CHAPTER O5 :

1844 Words
- REJECTION - HINDI ko pa rin mapaniwalaan ang ginawa ko. Ano ba 'yung ginawa ko? Hinalikan ko si Eisen? Totoo bang nangyari 'yon? Ako talaga 'yung humalik sa kanya? Parang ang landi ng dating ko sa ginawa kong 'yon. Sam naman, eh, isip-isip din 'pag may time. Hindi 'yung kapag may naisip ka hindi mo muna pinag-iisipan ng mabuti. Kung tama o mali ba kapag gagawin mo 'yon. "Oy Sam! Parang namatayan ka yata diyan?" pino-poke-poke ni Marie Ann ang braso ko. Nakatungo kasi ako dito sa may upuan ko. Pagkatapos nung mga nangyari sa cafeteria. Parang sumama 'yung pakiramdam ko, 'yun bang parang nanghina at nanlambot ako. Hindi ko alam kung bakit. Ganito ba epekto kapag first kiss? Ito ba 'yung tinatawag nilang love-nat? Pero paanong mangyayari 'yon? Eh, hindi naman ako inlove kaya wala pa ako sa stage na love-nat love-nat thingy na 'yan. "Ganyan ba epekto ng kiss ni EJ? Parang nagkasakit ka bigla pagkatapos ng kiss? May virus ba ang lips ni Mr. promdi jologs?" Napaangat ako ng mukha at tiningnan kung sino 'yung nagsalita. It's Rhea my friend. Kami lang apat ang nasa room ngayon. Dahil may 10 minutes break pa pero bumalik na agad ako ng room. Tapos sinundan nila ako dito. "Wala. Walang virus ang lips ni Eisen. Sa katunayan nga ang soft at ang sweet ng lips niya. Nakakainggit tuloy." sabi ko habang nakatungo ulit at pinapaikot-ikot ang cellphone ko na nasa kanan kong kamay. Nag-iisip din kasi ako kung magpapasundo ba ako kay na Mommy at Daddy kasi parang magkakasakit ako. Pero naalala ko pala na hindi sila puwedeng pumunta dito. Malalaman ng lahat ang sikreto ko, ang pagkatao ko, ang totoong estado ng buhay ko. "Di nga?" hindi makapaniwalang sabi ni Claire. "Nice naman, eh, di kilig to the bone ka na niyan? Huwag ka ng ma-confuse o ano diyan. Eh, ang ganda nga ng lips mo. Natural red and kissable lips, no need to put lip stick, lib balm, lip tint, lip shinner or whatever they called that things." seryosong sabi ni Marie Ann. "Naku Sam, love-nat lang 'yan." sabi naman ni Rhea sabay patong ng likod na palad niya sa noo ko. Dapat ko bang sabihin 'yon sa kanila? Wala naman sigurong masama na sabihin ko sa kanila. We're friends naman, eh. "It was my first kiss." sinabi ko na kung bakit ako nagkakaganito. "Ah.. First kiss pala. What? First kiss?" same reaction silang tatlo na parang iisa lang ang pag-iisip at utak nilang tatlo. Tumango-tango nalang ako at muling sumalampak sa desk. "OMG!" magkakasabay na naman nilang reaksyon. Talaga nga naman. Para silang triplets pero hindi naman magkakadugo. At.. at.. at.. Hindi ko na namalayan na nakaidlip na ako ng mga oras na 'yon. Nung magising ako wala na ang tatlong triplets, 'yung professor namin kakapasok lang. Si Eisen nasa upuan niya na. Kung dati ang tahimik niya mas lalo pa siyang tumahimik ngayon. Naku Sam, ano bang gagawin mo? Mukhang hindi nagustuhan ni Eisen ang ginawa mo. Parang malandi o flirt na siguro ang tingin niya ngayon sa'yo. Isip Sam, isip! Hindi ko na nagawang kausapin si Eisen at humingi ng tawad sa ginawa ko. Kaya umuwi ako ng bahay na parang may pinagdadaanan o may pasan-pasan na kung ano. "I'm home, Mommy and Daddy. Mano po." nakangiting sabi ko habang palapit sa kanila. Kinuha ko ang right hand nila at nag-bless sa kanila. Kung sa ibang pamilya o mga mayayaman na gaya namin. Hindi beso ang way ng pag galang o pagbibigay galang sa parents or elderly. Pagmamano ang tinuro at gusto ng parents ko. "Anong itsura 'yan my princess?" tanong ni Daddy sabay sapo ng magkabilang pisngi ko. "Ah, eh, wala lang po ito, napagod