Shy (POV) Hindi muna namin pinag trabaho si Ateng Carla ng tatlong araw para makapag pahinga siya pero sobrang kulit niya, lagi siyang nasa tabi ko at higit sa lahat ay napaka sweet niyang bakla lalo na kay Lola. "Misis na maganda, halika na at gupitan na natin yang buhok mo." Nakangiting sambit niya na hawak ang gunting suklay at cape. Handa na rin ang uupuan ko. Dahan-dahan ang pag lapit ko sa kanya at binitawan niya muna ang mga hawak niya. Tinulungan niya akong umupo at nang maayos na ang pagkaupo ko ay nilagay na niya ang cape sa aking leeg. "Ayoko sanang gupitin ang buhok mo dahil bagay na bagay saiyo pero mahihirapan ka kapag nanganak ka na." Sambit niya na sinusuklay ang mahaba kong buhok. Ilang saglit ay naramdaman ko na ang pagtunog ng gunting. Tahimik lang ako habang ginugupi

