CHAPTER 07 :

1479 Words
" SAMSHI AND SHIN " PAGKATAPOS kong makapag-shower ay pumunta na ako sa study table ko at naupo para magsulat ng mga nangyari sa akin sa aking Diary.   ___________________________________ Dear Diary, Isang nakakabaliw at nakakalokang araw ang naranasan at pinagdaanan ko ngayon. Maaga akong gumising para makapag-bake ng cookies at cupcakes para kay Eisen. Dahil gusto kong mag-sorry sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Akala ko okay na, akala ko ayos na, akala ko wala na iyon. Mali pala ako, tama nga sila maraming namamatay sa maling akala. Pero ayoko pang mamatay.. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Eisen. Siguro epekto ito ng guilt na nararamdaman ko kaya para akong nasaktan. For the first time naging mahina ako kanina at walang nagawa nung hinahalikan ako ni Cav. Kahit sa hinagap, hindi ko na imagine na mangyayari iyon sa akin. Hanggang ngayon nga'y ramdam ko pa rin ang paghalik niya. Nakakatakot pala si Cav at may mga bagay na kapag ginusto niyang makuha, makukuha niya. Hindi lang pala si Eisen ang dapat kong iwasan pati na rin si Cav. P.S. Kahit na ang daming nangyari, masaya ako dahil nandito si Kuya Shin. ___________________________________    Haaaay.. mala novela na naman ang aking Diary. Isinarado ko na ang Diary at binalik na sa drawer kung saan ko ito nakuha. "Ano 'yung nilagay mo sa drawer?"   tanong ni Kuya Shin nung nasa likod ko na pala siya. "Ah, wala lang iyon, tulog na ako."   sabi ko. Pumunta na ako sa kama ko at nahiga na doon. "Talaga lang? Itong bagay sa'yo."   bigla siyang sumampa sa kama ko. "Hahahahaha. Tama na Kuya Shin, hahahahaha. Ayoko na."   natatawang sabi ko habang kinikiliti niya ako sa kama ko. "Eh, paano kung ayaw ko?"   sabi niya sabay kiliti sa magkabilang tagiliran ko. "Waaaah! Ku--hahaha--ya Shin, hahaha ayo---hahaha ko na!"   umiwas iwas ako hanggang sa nalaglag ako sa kama ko na una mukha ko. "Haaaray ku pu!"   pang out of this world na sabi ko habang sapo ang noo ko. Una ulo ko ba naman kasi nung malaglag ako sa kama ko sa kakaiwas-abante ko. "Samshi!"   sigaw ni Kuya Shin at dali-daling nilapitan ako. "Huhu tabi to tayo ayoto na, eh."   parang bata na sabi ko. Ganyan ako kapag nagtatampo o naglalambing, nagsasalita na parang bata. Pero dahil hindi naman ako nagtatampo at lambing ngayon. Nagsalita pa rin ako na parang bata kasi nasaktan ako, ang kulet kulet kasi ni Kuya Shin.    Sinabi ko na ngang ayoko na, ayon sige pa rin ng kiliti. Eh, alam naman niyang malakas ang kiliti ko tapos sige pa rin. "Aww! sorry na Samshi. Saan ba masakit? Ituro mo para magamot ko."   malambing na sabi ni Kuya Shin habang tinitingnan niya ako.    Aww! Ang sweet naman ng Kuya Shin ko.. "Matatit po dito, oh. Huhu tasi itaw, ih."   turo ko sa noo ko sabay sisi sa kanya.    Talaga naman, eh, si Kuya Shin may kasalanan. Feeling ko tuloy may bukol na ako sa noo. Huhu "Oh, ayan, masakit pa ba Samshi?"   hinalikan ni Kuya Shin ang noo ko at ngumiti sa'kin. Nakalimutan ko kung bakit may Shi ang Sam na tawag sa'kin ni Kuya Shin. Shi short for Shirley, saka ang cute daw pakinggang 'yung Shin loves Samshi.    Haha ang weird ni Kuya Shin, Shin loves Samshi daw, oh! pang mag-lovers 'yon, eh. "Okay na, Kuya Shin, wala na."   naka-smirk na sabi ko sabay kuha ng unan na nasa lapag at binato ko ang unan sa Mukha ni Kuya Shin. "Hahahahaha.."   tawa ko sabay tayo at takbo. "Ikaw, ha!"   tumayo na rin si Kuya Shin at hinabol ako. Para kaming bata na naghahabulan at nagmamataya-taya. Nung mapagod na kami ay nahiga na kami pareho ni Kuya Shin sa kama ko. "Kuya Shin, ginulat mo talaga ako. Biglaan talaga uwi mo sa pinas, eh."   sabi ko habang nakaunan ako sa chest niya. "Na miss kasi kita, Samshi."   sagot ni Kuya Shin habang tinatapik-tapik ang likod ko. Kapag ginagawa ni Kuya Shin 'yung pagtapik-tapik sa likod ko. Nakakaramdam talaga ako ng antok. Para lang akong baby na tinatapik-tapik hanggang sa makatulog. "Ayiii.. Ang sweet naman ni Kuya Shin, oh! kaya love na love kita, eh."   nakangiting sabi ko habang pinapakinggan ang t***k ng puso niya.    Ang bilis ng heartbeat ni Kuya Shin. Lagi nalang ganito ang heartbeats niya. May sakit ba si Kuya Shin? Pero imposibleng mangyari 'yon. Ang healthy healthy niya kaya! Varsity player pa nga siya sa school niya sa Seoul. "Mas mahal kita, Samshi."   