lang po. Akyat na po ako sa taas." paalam ko at pag-iwas na rin sa mga itatanong pa ni Daddy. Makulit pa naman si Daddy. "Okay my Princess." sabi ni Daddy na tinapik ako sa kanang balikat. "Okay my Princess, 'wag ka munang hihiga masama 'yon lalo kung galing ka sa labas at pagod ka pa." sabi naman ni Mommy. "Okay po." matipid na sagot ko. Mapamahiin si Mommy, sabi niya kapag daw galing sa labas o hindi naman kaya pagod ka. Tapos bigla kang hihiga at kapag nakatulog ka, diretso na. Hindi ka na daw magigising at maaari ka pang mamatay. Ayoko pa kayang mamatay bukod sa mahal ko ang buhay ko. Mas mahal ko sila Mommy, Daddy at Kuya Shin. At saka mayroon pa, may parang missing piece sa akin. Ewan pero feel ko lang talaga. Umakyat na ako sa taas. Inilapag ko ang gamit ko sa isang table na lagayan ko ng bag at gamit ko sa school. Pagkatapos ay pumunta na ako sa walking closet ko at nagpalit na ng damit pang bahay. Isang simple at maluwag na blouse at short. Hmmm. Gusto ko sanang humiga na kaso bawal. Ano kaya puwedeng gawin? Hmm. Binuksan ko ang isang drawer sa study table ko at kinuha ang bagay na nandoon. Alam ko na. Umupo ako sa study table ko at binuklat ang diary ko. Naisipan ko kasing magkaroon ng diary para dito ko isusulat lahat ng mae-experience ko sa isang public school. Kaso naging semi-private na pero okay lang, atleast half public pa rin ang Dream University. _______________________________ Dear Diary, Ngayong araw ay may kalokohan na naman akong ginawa. Kung nakaraan ay lantaran ang pagyakap at pag-holding hands ko kay Eisen. Ngayon naman mas matindi pa doon, hinalikan ko siya sa loob ng cafeteria sa school. Ang malala, sinabi ko pang boyfriend ko si Eisen. Parang nakakahiya 'yung ginawa ko ay mali pala, sobrang nakakahiya. Pero bakit ganoon? Hindi man lang ako nagalit, nainis o nagdamdam. Dahil 'yung pinaka iniingat-ingatan ko na first kiss. Naibigay at naigawad ko lang naman sa lalaking hindi ko naman kilala. I mean, si Eisen na stranger o unknown person. Nung magkalapat ang labi naming dalawa. Kahit na nakapikit ako, may mga fireworks akong nakita? Ang weird talaga. Pagkatapos ng kiss bigla akong kinabahan, nanlambot at parang magkakalagnat pa. Dahil ramdam at damang-dama ko ang pag-init ng mukha ko. Hanggang ngayon nga feeling ko mainit pa rin ang mukha ko. Ganito ba ang feeling ng first kiss? _______________________________ Isinara ko na ang diary ko at ibinalik na sa drawer kung saan ko ito nakuha. Bumaba na ako at pumunta na ng kusina. Kumuha ako ng cookies at choco drink. "Magandang hapon po Miss Sam. Dapat pinag-utos mo nalang sa akin 'yan." bati sa'kin ni Yaya Carol. Isa siya sa lima naming kasambahay na naninilbihan sa amin. "Magandang hapon din po Yaya Carol. Ah, okay lang po kaya ko naman po ito gawin, eh. Hindi na kailangan mag-utos pa. Meryenda po tayo." bati ko rin at inalok ko rin siya ng dala kong pagkain. "Ikaw talaga, maiwan na muna kita Miss Sam, may gagawin pa ako. Salamat." paalam ni Yaya Carol. "Okay po." sabi ko nalang. Paakyat na sana ako nang mapansin ko na seryosong nag-uusap sila Mommy at Daddy. Na curious ako bigla kaya naman lumapit ako at nagtago. "Mee, anong gagawin natin? May boyfriend na ang Princess natin?" seryosong sabi ni Daddy. Boyfriend? Teka, parang ako ang pinag-uusapan nila, ah. "Oo Dee, kitang-kita naman dito sa mga pictures. Nag-kiss pa talaga sila." seryoso rin na sabi ni Mommy. Nag-kiss? Tama ba ang narinig ko? At pictures? Don't tell me na may... may... waaaah! may pictures sila nung hinalikan ko si Eisen? Oh, no! Muntik ko ng mabitawan 'yung tray na pinaglagyan ko ng cookies at choco drink ko na kakainin ko sa kuwarto ko. "Mee, may Boyfriend na ang anak natin. Itutuloy pa ba natin ang..." hindi pa tapos si Daddy magsalita nang biglang nagsalita si Mommy. "Tuloy pa rin 'yon Dee, hindi puwedeng hindi matuloy. Naipangako na natin ang anak natin sa anak nila Shantal at Dylan. At isa pa, fiance na siya ng anak natin." diretso at malinaw na sabi ni Mommy kay Daddy. Naipangako na nila ako sa anak nila Shantal at Dylan? Sino sila? Ngayon ko lang narinig ang pangalan nila. Huh? May fiance na ako? 'Di nga? totoo ba ito? In-arranged marriage nila ako? Nananaginip ba ako? Pero.. pero bakit? Bakit ako pa? Bakit? Ayoko ng marinig pa ang pinag-uusapan nila Mommy at Daddy. Umakyat na ako at pumasok ng kuwarto ko. MAAGA akong nagising. Naisipan kong mag-bake ng cupcakes at cookies. Naisip ko kasing bigyan nito si Eisen para maramdaman niyang seryoso talaga ako sa paghingi ng sorry. Bibigyan ko rin 'yung tatlong friends ko. "Hmm.. Eisen sabay na tayo mag-Lunch mamaya kung okay lang sa'yo?" tanong ko 10 minutes before break time. "Okay." tipid na sagot niya. Pero kahit ganoon lang ang sagot niya, masaya na ako. Nung nag-break time na, inabot ko na lang sa parang triplets friends ko 'yung para sa kanila. Dadaan muna daw si Eisen ng Library para isauli 'yung librong hiniram niya. Naglalakad ako sa corridor na hindi puwedeng puntahan ng mga bodyguards ko. Nakita ko agad si Eisen kaya lumapit agad ako. "Eisen, tara na." masiglang sabi ko. "Please tama na Shirley, huwag mo akong paglaruan." sabi ni Eisen na ikinabigla ko. "Hindi kita pinaglalaruan, Eisen." sabi ko na medyo naguguluhan sa sinasabi niya. "Tama na Shirley, kung pinagkakapustahan ninyo ako, sabihin mong panalo ka." sabi ni Eisen na seryoso talaga. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ko naman siya pinaglalaruan dahil hindi siya toy na pinaglalaruan. At lalong hindi siya sugal na pinagpupustahan lang. "Kaya kita niyaya na sabay na tayong mag-lunch para humingi ng sorry sa paghalik ko sa'yo." sabi ko na nahihiya pa. "I'm really sorry Eisen for kissing you yesterday and... for saying that you are my boyfriend. Don't worry, itatama ko ang nangyari. Nagawa ko lang 'yon dahil hindi ko kayang makitang inaapi at binu-bully ka nila. Dahil hindi naman tama 'yung ganonin ka. Nakalimutan kong hindi pala tayo friends. We're just seatmates and blockmates." nakayuko kong sabi habang tinitingnan ang hawak kong paper bag na pinaglalagyan ng baked cookies and cupcakes. Umipon ako ng maraming lakas para mai-cheer-up ko ang sarili ko. At para makangiti ako kahit na alam kong hindi ko naman kayang ngumiti sa mga oras na ito. "Uhmm.. Eisen ito pala, oh, ako nag-baked niyan. Naisip ko na sa paraang ito ay malaman at maramdaman mo na sincere ang sorry ko. Bahala ka na kung itatapon mo 'yan o kakainin. Promise, iyon na ang una't huli na gagawin ko 'yon. Sige, punta lang ako ng cafeteria. Bye." ngumiti ako sa kanya. 'Yung sweet na smile ko ang pinakita ko sa kanya kahit na pakiramdam ko lumulubog na ako sa kahihiyan. Inabot ko sa kamay niya ang paper bag na dala ko. Sa sobrang haba ng sinabi ko napatulala lang siya at natahimik. Ni hindi man lang nagsalita o hindi man lang ako pinigilan sa dami at haba ng sinabi ko. Nag-bow head ako at saka naglakad na palayo sa kanya. Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Parang bigla akong nasaktan? Baka imagination ko lang ito, gutom lang ito panigurado. Makapag-foodtrip na nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD