- UNWANTED KISS -
PAPUNTA na ako ng Cafeteria nang may nakasalubong ako. Taong hindi ko nais makita lalo na sa mga oras na ito. Ayokong may makakita sa akin na mahina ako. Pa simple kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking pisngi.
"Hello Sam, nag-iisa ka yata? Sabay na tayong kumain sa cafeteria." nakangiting sabi ni Cav.
"No thanks." pagtanggi ko sa alok niya.
Cheer up, Sam! Huwag mo ng isipin ang mga nangyari kanina. Kalimutan mo na ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
Humakbang na ako para makalayo na sa kanya. Bigla niya nalang akong hinatak at isinandal sa wall. Ikinulong niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga braso kaya naman hindi ako makaalis.
"Hey! What are you doing? Can you please.. let me out of this!" naiinis na sabi ko habang pilit na kumakawala.
"What if, I don't want to let you go. And I just want you to stay there and be mine." inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya nakaramdam ako ng takot.
Uh, oh! Hindi ako maililigtas ng mga bodyguards ko. Kung mamalasin nga naman ako, sa lugar na off limits pa. Waaah! help! tulong, iligtas ninyo ako. Save me! Huh? Parang naguluhan yata ako sa mga sinabi ko. Anyway, back to my problem. Tulong.
"Don't you dare to do what's on your mind, or else I'm gonna ki--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong hinalikan.
Pilit akong pumapalag kahit na nakahalik pa rin siya sa akin.
"I'm hmmff-- go..nna Erhmf ki-hmp! kick you..." halos kapusin na ata ako ng hininga para lang matapos ko ang sasabihin ko.
I'm ready to kick him but when he kissed me in a rough way. I feel like my energy and my strength are drained. I feel like I'm weak and stupid s***h coward. When he continue kissing me, I froze like a statue or whatever.
God please save me..
Habang si Cav ay abalang pinagsasawaan ang labi kong mahihiwalay na sa mukha ko. May narinig akong flash at kalabog sa paligid.
After 2067598523842 years.. Just kidding. Pero ang totoo hindi ko alam kung ilang minuto niya ako hinagkan. Pagkatapos niyang lamugin at gawing manhid ang precious lips ko. Napatingin ako sa lugar kung saan ako nakarinig ng kalabog.
"I never thought that you have a sweetest and soft lips. Your lips is like a drug, that makes me go insane." sabi niya sa tonong makapanindig palahibo.
"Now that you're done stealing a kiss with messing it. Let me go, now!" kahit na nanginginig ang tuhod ko hindi pa rin ako nagpatalo sa kahinaan ko.
"Okay, thanks for this." sabi niya sabay pakita ng picture sa cellphone niya.
Picture na hinahalikan niya ako.
"Hoy lalaki! i-delete mo iyan!" pilit kong inaagaw ang cellphone sa kanya.
Pero dahil mas matangkad siya sa akin at hanggang chest lang niya ang height ko hindi ko pa rin makuha-kuha.
Pinaglihi yata ito sa kapre at basketball. Kapre sa tangkad at basketball sa galing na mag-steal ng kiss at maka-score sa babae? Think Sam. Think!
Ewan pero biglang bumalik ang lakas ko, nung maisip kong baka i-upload niya iyon sa f*******:, Twitter or i********:.
"Akin na 'yan!" para akong bata na talon nang talon habang pilit na inaagaw ang cellphone niya.
"No." wala siyang ginawa kung 'di iwasan ang bawat pagkilos ko.
Ayaw mo talagang ibigay, ah, magamit nga lahat ng lakas ko. Tingnan lang natin kung hindi ko pa makuha yan!
Buong lakas akong tumalon at nabigo lang ako. At dahil nawalan ako ng balance at ayokong mapilayan. Napahawak ako sa kanya kaya naman nasama ko siya sa pagbagsak ko.
"Anong ginagawa ninyo? At talagang diyan pa kayo gagawa ng kababalaghan!"
Napatingin kami ni Cav sa nagsalita. Namumula sa galit si Lara the papaya. Nagkatinginan kami ni Cav, kahit ang sagwa ng posisyon namin. Nasa baba ako at nakahiga sa floor habang si Cav ay nasa ibabaw ko at nakapatong sa akin. Tinulak ko siya kaya tumayo na siya at ako naman tumayo na din.
Alangan magtunganga ako at humilata dito. Ano iyon? Hayahay ang buhay?
"Hello, Papaya girl, uh you look trash flirt again." nakangising sabi ko.
Ewan pero ang sarap talagang asarin ng babaeng iyan. Hindi ko alam bakit nanggigilaiti iyan sa akin, eh.
