan mo silang patawarin at ituon mo ang iyong atensyon sa magandang nangyari sayo. Hindi mo dapat inaalagaan ang mga masasakit na alala d'yan sa puso mo. " Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam Tami, pero ang sinasabi n'yo ay mahirap po'ng gawin. Oo matagal na po'ng nangyari 'yon, pero may marka na dito."sabi ko at tinuro ang aking puso. "Marka na hindi na maghihilom.Kung maghilom man, hindi ko masabi kung kailan ." "Pero Iha, hindi ka magiging ganap na masaya kung may galit d'yan sa iyong puso, na hindi mo pa pinakawalan. Ito lang ang tandaan mo, hindi masama ang magpatawad sa mga nanakit sa atin. Ganyan talaga ang buhay,nasasaktan at masasaktan tayo dahil kailangan. " "I don't know Tami, but for me, it takes more time para magpatawad."malungkot ngunit may pang-unawang tinanguan niya ang tugon ko. ******** Kinabukasan ay maaga kami'ng nagising ni Tami, para sa paghaharap nila ng pamilya ng kliyente n'yang namatay. I felt nervous ,habang nasa byahe kami tungong police station and I don't know why. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Simula nang binago ko ang aking pisikal na anyo, ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob at tiwala sa aking sarili.Pero ngayon hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Iha are you okay? " Tami, tap my shoulder kaya napalingon ako sa kaniya. "Y-yeah of course Tami, iniisip ko lang kung ano ang mangyayari 'pag nagkaharap na tayo ng pamilya ng naging kliyente niyo. I'm hoping na magiging maayos ang lahat. "alibi ko habang nakatingin sa kalyeng aming dinadaanan. "Ganun din ako Iha.Sana maging mahinahon lang ang kabilang panig para hindi na lumaki pa ang gulo. The girl's family is calm to talk with, but the boyfriend... He is mad at me, even though hindi pa naman alam kung ano talaga ang ikinamatay ng naging kliyente ko." umiiling nitong sinabi. "Maybe the boyfriend is in state of mourning tita,that's why. And maybe he really loves he's girl so much." I replied in a low voice. "Yeah maybe,and I understand Hi., still sa kabila ng ginawa niya kahapon." she said. Mukhang panatag na rin ito, alam ko na kahit paano ay nakatulong ang mga pampalakas loob ko'ng sinabi sa kaniya kagabi. Dagdag pa ang pagtawag ni Bryan. Mas pinili na rin namin na 'wag nang banggitin sa huli ang tungkol sa isyu ni Tami, cause I know, maayos din ito kaagad. I will do everything for Tami, alam ko'ng wla siyang kasalanan sa nangyaring insidente. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa police station, kung saan magkikita si Tami, at ang complainant. Parang nadagdagan pa ang kabang naramdaman ko ng naapak ko na ang paa ko sa intrada ng presinto. Wala sa loob ako'ng napahawak sa malakas na kabog ng aking dibdib. "Good morning, Ma'am, "bati ng guardiya sa amin na nakatayo sa intrada. "Good morning." sabay nami'ng bati ni Tami. Tipid ako'ng ngumiti dito ng mapansin ko na di maalis na titig nito sa akin. Para ba'ng nag-iisip ito kung saan niya ako nakita. "Miss, diba po kayo si Cara Laureen Del Castillo, iyong sikat na artista?" pagkuwa'y naitanong niya. " Ako nga po. "I humbly replied and smile. " Ma'am, ang ganda -ganda niyo po pala, lalo na sa personal. Idol po kayo nang bunsong anak ko Ma'am. Para daw po kase kayo'ng barbie at totoo nga at ang galing niyo pang umarte sa Tv." muli ako'ng napangiti sa kaniyang sinabi. Tumikhim si Tami. "Mukhang kailangan mo muna'ng intertain-in ang fan mo Iha, paano at mauna na muna ako sa loob .Tawagan o text mo nalang ako mamaya." she excused herself at nauna na itong pumasok sa