Shy (POV) Maaga akong nagising, inalalayan ako ni Ate Carmi sa pag punta sa banyo para sa aking pagligo dahil napakalaki ng aking tiyan at sa takaw ko na kumain ay lumaki narin ang aking katawan. Lahat na yata ng parte ng aking katawaan ay lumaki kasama pati ilong. Nailagay na ni Ate ang uupuan ko sa Loob shower. Timba at tabo ang gamit namin sa aking pag ligo para hindi mabasa si Ate. "Halika na buntis, handa na ang paliguan mo." Sabi ni ate na palabas sa shower room na walang tub. Lumapit siya sa aking para tulungan na alisin ang pang ibaba ko, kaya ko na man na ibaba ng konti pero nahihirapan na akong yumuko. "Alam mo , ngayon lang ako nag alaga ng buntis na lima ang anak. Bilib naman ako sa sperm ng ama ng mga anak mo, nag sure ball talaga." Sambit ni ate na inaalis ang hook ng aki