"What the.." hiyaw ko.
Lalapitan na sana ako ni Lara nang bigla akong hinila ni Cav sabay takbo.
"Hoy! bakit tayo tumatakbo?" tanong ko habang tumatakbo kami.
Medyo disappointed pa nga ako, hindi ko kasi nakuha 'yung cellphone.
"She's my crazy stalker." sagot ni Cav habang patuloy lang sa pagtakbo.
Pagkatapos ng takbuhan moment magkasabay kaming pumasok ng room. Hindi na ako nakakain ng pagkain dahil magta-time na rin. Kaya hindi na ako pumunta ng cafeteria. Pinagtinginan kami ng mga blockmates namin pagkapasok namin ni Cav. Hindi ko na nagawa pang tingnan si Eisen dahil kailangan ko na siyang iwasan.
Hindi ko alam ba't iniisip niya ang mga bagay na 'yon, pero hindi ko naman siya masisi. 'Cause in the first place, ako ang unang gumawa ng mali sa kanya. Sino bang tao ang matutuwa kapag may taong nag-announce sa lahat na boyfriend mo siya at girlfriend ka niya, in front of many people hahalikan mo?
Nung nasa upuan na ako, kinuha ko ang panyo ko. Ramdam ko pa rin 'yung feeling ng mga labi ni Cav sa labi ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang labi ko para matanggal man lang 'yung kiss ni Cav.
Nung uwian na may pinagkakaguluhan sa gate. Hindi ko alam kung sino at ano iyon. Wala naman akong balak na alamin pa sa dami ng nangyari sa akin ngayong araw.
Mas gugustuhin ko pang mamahinga kaysa ang mag-usisa.
Patawid na ako sa kabilang kalsada dahil nandoon ang sakayan ng jeep nang may humawak sa kamay ko.
Nakakarami na itong si Cav, ah! kainis! Masasapok ko na talaga ito sa mukha.
Nilingon ko siya at halos malaglag ang panga ko nang makilala ko siya.
It was him.
"Samshi.." tawag niya.
Samshi ang tawag sa akin ni Kuya Shin. Ayaw niya ng Sam kasi parang katunog daw ng kung sa substratcion ay difference, sa Addition naman ay Sum. Sum, Sam. Same sounds di ba? Magkaiba lang ng spelling pero parehong basahin. Idagdag pa ang Some.
"Ah, eh.." parang umurong ang dila ko.
"Let's go." sabi ni Kuya Shin na emotionless.
Wala na ako nagawa kundi ang magpahatak na lang kay Kuya Shin.
"Boyfriend niya?"
"Nakakainggit naman 'yung girl, may guwapong boyfriend at mayaman pa!"
"Di ba? 'Yan 'yung girl na girlfriend nung promdi na jologs at weird sa BSBA?"
Narinig ko ang mga tsismisan ng mga tao.
"Pasok na." sabi ni Kuya Shin. Dahil masunurin ako. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
Teka lang... Parang may mali, ah! Bakit nandito si Kuya Shin? Dapat nasa Seoul pa siya, ah! Saka may pasok pa siya di ba?
"Uhmm Kuya Shin, ba't nandito ka sa pinas? May urgent bang nangyari? May aasikasuhin ka ba? Saka wala ka bang pasok sa Seoul?" sunod-sunod na tanong ko nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan niya.
"May importante lang akong dapat tingnan. Sino 'yung lalaki sa picture? Boyfriend mo?" sa tono ng boses ni Kuya Shin parang galit siya o inis?
Ah, ewan basta parang ganoon 'yon.
"Hindi ko po boyfriend 'yon." pag-amin ko.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, pinakita sigurado ni Mommy 'yung picture na hawak niya.
"Kung ganoon, bakit kayo nag-kiss?!" biglang kumalma si Kuya Shin. Pero ramdam ko pa rin na may inis sa tono niya.
"Ako po ang may kasalanan at unang humalik sa kanya. Sa kagustuhan kong makatulong nag-take advantage pa ako." nakayuko kong sabi.
Naramdaman ko ang kamay ni Kuya Shin na hinawakan ang kamay ko at saka pinisil-pisil ito. Ngumiti siya sa akin habang nagmamaneho kaya napangiti rin ako.
Parang gumaan ang pakiramdam ko sa ngiting iyon ni Kuya Shin. Nung sandaling iyon, lahat ng hindi magandang nangyari. Parang wala nalang sa akin.
"Kalimutan mo na iyon, hindi naman lahat ng first ay pang forever mo na." makahulugan na sabi ni Kuya Shin.
Huh? Hindi ko gets? Ano iyon?