malambing na sabi ni Kuya kasabay ng pagbilis pa lalo ng heartbeats niya. Niyakap ko si Kuya Shin ng mahigpit. Wala lang, gusto ko lang.    Wala naman malisya ang ganito kasi natural lang sa amin ito ni Kuya Shin.      Words nothing but words      For me to show      How much my love for you      unfolds Nagsimula ng kumanta si Kuya Shin, ako naman pumikit na para makatulog na dahil may pasok pa ako bukas.      Through trouble and fears      This love feels so real      And I need you to know      Even though we're far apart      You're right beside me in my      heart    Napakaganda talaga ng boses ni Kuya Shin. Itong kanta na ito ang laging kinakanta ni Kuya Shin sa akin. Lalo noong nasa Seoul pa ako, gabi-gabi niya iyon kinakanta pero hindi nakakasawang pakinggan.      Don't you know my love is      here?      Don't you know my love is      real?      You should know by now      This match is true      My love is here for you Nakakaramdam na ako ng antok pero kahit na ganoon, gusto ko pa rin tapusin ang pakikinig sa kanta ni Kuya Shin.      Time, nothing but time      To make up your mind      I'll give you all that you need      I want you to know      I'll never let go      'Til you come back to me      Even though you're far away      I'm right beside you day by day    Ako na ang pinakasuwerteng tao sa mundo kasi mayroon akong Kuya Shin na sweet, mabait, talented at higit sa lahat, Love na love ako.      Don't you know my love is      here?      Don't you know my love is      real?      You should know by now      This much is true      My love is here for you      Even though we're far apart      You're right beside me in my      heart      Don't you know my love is      here?      Don't you know my love is real      for you?      You should know by now      This much is true      My love is here for you... Pagkagising ko kinabukasan ay ganon pa rin ang posisyon ko nung natulog ako. Nakayakap ako kay Kuya Shin at nakaunan sa chest niya. Pinagmasdan ko siyang matulog, masasabi kong guwapo talaga si Kuya Shin.    Crush ko nga si Kuya, eh, crush is paghanga naman, eh. Kaya hindi masamang magka-crush ako kay Kuya Shin. Dahan-dahang bumukas ang dalawang mata ni Kuya Shin at ngumiti sa akin na mala asukal sa tamis. "Good morning Samshi."   sabi niya sabay halik sa noo ko.    Ang bango pa rin ng hininga niya kahit bagong gising lang at wala pang toothbrush, mabango pa rin. "Good morning din Kuya Shin."    nakangiti ako sa kanya sabay kiss sa cheek niya. Saka bumangon sa kama para mag-asikaso na. Seven o'clock na na kasi, eh. Hinatid ako ni Kuya Shin sa school, s'yempre nag-jeep na kami. Hindi ko pinagamit 'yung sasakyan niya dahil pagkakaguluhan lang siya. "Aral mabuti, ha? Samshi."   nakangiting sabi ni Kuya sabay pat ng ulo ko. "Oo naman, pagbubutihan ko talaga para uno ako."   masayang sabi ko. "Good girl, pasok ka na Samshi."    sabi ni Kuya Shin. Naglakad na ako papasok ng gate ng lingunin ko siya. Ngumiti lang siya sa akin sabay wave kaya ngumiti rin ako at nag-wave. Pagkapasok ko ng school, hinarang agad ako. Nang parang triplets kong kaibigan. "Sino 'yon Sam?"   tanong agad ni Rhea. "Boyfriend ko. Joke, Kuya ko 'yon, eh"   sabi ko sabay bawi. "Weh?"   sabi ni Marie Ann "Lokohin mo ang lelang mong panot"   sabi ni Claire.    Bahala nalang sila kung ayaw maniwala, eh. Basta ako happy ngayon. Deadmatology ang drama ko hanggang makapasok kami sa room. Umupo na ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. "Good morning bhie.."   biglang bumulaga sa harap ko si Cav na nakangiti ng malapad. "Bhie your face!"   pagtataray ko sa kanya. Lumapit pa siya sa'kin sabay ninakawan ako ng kiss.    Smack kiss lang 'yon pero nakakabadtrip ang ganoon no! I heard a gasps and loud scream sa buong room. "Whattasyete!"   hiyaw ko sabay umpog ng ulo ko sa ulo niya. "Ouch! Awtsu! Aray! Ang sakit non. Huhu."   napasapo ako sa noo ko. "Darn! what was that for?"   hindi inasahan ni Cav na nagawa ko 'yon. "For kissing me again without my consent."   sabi ko sabay tayo at labas ng room.    Ang sakit! na untog na nga ako kagabi sa floor ng kwarto ko, eh. Makapunta nga sa clinic, masakit pa rin, eh. Nagkapasa na ata ako o nalamog na noo ko. Huhu
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD