CHAPTER 09 :

1367 Words
" STRANGER " NAGPIPIGIL na ako sa inis na nararamdaman ko.    Argch! Kung makatingin naman sila kay Kuya Shin ko, parang hinuhubaran na nila. Kung tusukin ko kaya ang mga mata nila na parang nagtutuhog lang ako ng kwek kwek or fish ball kaya? Tapos idi-dip ko sa sauce na may maraming-maraming sili. Haha, kaso nakaka-eww naman kapag ganon. Kung dukutin ko kaya gamit ang tsane o ng chopstick nalang kaya? Kaso ayokong magsayang ng ganon, sayang lang kapag sa mga mata lang nila gagamitin. Eh,  kung mag-alaga kaya ako ng uwak? 'Yung parang napapanood ko sa mga  Horror Movie. 'Yung dinudukot ng uwak 'yung mata ng isang tao tapos kakainin. "Kailangan mo ba ng salbabida Samshi?" Bigla akong bumalik sa reyalidad nang may nagsalita sabay pisil ng kamay ko at nakipag-holding hands pa nang mahigpit na para bang mawawala ako sa kanya. "Salbabida? Magsu-swimming ba tayo? Kuya Shin?"  maang na tanong ko.    Wushu! Napaka brutal naman ng iniisip ko, saka nakakadiri. Buti nalang natigil ang pag-iisip ko ng ganon, kasalanan pa naman ang mag-isip ng masama sa iyong kapwa. Pero naman kasi eh, kung makatingin talaga sila kay Kuya Shin sobrang mahalay talaga. Bakit ba kasi ang guwapo-guwapo ni Kuya Shin? Tapos ang hot pa, take note ang bango-bango pa niya. Hey! Sam, kapatid mo siya! kapatid mo, baka taluhin mo pa, waaaah! "Eh, kasi, ang lalim ng iniisip mo. Baka malunod ka na niyan Samshi."   nag-smirk siya sabay pat sa forehead ko.    Waaah ba't ganito si Kuya Shin? Sana ano, sana hindi ko lang siya Kuya. Pagnasaan daw ba? No! No! Stop Sam! isang kasalanan 'yan sa batas ng tao at batas ng langit at lupa, empyerno! Hanudaw sabi ko? Ah, basta! "Kuya naman, eh, akala ko naman kung ano na tapos biglang ganon."    sabi ko sabay pout. "Nagtampo naman agad ang Samshi ko, ang cute cute cute mo when you pout like that Samshi. I miss that."   sabi niya sabay smile ng wagas tapos pinisil pa ang ilong ko. "Aww." "Ang sweet naman." "So, cute couple." Nasa may fountain kami ngayon ni Kuya Shin na nasa loob lang ng Mall.    May date nga kami diba? ehem! Siblings date. Nakaharap kami ngayon sa fountain, marami ng coins ang nandoon. Kaya susubukan din namin ni Kuya Shin na maghagis din doon sabay wish. Wala naman mawawala kung susubukan namin. Kaya lang, hindi pa nga kami nakakapaghulog kasi ang dami-dami ng matang nakatingin sa amin. Ay mali, mali,  kay Kuya Shin lang sila nakatingin eh. "Weh? Miss daw, oh? Tara na nga, maghagis na tayo ng coins at saka magwish. Nang makaalis na tayo dito, gusto ko na kumain, eh. Saka nakakainis na talaga 'yung mga babaeng tutunawin at huhubaran ka na sa isip at tingin nila."    naiiritang sabi ko.    Err! Kainis naman, oh! Mukhang hindi ko ito mae-enjoy ang date-date namin ni Kuya Shin. Kung may mga ganitong tao sa paligid na masarap i-slippers. "Oo nga, na miss ko talaga. Bakit ayaw mo yatang maniwala? Don't mind them, kahit na maraming tumitingin sa akin, iisa lang naman ang tinitingnan ko. 'Yun ay ikaw lang, Samshi."  makahulugang sabi niya.    Ewan ko ba, nag-transform na naman ako into a tomato. Paano ba naman kinilig ako, pero dapat hindi ko ito nararamdaman kasi maling-mali ito. "Pili ka Kuya Shin, magwi-wish na ba tayo o uuwi na tayo?"   pag-iiba ko ng usapan. "Magwi-wish na, magbibilang ako ng tatlo sabay tayong maghahagis at magwi-wish. Okay, 1, 2... and 3." Nung marinig ko na 'yon ay naghagis na ako ng tatlong coins at taimtim na nag-wish.    Hindi ko alam pero matagal ko na rin itong nararamdaman. 'Yung ganitong pakiramdam na parang may kulang. 'Yun bang kulang para masabi kong masaya talaga ako. Oo nga, masaya ako pero hindi naman as in na masayang-masaya. Ah, basta! Sana, sana mahanap ko na ang kukumpleto sa aking happiness. Para maging ganap na talaga akong masaya. Kahit na ang dami-dami kong na sabi  nung tiningnan ko si Kuya Shin. Nakapikit siya at kung sinuswerte ka nga naman. Binulong niya ang wish niya na hindi ko naman sinasadyang marinig. "I just want to be with her everyday, to see her smile, to always makes her smile and laugh, to love her in silent. I wish someday, I could tell her how much I Love her and I just want to be in her side forever."   wish ni Kuya Shin. I saw a tear drops falls in his cheek.    Ouch! Who's the lucky girl Kuya Shin? waaah! I'm jealous. Pagkatapos namin mag-wish doon sa fountain ay umalis na kami ni Kuya. "Saan mo gustong kumain Samshi?"   tanong niya habang naglalakad kami.  "Kahit saan."  sagot ko. "Walang kahit saan Samshi."   sabi ni Kuya Shin. "Mayroon kaya."  sagot ko.    Ayoko na kinokontra ako. Haha, joke lang. "Saan naman 'yon?"   sabi niya habang palinga-linga siya. Hinahanap siguro 'yung 'Kahit Saan' na restaurant. Natawa tuloy ako ng palihim. "Kahit saan na restaurant o kahit sa food court? Basta may pagkain, 'yung masarap saka syempre dapat luto."  sabi ko sabay tingin sa kanya. Natawa ako sa naging facial expression ni Kuya Shin. Kung kanina ngiting-ngiti siya ngayon nag-iba na. Ngiting ewan na. "Last mo na 'yan Samshi."   sabi ni Kuya Shin.    Ang daya naman ni Kuya, hindi naman siya mabiro. Eh, bakit 'yung tatlong friends ko na sila Claire, Marie Ann at Rhea natawa sa joke ko. Saka kanina biniro niya pa ako about doon sa salbabida at lunod na raw ako sa lalim ng iniisip ko. "Yes Sir!"  sabi ko sabay Salute. "Don't call me Sir, I'm not your teacher."   sabi niya na emotionless. "Ah, okay Boss."  naka-smile ako at nag-salute rin. "I'm not your Boss and you're not my employee."   sabi na naman niya na nakakunot pa ang noo. "Okay Master."  sabi ko naman sabay na humarap sa kanya at nag-bow head ako. Sa ginawa kong 'yun napahinto siya sa paglalakad. "You're not my slave, to be your Master."   sabi ni Kuya Shin na mukhang hindi na natutuwa.    Okay, I give up! wala eh, bara ako, eh. "Okay po."  'yun nalang sinabi ko. Pumunta na kami ng food court ni Kuya Shin. "Hi Miss Beautiful, mukhang nag-iisa ka yata dyan?"   may lalaking lumapit sa akin dito  sa table habang hinihintay ko si Kuya Shin na um-order s***h bumili ng pagkain namin. "Ay hindi hindi, nagdadalawa ako."   wala sa mood na sabi ko.    Kainis! FC naman nito masyado. "Hahahahaha."  tawa niya.    Baliw na ito! Saang mental institution kaya ito galing? "Psh!"  react ko nalang.    Wala lang, kainis lang. Tawanan daw ba ako. Wait a minute, diba? nag-joke ka Sam? So, he laugh like that. "I've never thought that you're funny. Great! You're not only beautiful, you have a sense of humor."  sabi nung FC na lalaki tapos umupo pa sa upuan ni Kuya Shin sa harapan ko. "And so--"  hindi ko pa naman natatapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa kanya. "Hey! Lei, tama na pangchi-chic's.  Male-late na tayo!"  sabi ng isang lalaki. Tiningnan siya ni FC guy na Lei ata ang name.    Ah, ewan ko. "Okay."  sabi niya matapos tumingin sa tumawag sa kanya. "Got to go Miss Beautiful. Nice to meet you."  sabi niya at kinuha ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa. And he kissed my hand. Napatulala talaga ako as in! That was the first time.    Uhmm.. is that real? He kissed my hand? Matapos niyang gawin 'yun ay tumayo na siya at nag-wave sa akin while smiling. "Sino 'yun?"  tanong ni Kuya Shin na may hawak na tray na may pagkain.    Alangan naman tray na may itlog? Haha,  okay, corny. "Stranger, hindi ko kilal, eh."  sagot ko. "Don't talk to the stranger next time."  sabi ni Kuya Shin na halatang hindi gusto ang nangyari. "Okay po."  mabilis na sagot ko. After namin kumain, umuwi na kami. Paano ba naman nag-text si Mommy. Umuwi na raw kami.    Haay.. ang buhay parang life. Haha what? