" THE STARES "
KASABAY kong pumasok ng Clinic si Raven Steve Dela Cruz, ang sikat na Casanova sa Dream University.
"Hello heart ko." bati sa akin ni Raven ng may mapang-akit na ngiti.
Akala mo naman madadala at maaakit ako sa mga ngiting 'yan? Asa ka naman na mangyayari 'yon. Casanova is still a Casanova!
Nakaka-eww ang mga casanova. RaveNova dapat pangalan mo.
"Heart ko your face! May pangalan ako!" galit na sabi ko.
Kung mamalasin ka nga naman, sinisira nila Raven at Cav ang masaya ko dapat na araw. Wew.
"Sungit!" sabi niya at nahiga sa isang kama na nasa Clinic.
Hindi niya ata kasama ang tropa niya ah, eh, ano naman paki ko di ba? We're not friends and I don't like to be his friend, eww Casanova! eww.
Hindi ko pa naman nahuhuli o nakikitang nakikipaglaplapan o nakikipaglandian s***h harutan sa mga babae si RaveNova.
Saka, yuck! Ayokong makita siya sa oras na 'yon. Baka maisuka ko lahat ng kinain ko.
"Uhmm.. puwede po makahingi ng gamot na ilalagay ko lang dito sa pasa ko." sabi ko sa bantay ng Clinic sabay turo sa noo kong medyo may pasa at kumikirot-kirot pa.
Wushu! ang sakit! kainis talaga si Cav! Kung hindi naman siya nagnakaw ng kiss hindi ko magagawang iumpog ang noo ko sa kanya.
Akala ko sa akin lalapit 'yung nagbabantay sa Clinic, hindi pala sa'kin.
Kay Raven lang pala siya lalapit. Argch! Invisible ba ako? Kainis naman 'yang babae na 'yan!
"Oh My Gulay! What nangyari to you? Are you okay naman? Your Labi ay bleeding." sabi nung Girl.
Whattasyete! Lakas tama ng babaitang ito ah! Taglish ma'men!
"........" no comment lang si Raven.
Nakita kong nagpapacute 'yung girl sa kanya. Ngayon ko lang napansin na may sugat siya sa lower lips niya.
Haaay naku! Dinedma ang beauty ko ng charm nitong Casanova. Asar! Ako na nga lang maghahanap ng cream na 'yon. Hmmm.. na saan kaya 'yun?
Hmm.. hindi ito, hindi rin ito, na saan kaya 'yon?
Habang 'yung babaeng bantay dito sa clinic ay nagpapa-cute at parang nilalandi ang dakilang casanova. Ako naman, abala sa paghahanap ng gamot dito sa mga lagayan ng gamot.
Na saan na kaya 'yon?
Ayun! Nakita ko na rin, nak---
Nung makita ko na 'yung cream saktong pag tip toe ko biglang na out balance ako. Paano ba naman, nasa taas inilagay 'yung cream.
Parang ayaw magpagamit ng cream, ah!
Hinihintay ko na lang na mapaupo ako sa floor pero hindi naman nangyari 'yon. Naramdaman ko na lang na may biglang umalalay sa akin.
"Sala-- psh! Salamat Raven." na disappoint talaga ako nang makilala ko kung sino 'yung taong biglang umalalay sa akin.
Malas! Ba't nandito na 'yung Casanovang ito? Makapanindig balahibo naman, nahakawan niya ako. Buti sa braso lang, kung hindi masasapok ko talaga ng wala sa oras ito. Err! Nakaka-badvibes!
"Oh? Ba't ganyan itsura mo? Salubong ang kilay? Na-disappoint ba kita? Anong gusto mo? Kiss?" inilapit niya ang mukha niya sa akin.
Mukhang may balak gumanti ang Casanovang ito sa ginawa ko kahapon sa kanya, ah!
"Hahahaha kiss? From a Casanova like you? Yuck!" sabi ko sabay tulak sa kanya ng malakas. "Anyway thanks!" dagdag na sabi ko.
Makabalik na nga lang sa room, lagyan ko lang muna itong pasa.
Nagkabukol na ata ang aking precious forehead.
Naglakad na ako papunta sa CR ng Clinic at pumasok sa loob.
Ouch! Awtsu! Aray! Ang sakit naman.
Pagkatapos kong malagyan ng cream ang noo ko, hinugasan ko sa gripo ang lips ko. Para matanggal 'yung smack kiss ng baliw na si Cav.
Argch! Kapag ninakawan na naman ako ng kiss non, isusumbong at ipapagulpi ko siya kay Kuya Shin, black belter pa man din 'yun sa taekwando sa Seoul.
Lalong pumula ang lips ko sa kakakuskos ko para lang matanggal 'yung kiss ng baliw na Cav na 'yon.
Pagkatapos kong punasan ng panyo ang aking lips ay lumabas na ako. Bumungad sa akin ang makaduwal na eksena na ikinabaliktad ng sikmura ko. I saw them eating each other.
"Hoy! Dalawang higad! Kung maglalaplapan kayong dalawa! Huwag dito sa clinic! Doon kayo sa motel o hotel!" sigaw ko sabay lakad na mala higante sa pagyabag.
Lumapit ako sa kanilang dalawa at iniabot ko sa babaeng mala unggoy na nakasabit sa leeg ni Raven na patuloy lang sa ginagawa nila.
"Oh, ito! Ikaw na magbalik sa lagayan ng may pakinabang ka!" isinuksok ko sa nagshoshow niyang cleavage ang cream.
Huk! Parang masusuka ako, huwag naman sana. Sayang 'yung pan cake na kinain ko na gawa ni Kuya Shin.
Naglakad na ako palabas ng pinto ng mga humatak sa'kin.
"Hoy! Bitawan mo nga ako!" pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa'kin.
"Gusto mo rin ba?" naka-smirk niyang sabi.
"Yuck! never kong magugustuhan 'yan! So, eww ang mga Casanovang kagaya mo." mariin na sabi ko.
Parang nasaktan yata siya sa sinabi ko kasi lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Kaya nakawala ako at tuluyang umalis na ng clinic.
Sayang si Raven, tama 'yung sinabi niya kahapon na guwapo talaga siya. Pero kahit na guwapo siya, nakakadiri naman siya. Kasi isa siyang Casanova! Yucky Casanova.
Pumasok ako ng room na ang mga mata ng naroroon ay nakatingin sa aking kagandahan.
Hahaha! Echos! Joke lang, hindi ako maganda may mukha lang.
Hindi ko sila pinansin at naupo na ako sa upuan ko. Mabuti nalang wala pang Prof.
*Words nothing but words
for me to show
How much my love
for you unfolds*
Biglang nag-ring 'yung cellphone ko.
Na LSS kasi ako sa kantang 'yon, sa katunayan 'yung caller ringtone ko ay My Love is here cover by Kuya Shin. Hihi.
"Hello." bigla akong na good vibes. Si Kuya Shin kaya ang tumawag kaya agad-agad kong sinagot ang tawag.
Kahit kailan talaga, right timing si Kuya Shin.
"After school mo, punta tayo ng mall." yaya niya sa'kin.
"Sige ba, ayii.. Na miss ko na 'yung date natin." tuwang-tuwa na sabi ko.
Lagi kasi kaming pumupunta ng Mall tuwing nasa pinas siya. Sa Seoul naman ganoon din, bonding nga namin 'yung pagpunta ng KTV bar ei. At kumanta ng kumata ng wantusawa.
"Ganoon ba Samshi, hmm.. Mukhang masaya at excited ka na, ah! Sige baba ko na ito. Class hours mo pa pala. See you." sabi niya.
"Syempre! Masaya ako dahil magde-date tayo. Ah, sige, see you mamaya." ibinaba ko na ang tawag ni Kuya Shin.
Hindi ko alam pero napatingin ako sa katabi ko. I saw Eisen in his sad face. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka lungkot.
May problema kaya siya? Haaaay.. Ano naman pakialam ko di ba? Ayaw naman niya sakin, eh. Oh! Not in a term na may gusto ako sa kanya tapos ayaw niya sa akin.
Nang tumunog na ang bell ay mabilis akong lumabas.
"Sam, hintayin mo naman kami, oh." sabi ni Claire habang nauuna akong maglakad sa kanilang tatlo.
"Sorry girls, I'm in a hurry." sabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Halos gusto kong hatakin ang oras na mag-uwian na, excited na ako sa date-date namin ni Kuya Shin. Kaya di nila ako masisisi kung bakit ako nagmamadali.
Parang gusto kong kumuha ng isang drum na kumukulong tubig na ipangbubuhos ko sa mga babaeng higad at haliparot na nakapaligid kay Kuya Shin.
Argch! akin lang ang Kuya Shin ko!
"Excuse me! Excuse me, dadaan ang magandang babae." sabi ko habang nakikipagsiksikan at tulakan.
Kahit na nasa gitna si Kuya Shin nung umpukan ng mga haliparot at higad, kitang-kita ko pa rin siya. Matangkad kasi, hanggang lower chest niya nga lang ako eh. Kahit 5'7 ang height ko, wala pa rin yan sinabi sa six footer na 6'5 ang height.
Ewan! Hindi ko alam kung saan siya pinaglihi ni Mommy, eh, ka height ko lang si Mommy. Si Daddy naman ay 5'11 ang height, tapos nagkaanak sila ng 6'5? Woah na Woah talaga.
"Ouch! Awtsu!" bumalik ang ulirat ko ng masiko ako ng babae na tumama sa tummy ko.
Paano ba naman, ang liit-liit niya, nakikipagsiksikan pa.
"Samshi, are you okay?" may biglang umalalay sa akin.
"No, I'm not!" sabi ko tapos tiningnan ko siya.
Makalaglag panga ng masilayan ko ang kanyang kaguwapuhan.
"Kuya Shin, huhuhu I'm scared sa mga higad at haliparot na nakapaligid sayo." halos naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Huwag kang matakot Samshi, nandito lang ako. Saan ba masakit? Oh, anong nangyari sa noo mo?" dahan-dahan niyang hinaplos ang noo ko, saka ito hinalikan.
I feel like I'm tomato now..
"Awwwww."
"May gf na si pogi."
"Waah' they look perfect to each other."
"I'm so inggit talaga."
"Ang lucky naman ni girl."
Narinig ko 'yung mga samot-saring reaksyon sa paligid. Naramdaman ko na lang na yakap-yakap ako ni Kuya Shin habang papaalis sa umpukan.
Nakaalis naman kami ng maayos at ang sasama ng tingin sa'kin ng mga babae.
Grabe! Nakakatakot sila, parang medusa lang ang peg nila.
"Let's go Samshi." sweet na sabi ni Kuya Shin. Then he held my right hand.
"Yeah' let's go now." ngumiti ako sa kanya.
Nagsimula na kaming maglakad ng may na pansin ako.
Anong ginagawa nilang tatlo dito? Huh? Ba't ganyan makatingin 'yung mga kaibigan ko?
Nakita ko din sila Eisen, Cav at Raven na nakatingin sa amin. 'Yung mata ni Eisen parang nasasaktan, si Cav naman parang tutunawin na si Kuya Shin sa tingin, si Raven naman naka-close fist na parang manununtok na.
'Yung tatlong friends ko ayun, nakanganga at tulo laway pa.
"Kuya Shin, gusto kong ipakilala sayo 'yung tatlong friends ko." sabi ko.
"Sure, na saan ba sila?" nag-smile siya na halos makatunaw puso talaga.
"Dito." hinila ko na siya palapit sa mga kaibigan ko.
"Marie Ann, Claire, Rhea meet my Kuya Shin." sabi ko na nakangiti na abot ears.
"Ha-hi?" in chorus nilang sabi.
Himala, ang tahimik nila. Ano kayang sumapi sa kanilang tatlo?
"Hi' I'm Shin." sabi ni Kuya, at nakipagkamay sa tatlong friends ko na parang mahihimatay pa yata.
"Who's that guy Bhie?" biglang umeksena si Cav.
"Bhie your face!" pagtataray ko sabay irap.
Maganda kaya ako! Ay hindi pala, Diyosa ako. Hahahaha!
"I'm her fiance, who are you?"
biglang nagsalita si Kuya Shin kaya natameme si Cav.
Haha Si Kuya Shin talaga oh, pero teka lang. May nabanggit sila Mommy at Daddy non, ah, totoo kaya 'yon? May fiance na ako? Eh, 17 years old pa lang ako, ah! Ang bata ko pa para magpakasal.
"Really?" ayaw ata magpatalo ni Cav.
"Yes, I am. How about you?" balik tanong naman ni Kuya Shin sa kanya.
"Soon to be her husband." mapang-asar na ngumiti si Cav kay Kuya Shin.
"Hindi ikaw! Kundi ako, Ako ang mapapangasawa niya!" biglang sumingit sa usapan si Raven.
Tiningnan ako ng mga kaibigan ko na may 'anong meron na look'. Nagkibit-balikat na lang ako.
"Hey! tama na nga 'yan." awat ko kasi may namumuong kuryente sa pagitan nilang tatlo.
Akala ko papalag pa sila, para masaya niyaya ko sila kaso tumanggi sila. Kaya kami na lang ang pupunta ni Kuya Shin.
Hoho magde-date kami, haha.