CHAPTER 19 :

1630 Words
" CAV'S A.K.A. LUPIN MOVE " "BHIE, sandali lang. Huwag mo akong iwanan dito."    sabi ni Cav habang dinudumog siya ng mga babae  kaya hindi makaalis-alis sa kinalalagyan niya. "Bahala ka diyan!"   mataray na sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Argch! Bahala ka diyan sa buhay mo. Wala akong care sa taong nagngangalang Cedric Andrew Villanueva! Panira ka ng moment. Lagi ka nalang umeeksena kapag magkasama kami ni Eisen. Huhu. Kung makaasta at kumilos ka naman, feel na feel mong boyfriend kita. Ni katiting na pagkagusto, wala akong maramdaman sa'yo! At hindi ko rin nararamdaman 'yung pagnanasa sa'yo tulad ng mga baliw mong fans na kulang nalang lumuha ng diamond. Chos! Argch! Nakakatanggap na ako ng mga threats ng dahil sa'yo! Buti nalang panatag ako na okay sa alright ako. Dahil sa mga bodyguards kong hanep sa galing na magtago. Ni hindi man lang mahuli ng mata ko kung na saan sila. Samantalang sila, bawat kilos at galaw ko, kitang-kita nila. Mukhang sa CCTV sila pinaglihi. "Sam!" Napalingon ako at napaatras nalang. "He-Hello?"    ngumiti ako at itinaas ko ang isang kamay ko ng bahagya. "Sam, sabay na kami sa'yo sa cafeteria. Puwede ba?"    tanong ni Mira. Si Mira 'yung BSHRM na babae na unang nagpa-picture sa'kin nung nakaraan. Haaay, parang ang bilis ng araw. Sana, kahit isang araw lang bumagal 'yung takbo ng oras kapag kasama ko si Eisen. Enebeyen, kinikilig na ako ngayon palang. harhar! "Sure, the more the merrier di ba?"   ngiting sabi ko sa kanila. Lima silang magkakaibigan na lumapit sa akin. Pero hindi ko na matandaan 'yung mga pangalan nung iba. Lutang kasi ako nung araw na nagpakilala sila sa akin at nagpaalam na gagawa sila ng club na susuporta daw sa akin. Humirit pa nga ako na kaming dalawa ni Eisen ang suportahan nila. Kaya ayon.. nabuo ang club na SamEisen Lovers Club. Kinikilig naman ako nung time na 'yon. Nagpipigil nalang ako, mahirap na baka mahalata nilang kinikilig ako. 'Yun nga lang nung pinipigil ko 'yung pagkakilig ko, bigla akong nakaramdam na parang gusto ko ng pumunta ng Rest Room. Dahil na gi-jingle bell all the way ako. I mean, naiihi na ako. Si Mira ang President ng Club at 'yung friend niyang kasama niya nung una ko silang makilala ay ang Vice-President. Siya ay si Reynalene na bestfriend forever ni Mira. Magkakasama kaming pumunta ng cafeteria. 'Yung parang triplets kong friends ay may mga pinagkakaabalahan. May mga sinalihan na kasi silang club, at may try out daw sa volleyball kaya ayon, iniwan nila ako kay Cav. Sa dami ng tao sa mundo na pupuwede nila ako iiwan, doon pa nila ako iniwan. Kay Lupin pa talaga.. argch! "Sam, may sport club ka ng sinalihan?"   tanong sa akin ni Reynalene. "Wala pa, hindi ko pa alam kung ano sasalihan ko."   sagot ko. "Ah, ganoon ba, okay."   sabi niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami cafeteria. Dahil sa pagdaramdam ko na hindi ko man lang nakakausap ng matagal si Eisen. Ikinain ko nalang ang sama ng loob ko, ang inis na nararamdaman ko kay Cav the Lupin. "Sam?" "Uhhm..hmm?"   tiningnan ko sila. "Okay ka lang ba?"   tanong nung isang babaeng hindi ko alam 'yung name. Tumango nalang ako bilang pagsagot sa tanong niya  