loob. "Ang ganda niyo po talaga Ma'am. "sabi ulit ni manong guard nang makapasok na si Tami. "Salamat po, pakisabi na rin po sa anak ninyo na masaya ako dahil isa ako mga iniidolo niya." magalang ko'ng saad dito. "Naku Ma'am, matutuwa po iyon sigurado kapag nalaman niyang nakita ko kayo sa personal." masayang wika naman niya. "Ma'am, pwede po ba ako magpalitrato sa inyo Ma'am? Para po makita nang anak ko." humugot ito ng cellphone sa kaniyang bulsa. "Sure po.." nakangiti ko'ng sagot dito. "Ay Ma'am, pangit po kase ang selpie ng kamera ko, tatawag lang po ako ng kukuha ng litrato natin ha. Pasensiya na po". nakaunawa'ng tinanguan ko ito. Kapag nakikita ko ang saya sa mga mata ng aking mga tagahanga, napapalitan ng saya ang aking puso. Kung ang dating etsura ko kaya ang meron ako ngayon, patuloy pa rin kaya nila akong huhusgahan? Tatanggapin kaya nila kung dumating ang araw na malaman nila ang totoo'ng mukha sa likod nitong maganda ko'ng anyo? Malamang ay hindi. Baka nga tawagin pa nila ako'ng salot, dahil sa katotohanan walang puwang ang mga tulad ko'ng pangit sa mundo'ng mapanghusga. "Meron po'ng parating Ma'am, makikisuyo nalang po ako." hindi umabot sa taenga ang ngiti ko kay manong sa kaniyang sinabi.Gumilid nalang ako para hintayin ang taong palapit na ayon sa kaniya'y pakisuyuan niyang kukuha ng litrato. Malapit na sana ako'ng makaramdam ng inip ng biglang bumalik ang lalake sa kotse nitong nakaparada, alam ko'ng kailangan ako ni Tami, sa loob pero hindi ko rin matiis na iwan si manong na walang gusto kundi ang pasayahin ang anak niyang naghihintay sa kaniya. Mabuti nalang at mabilis din nakabalik ang tao. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero, sinipat ko pa ang suot ko kung maayos lang ba. Maybe, dahil mukhang desente'ng tingnan ang tao'ng papalapit. "Sir, mawalang galang lang po.Pwede niyo po ba kami kuhaan ng litrato nitong si Ma'am." suyo ni manong sa lalake ng makalapit. Naunang napansin nang mga mata ko ang hawak niya sa kaniyang kamay. It's a cellphone, iyon pala ang binalikan niya sa kaniyang kotse. "Sure, no problem! " a familiar voice of a man in front of us said. Napalunok ako nang marinig ang boses nito. Hindi pwede'ng nagkakamali ako ng narinig. Minsan ko nang narinig ang ganu'ng boses. At kahit kailan, hindi ko makakalimutan. Kahit pa gustuhin ko mang kalimutan, para na itong musika na kung kelan nais tumugtog ay tutugtog ulit para lang ipaalala'ng nag-e exist pa rin siya at hindi kumukupas. Nais ko'ng makasiguro kaya pigil hininga ako'ng nag-angat ng tingin sa deriksyon niya. Samo't saring imosyon ang bumalot sa aking puso ng masiguro ko'ng siya iyon. Naroon ang galit, pagkamuhi at sakit.Sadyang maliit nga talaga ang mundo. Nang magtagpo ang aming mga mata. Bakit sa ganito'ng pagkakataon ay hindi ko pa rin kayang tapatan ang titig niya? Matagal na panahon nang binura ko siya sa puso ko. Pero bakit hindi siya kayang tingnan nang mga mata ko? Dahil ba sa muhi'ng naramdaman ko sa kaniya? O dahil sa mga pangako ng kasinungalingang pinaniwala niya sa akin na huwad naman pala. Maraming taon na ang lumipas ngunit ang makita siya, ay nandidito pa rin ang sakit. Sakit sa ginawa niyang pang-gagamit sa akin para sa sarili niyang kaligayahan. "Ma'am, Sir..?" Napakurap ako ng tatlong beses ng mapansin na nasa pagitan namin si manong guard. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa. I composed myself, and give manong a fake smile, dahil hindi ko na magawang ibigay dito ang kanina'ng totoo'ng ngiti ko dahil sa lalakeng nasa harapan ko. " Magpalitrato na po tayo, I need to go inside na kase." walang emosyon ko'ng sinabi kay manong. Mabuti nalang at hindi nito pinansin ang pagbago ng mood ko. "Ah, Opo Ma'am,kayo nalang po'ng dalawa ni sir ang hinihintay ko. " tila nahihiyang sinabi nito. Nag-iwas ako dito ng tingin at patay malisyang tumikhim. "Sir, ito po celpon ko.Paki-picture naman po kami nitong si Ma'am, ." he then gave him,the phone na tinanggap naman niya. Ngumiti ako ng pilit bago pa man mag- click ang camera. Hindi niya kaagad binalik ang cellphone ni manong. Che-neck niya muna ito na parang prossional photographer kung perfect na ba ang kuha o hindi. "Ayon! sigurado po'ng matutuwa ang aking anak sa ipapakita ko sa kaniya mamaya Ma'am, salamat po talaga at sa inyo rin Sir, salamat. " manong happily said and without warning ay kinuha nito sa kamay ng lalake ang kaniyang cellphone. Hindi ko na iyon pinansin. Sa halip ay kumuha ako sa aking bag ng isang souvenir, na malimit ko'ng ibigay sa aking mga fans. A hand made bohemia cotton bracelet , na may stitch name na Cara sa gitna. Gawa ang bracelet ng mga bata at mga kaibigan ko'ng madre sa foundation. "Manong, here, a simple souvenir,for your daughter ." manong smiled from ear to ear habang inaabot ang binigay ko. "Ma'am salamat po, sigurado po ako matutuwa nito ang anak ko. Hindi lang po pala kayo maganda, ang bait niyo pa pagpalain po kayo ng diyos Ma'am." Sa huling pagkakataon ay nginitian ko nalang ng pilit si manong. Pagkatapos ay tumalikod na ako para pumasok na sa loob. Walang lingon ako'ng naglakad ng mabilis sa hallway ng presinto. I dialed Tami's number, pero hindi ko ito makontak. I texted her na rin para malaman niyang nasa loob na ako. "W-wait, Miss." napasinghap ako at nahinto sa paglalakad ng marinig muli ang kanina'ng boses. I calm myself, Ilang buntong hininga ang ginawa ko at piniling magpatuloy sa paglalakad ng hindi pinansin ang tawag niya. With a trembling hand. I tried to dial Tami's number again pero she's out of reached. Ang liit naman nitong presinto pero bakit hindi ko makita si Tami? Tila umayon pa sa tyempo ang pagkawala signal ni Tami. Kapag minamalas ka nga naman. "Miss, Miss!" ayoko pa rin sana'ng pansinin ang tawag niya at nagpatuloy pero napahinto ako ng walang paalam niyang hawakan ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. Nag-angat ako dito nang tingin. "Yes? " I said, ngunit labis ko rin pinagsisihan ng magtagpo ang aming mga mata. "I.. :" nainis ko'ng pinukol ito ng tingin. "Look mister, I am a busy person, at kung wala ka namang sasabihin 'wag mo' ng aksayahin ang oras ko. And let my hands off ! Hindi kita kilala. We're not even close. " tila napahiya naman niyang binitiwan ang kamay ko. "I am sorry .. I just, I just wondering.." aniya na hindi pa rin nagawang alisin ang titig sa akin. Lahat ng tatag meron ako ay pinagsama ko na nang mga sandaling iyon mairaos lang ang paghaharap naming dalawa. "I just, I just wanna asked you, If.. we already met..before?" para ako'ng nawalan ng hangin sa dibdib sa tanong niya. Bakit naman niya iyon nasabi? Imposibleng makilala niya pa ako. I calm myself again. Nang pakiramdam ko na kaya ko ng magsalita ulit ay binuka ko ulit ang bibig ko. " I am pretty sure, we haven't met before. " I confidently answered. I look straight in his eyes. I can see disappointment? For what? "Pasensiya sa a Abala Miss. You look familiar to me, and happened to remind me of someone, kaya tinawag kita ." mahinang sinabi n'ya na nakapag pahigit ng aking hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD