" MEET LEI "
"MOMMY, saan po ba tayo pupunta ng ganito kaaga?" humihikab na tanong ko habang nasa sasakyan na kami.
'Yung feeling na ang sarap-sarap ng tulog mo tapos gigisingin ka. Argch! Kainis no?
Pinagising ako ni Mommy kay Yaya Susan, kaya ayon 8 A.M. palang gising na ako. Ang normal na gising ko tuwing weekends ay 11 A.M. Masyadong maaga pa nang ipagising niya ako.
"Sa Salon princess, kailangan natin magpaganda." sagot ni Mommy habang nagbubuklat ng magazine.
Huh? pupunta kami ng Salon? Magpapaganda? Kailangan pa ba namin non?
"Pupunta ng Salon? Magpapaganda? Kailangan pa ba natin 'yon Mommy?" tanong ko.
Napatingin sa'kin si Mommy, tapos 'yung driver namin tumingin lang sa mirror para makita kami.
"Oo naman princess." sagot ni Mommy at nagpatuloy na sa ginagawa.
"Hindi na natin kailangan 'yon Mommy." sabi ko.
"Bakit? Hindi na?" tanong ni Mommy.
"Kasi waganda ka na po at ako magan--ay diyosa naman ako. Hehe." sabi ko na natawa pa.
Nahagip ng mata ko ang pigil na pagtawa at ngiti ni Mang Roger. Ang personal driver ni Mommy.
"Ikaw talaga.." ginulo ni Mommy 'yung buhok ko using her right hand. "Alam ko naman 'yon princess. Hehe." natawa rin si Mommy.
"Nah! Bakit ginulo ninyo po buhok ko Mommy." reklamo ko.
"Wala.. ang cute mo lang princess." sabi niya.
Cute daw? Eh, maganda kaya ako. Amp!
"Hindi po ako puppy para maging cute." sabi ko.
"Haha! Ikaw talaga." tawa ni Mommy at muling ginulo ang buhok ko.
Pagkarating namin ng Salon, pumunta agad kami sa V.I.P. area nila at doon aayusan ng bongga.
"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo Madame?" anong ng Sereyna na staff doon.
"Ayusan at pagandahin mo lang kami, dapat 'yung mayuming-mayumi talaga." sagot ni Mommy, tumango lang 'yung staff.
After 1hour..
"Taran!!" sabi ng staff na naka-open hand pa.
"Perfect!" sambit ni Mommy.
Pagtingin ko sa salamin.
Ah, okay, ang ganda naman ng babae na nasa harapan ko. Tinalo pa ang kagandah-- teka! Nakaharap ako sa salamin di ba? So... ako nga ito? Di nga? Joke ba ito?
"Ang ganda-ganda mo talaga princess, manang-mana talaga sa'kin." nakangiting sabi ni Mommy.
Nagsmile nalang ako. Pagkatapos namin mag-Salon ay umalis na rin kami.
"Mommy, saan po tayo pupunta nito? Bakit kailangan pa nating magpaganda pa talaga?" tanong ko habang nakatingin sa salamin.
Ang ganda ko talaga, sobrang ganda ko ngayon. Sayang kasi hindi makikita ni Eisen ang itsura at ayos ko ngayon. Hindi bale, magse-selfie nalang ako para ma-upload ko sa aking f*******:.
Ay.. Oo nga pala, ang tagal ko ng hindi nakakapag-open ng f*******:. Musta na kaya 'yon? Haha mabisita nga.
"We're going to baguio princess." sagot ni Mommy.
"Ah! We're going to baguio lang pala. What? Baguio?" nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.
Bakit kami pupunta ng baguio? Anong gagawin naman namin doon?
Alangan naman magpalamig kami doon? Nang ganito ang ayos? Tapos nagpa-salon pa kami?
"Yes princess, susunod nalang ang Daddy mo mamaya after ng meeting." sabi ni Mommy.
"Ano pong gagawin natin doon?" naku-curious na tanong ko.
"Yung friend ko, si Tita Chelsea mo remember?, darating mamaya galing states at may pa welcome party na hinanda para sa kanya." paliwanag ni Mommy.
"Ah, okay po." sagot ko nalang.
Kainis! Puwede bang huwag na akong sumama? Eh, kasi naman kasi, ayokong makipagplastikan sa mga nandoon. Pasosyalan, pagandahan ng damit, pagyaman in short payabangan lang. Haaay... dapat hindi nalang ako sumama. Atsaka, hindi naman ako ganoon ka close kay Tita Chelsea.
Makalipas ang 8 hours na biyahe, nakarating din kami ng baguio.
"Princess.. anong ginagawa mo pa diyan? Hindi ka pa ba bababa diyan?" tanong ni Mommy nang makababa na ng sasakyan.
"Ah, eh, give me 5 minutes Mommy." sabi ko nalang.
"Sige princess, sunod ka nalang sa'kin sa loob." Mommy said while smiling.
"Okay po." sagot ko.
Haist! Sumakit 'yung butt ko kaya parang nag-aalangan akong tumayo. Hindi ko naman masabi kay Mommy kasi kasama niya si Mang Roger. Hindi lang kasi basta personal driver ni Mommy si Mang Roger, body guard niya rin ito.
After 5 minutes..
Medyo hindi na ganoon ka manhid o ka sakit 'yung butt ko kumpara kanina.
"Huh? Nasaan kaya yung venue? Hala!" sabi ko habang papunta ako ng hotel kung saan gaganapin 'yung event.
Hmm... may bibig ako na puwede gamitin para magtanong sa mga tao dito. At mayroon din akong mata para magbasa o sundan 'yung sasabihin nila.
Papasok palang ako ng hotel ng may makasabay akong pumasok.
"Oops.. sorry.." sabi nung nakasabay ko.
Nung makita ko ang mukha niya ng tingnan niya ako. Napakunot nalang ako ng noo.
"You??!" magkasabay naming sabi at nagkaturuan pa kami.
Okay.. bakit nandito siya.
"Hello Miss Beautiful." bati niya sa'kin.
"Miss Beautiful daw. Huwag mo akong tawagin ng ganyan, nakakainis! Pinaglalandakan mo pa na maganda ako." sabi ko na nag-crossed arms sa harapan niya.
"Haha! You're so funny." tawa niya.
"Haha. Hehe. Hihi. you're so funny, wews!" pang-aasar na ulit ko.
"You're so cute." sabi niya sabay pisil ng pisngi ko.
"Hey! Huwag mong gawin 'yan!. At tama na kaka-ingles mo, nasa pinas tayo no! Wala tayo sa states!" naiinis na sabi ko.
Kainis! kanina pa siya english ng english, ewan pero nakakairita talaga siya.
"Princess!"
Napalingon ako sa tumawag at agad kong sinalubong ng ngiti si Mommy.
"Mommy." tawag ko.
"Oh, Lei, long time no see ha?" nakangiting sabi ni Mommy doon sa kausap ko ngayon lang.
Kilala siya ni Mommy? 'Di nga?
"Hehe yes Tita, it's been a years." sagot nung tinawag ni Mommy na Lei.
Hindi ko talaga akalain na dito ko makikita 'yung lalaking humalik sa kamay ko nung nag-sibling's date kami ni Kuya Shin. At sa dinami-rami pa ng lugar, bakit dito pa di ba? At nakakainis pa doon, magkakilala sila ni Mommy!
"Oo nga eh, kailan ka pa dumating?" tanong ni Mommy na may balak pang makipagtsikahan kay Lei.
"Last April tita." nakangiting sagot niya at tumingin pa sa'kin sabay wink.
Argch! Kainis!
"English ng english, wala naman kami sa states." mahinang sabi ko.
"Princess!." tawag ni Mommy sa'kin.
"Bakit po?" inosenteng sagot ko.
"Narinig ko 'yon." sabi ni Mommy na nakatingin lang sa'kin.
"Halata nga po." sabi ko nalang.
"It's okay Tita, it's not a big deal to me." sabat naman nung isa.
"It's okay Tita, it's not a big deal to me. Nye nye nye! Feeling nasa states." inulit ko lang sinabi niya na parang nang-aasar pa ako.
"Princess! Huwag kang ganyan!" saway ni Mommy sa'kin.
"Sorry po Mommy." sincere na sabi ko.
"Galing states si Lei, ilang taon din siyang nanirahan doon. Kaya naman ganyan siya magsalita, slang at may accent." paliwanag ni Mommy.
"Okay po, sorry po." paghingi ko ng sorry sa ginawa ko.
"Okay lang 'yon, Tita Shane. Hehe, nakakatuwa nga po siya, eh."
Napatingin ako sa nagsalita at kunot noong tiningnan siya.
Tinawag na nga niyang Tita si Mommy, tinawag niya pa sa pangalan. FC talaga grabe, ah!
"Marunong naman palang magtagalog, nag-i-english pa." react ko ng marinig siyang magtagalog.
Mayaman siguro itong lalaking ito. Mayayaman kasi masyadong pa sosyal na english ng english. Kulang nalang maging american citizen na sila, kaka-english ng english.
"Princess, siya nga pala si Luigi Enrique Ignacio, Lei for short." pakilala ni Mommy.
And so? Anong pakialam ko di ba? Kainis naman. Gaya-gaya kung saan nakukuha ang nickname.
"Nice to meet you.." inilahad niya ang kamay niya pero hindi ko pinansin.
"Siya ang princess namin, Shirley Angel Marvilla. Sam ang nickname niya." pagpapakilala sa'kin ni Mommy at kinuha ang kamay ko.
Si Mommy na mismo gumawa ng paraan para makapag-shake hands kami.
Ayoko nga makipagshake hands. Si Mommy talaga, oh!
"Nice name." nakangiting sabi niya pa.
Okay Sam, chillax lang okay? Kakagaling mo lang sa Salon kaya umaapaw ang iyong kagandahan. Chos!
Ayoko ng pag-usapan pa 'yung mga sumunod na nangyari. Pagkarating namin sa venue, sinalubong agad ako ng magarbo at marangyang piging.
"Cheers!" sabi ng mga nasa isang table. Lahat sila puro may mga alahas sa katawan at talagang nagpa-salon din.
Grabe! Kung puwede lang silang i-donate sa EatBulaga. Ilan kayang mga plastik chairs sila? Haaaay.... Para marami silang matulungan, hindi 'yung nagpapayaman sila para sa kanilang sarili lamang.
Umupo na kami sa isang table at kung mamalasin nga naman ako. Katabi ko pa 'yung FC Lei na 'yan.
"Siya na ba si Sam?" sambit ng babaeng maraming alahas sa katawan.
Tingin ko siya si Tita Chelsea, ewan lang pero feel ko lang.
"Oo Chelsea, siya nga. Ang ganda niya no? Manang-mana sa'kin. Haha!" sabi ni Mommy na natawa pa.
"Ah, oo nga Shane, haha." sabi ni Tita Chelsea na tumawa rin.
Parang tawa lang 'yung naintindihan ko sa mga sinabi nila.
"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong ng FC kong katabi.
Bahala ka diyan..
"Uy, Sam diet ka?" tanong niya at nakuha pang kalabitin ako.
"........." hindi nalang ako nagsalita dahil narinig ko 'yung sinabi ni Tita Chelsea.
"What? may fiance na si Sam?" hindi makapaniwalang sabi ni Tita Chelsea.
"Huwag masyado malakas ang boses baka marinig tayo." saway ni Mommy.
Nagbulungan nalang silang dalawa.
Don't tell me na 'yung FC Lei na ito ang fiance ko, ha? Huwag naman sana.
"Hey, Sam!" pagkuha ng attention ko ni FC Lei.
"Hey, Heyin mo mukha mo!" pagtataray ko.
"Oh, huwag masyadong high blood, chill lang." sabi niya in a way na naasar ako.
"Mommy punta lang po ako ng restroom." paalam ko kay Mommy matapos kong tumayo sa inuupuan ko.
"Okay princess." pagpayag na sabi ni Mommy.
Umalis na ako sa table na 'yon at nagpunta nalang ng restroom. Pagpunta ko ng rest room gusto ko sanang magwala doon kaso huwag nalang.
Kaya lumabas na ako ng restroom, pabalik na sana ako ng venue ng may nakita ako.
Wow! Mapuntahan nga kahit saglit.
Na curious ako kung anong meron doon. Parang may veranda ang hotel. Nang nasa veranda na ako.
"Woah fresh air!" natutuwang sabi ko at napapikit nalang.
Matagal din akong ganoon nang mag-iba ang amoy ng hangin.
Hmmmm..... bakit amoy pabango 'yung hangin? Hindi naman siguro nagpabango ang hangin di ba?
Pagmulat ko ng mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?" malakas na tanong ko.
"Woah, easy lang, puso mo." sabi ni Lei.
Si FC Lei lang naman ang nasa harap ko ngayon.
"Panira ka talaga! Nagpapahangin ako dito tapos bigla ka nalang eepal diyan. Argch!" naaasar na sabi ko.
"Akala ko, may hinihintay kang humalik sayo. Kaya magpriprisinta na ako." sabi niya habang naka-smirk.
Whattasyete! Babangasin ko na ang pagmumukha ng lalaking ito.
"Spell KAPAL!" sabi ko na pinagdiinan pa ang salitang kapal.
"K... A.." narinig kong bigkas ni FC Lei.
"Talaga nga naman, ini-spell pa talaga ng loko." sabi ko at tinalikuran ko na siya.
"Bakit ang sungit mo?" narinig kong tanong niya.
"Hindi lang kita feel!" sagot ko at humakbang na palayo sa kanya.
"Gusto mo bang ma-feel mo ko?" mariing sabi niya at hinawakan ang braso ko at sapilitang iniharap ako sa kanya.
"Ano ba!" angal ko.
Nung unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin.
"Don't dare to kiss me!" malakas at mariing sabi ko.
"Kiss? Hahaha! Anong akala mo hahalikan kita?" natatawang sabi niya.
"Sige tawa lang, para wala ka ng bukas or wala ka ng masisilayang bukas." iritang sabi ko.
Magdedeny-deny pa siya! Eh, anong reason niya para ilapit ang mukha sa'kin? Di ba? Para halikan ako? Hindi naman siguro para makipagtitigan sa'kin kung sino unang matutunaw sa amin.
"Sabi mo hindi mo ako feel, oh? Ayan? Feel mo na ako?" ngiting-ngiti ang loko.
"Oo na! Feel na kita! Ang kapal mo kasi, kaya damang-dama kita. Kung puwede bitawan mo na ako. Huwag masyado feeling close!" sabi ko habang pinipilit tanggalin 'yung kamay niya sa braso ko.
"Eh, kung ayoko?" pang-iinis niya.
Argch, Mas nakakainis pa siya doon sa dalawa. Cav at Ravenova!
"Ano ba!" asar na asar na ako.
"Wait lang, ayoko naman makaramdam ka ng panghihinayang." sabi niya sa tonong nakakasura talaga.
"Wait-wait-in mo mukha mo! Wala akong panghihina---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
Whattasyete! Anong binabalak niya?
Unti-unti ng lumalapit ang mukha niya sa'kin. Nung inches nalang ang layo ng labi namin, napahinto siya sa paglapit.
Haaaay! Muntik na akong atakihin sa puso kahit wala akong sakit na ganoon. Walang hiyang Lei na 'to! Argch!
Nung inakala ko na pinaglalaruan niya lang ako. Nagulat nalang ako na naramdaman ko ang labi niya.
Bakit? Bakit? Bakit? Bakit niya ako hinalikan sa noo!