na okay at maayos ako. "Kain ba 'yan?" "Parang hindi na yata." "Lamon na 'yan, eh." "Baka tumaba si Sam niyan!" "Pigilan mo." "Eh, ikaw na." "Ikaw na nga lang." "Ayoko nga, baka magalit pa sa akin." "Lalo na sa akin no!" "Ikaw na lang kasi." "Ayaw.." "Ano ba!" "Sabay-sabay na nga lang kaya tayo?." "Good idea." "Sino ba makapal mukha dito para siya nalang pumigil?" "Oo nga, hindi ako pabor kung lahat tayo. Baka isipin niya, pinagkakaisahan natin siya." "Hindi ako." "Lalo namang hindi ako!" "Eh, iisa lang naman makapal mukha dito, si..." Habang 'yung limang magkakaibigan ay abalang-abala. Ako? ayon.. sige lang ng sige sa pagkain ng pagkain. "Tapos na ba kayo?"   nagsalita na ako. Napatingin sila sa akin at napanganga nalang. "Anong itsura 'yan?"    tanong ko dahil bukod sa napanganga sila, lumaki pa ang mata nila na gulat na gulat talaga. "Sam?" "Hmmm?"   napa-hmm nalang ako habang pinupunasan ang labi ko. "Talagang ikaw lang umubos niyan?!"   hindi makapaniwalang tanong ni Mira sa akin habang nakatingin sa table. "Oo naman."   proud ko pang sabi. Kumain lang naman ako ng dalawang order ng spaghetti. Ice tea, kwek kwek na halagang 100 pesos. At isang order na bentelog (tocino, hotdog at kanin.) Laughtrip sa mga itsura ng limang tao na nakasama ko sa cafeteria. Dahil sa pagkarami-raming pagkain na kinain ko. Hindi na nila ako nagawang tanungin pa.  Natakot siguro na baka pati sila ay makain ko na rin. Hindi lang basta kain ginawa ko, lamon na kasi 'yon, Lamon na! Nang tapos na ang break time namin, nagpaalam na rin ako kina Mira at Reynalene pati sa tatlo pa nilang kasama. "Thanks, next time ulit guys."   paalam na sabi ko at kumaway na sa kanila. "Okay, salamat din Sam."   nag-wave rin si Mira. "Wala 'yon, ikaw pa! Malakas ka sa amin."   sabi ni Reynalene na nakuha pang kumindat. Haha! Nakakatuwa talaga sila. Ngumiti ako sa kanila, 'yung tatlo nag-wave nalang sa'kin. Siguro dahil sa nahihiya sila sa akin. Pero dapat hindi na sila mahiya pa sa akin di ba? We're friends na, so nothing to feel ashamed. Pagbalik ko ng room, hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Eisen na nasa kanyang upuan. Tamang-tama wala 'yung asungot na Lupin na 'yon. Simula ng ma-discharge siya, ang laking epal niya na sa buhay ko. Nakakaasar na nga siya. Alam ko at feel kong ginagawa niya 'yon para inisin si Eisen. But hello? Ako lang naman ang mas naiinis na sa kanya. Ang sarap niyang iligaw sa gubat at iwanan nalang doon.  Oops! Sam, nag-iisip ka na ng masama sa iyong kapwa. Masama na 'yan! At kasalanan na 'yan. Nung nasa upuan na ako, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko nga, may drums na pini-play sa puso ko. Makisama ka puso dahil baka ikaw pa 'yung maging dahilan na hindi ko makakausap si Eisen. "Ah, Eh-Eisen, hello?"   ako unang nag-approach sa kanya, s'yempre ako 'yung duma'the moves! "Hello din Shirley."   makatunaw puso niya akong binati at nginitian. Wushu, I feel like I'm in heaven now, because of Eisen smile that gives a light in my world. "Kumusta ka na?"   pag-uumpisa ko ng conversation naming dalawa. "Okay naman kasi kausap na kita, pero mas okay ako kapag nalaman kong okay ka rin."   sabi niya. Spell KILIG... 'Yun 'yon eh, haha, party-party. Easy lang Sam, huwag magpadalos-dalos at huwag masyadong mag-expect. Baka umasa ka sa wala... --- sabi ng aking matinong konsensiya. Matagal mo itong hinintay na makausap si Eisen, ngayong ibinigay na sayo 'yung chance. Grab the opportunity Sam, baka magsisi ka na pinalagpas mo 'to! ---sabi ng malandi kong konsensiya. "Mabuti naman, ako? Okay lang din kasi okay ka rin."   walang preno na sabi ko. Good Sam! Hindi ka nagpreno, kaya 'yan nahulog ka na. Nahulog ka na sa kanya.. Nagkatitigan kaming dalawa at nakita ko ang ngiting bumihag sa puso ko. "Shirley...."   sambit niya sa pangalan ko. "Eisen..."    sambit ko sa pangalan niya din. "Bhie.." Ay tokneneng naman, oh! Bakit nandito na 'yan? Alam ninyo 'yung pakiramdam na nandoon na, ayon na, kaunting-kaunti nalang tapos may biglang umepal. Argch! as in ARRGGGCHHHGGRRR talaga. Nagkahiyaan tuloy kami ni Eisen nung umepal si Cav. Kasura! "Problema mo?"   mataray na sabi ko. "Nagugutom na ako."   sabi niya. "And so? Bakit? Restaurant ba ako na puwede kang i-serve ng pagkain?"    sabi ko ng may panlilisik na tingin. "Hindi syempre."   sagot niya na cool na cool pa. "Alam mo naman pala."    sabi ko at nag-iwas na ng tingin. "Anong kinain mo sa cafeteria?"    pag-iiba niya sa usapan at lumapit pa sa amin ni Eisen. Humila siya ng isang upuan sa kung saan at umupo na nakaharap sa akin.. "Marami."   matipid kong sagot. "Pahingi ako."   sabi niya. (Cav) "Wala na! Ub---hmmmf!" Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko ng maging si Lupin na naman siya. Hindi lang basta nakaw na mabilisan, 'yung smack ba. Dahil.. he kissed me slowly. "Ano ba Cav!"    asar na sabi ko nung itulak ko siya para magkalayo ang aming labi. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang kamay ko. "Thanks nabusog na ko, parang nakain ko rin 'yung pagkain mo kanina.."   naka-smirk na sabi niya at tumingin sa katabi ko. Whattasyete! Na.. na.. na.. NAKITA NI EISEN? NAKITA NIYA? Ay hindi Sam, napanuod niya. Parang nasa sine lang ang eksena kanina. "Geez!"    napatayo ako sa upuan ko at dali-daling lumabas ng pinto. Tumakbo ako nang tumakbo palayo sa room namin. Nung makita ko ang madilim na mukha ni Eisen, parang lumubog ako sa putik dahil sa hiyang naramdaman ko. Ikaw ba na makita ka ng taong mahal mo na hinahalikan ng iba, hindi ka kaya ma-turn-off o mag-isip na iwasan siya? Huhuhuhu.. "Lady Sam?" Napatingin ako sa nagsalita and I saw my two bodyguards out of six. "Gusto ko ng umuwi. Pakipaalam nalang ako."   sabi ko. Inalalayan nila ako at sinakay sa van nila. Nung nasa bahay na ako, agad na akong umakyat ng kuwarto ko at sumubsob sa kama ko. Doon ko na ibinuhos ang kanina ko pang pinipigil na iyak. Madrama ba ako? Hindi naman sa ganoon pero ikaw kaya 'yung nasa lugar ko. Magpapakatapang ka kaya? At iisipin na okay lang 'yon, halik lang 'yon. Wala lang 'yon kahit nakita pa ng taong gustong-gusto mong mapansin ka. Napansin ka nga, 'yun nga lang. Napansin kang may kahalikan, di ba ang saya? Hahaha. Argch! Naka-received ako ng text kay Mommy na sa sunday ay may pupuntahan kami. Saan naman kami pupunta? Anong mayroon sa linggo? Haaay.... bahala na nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD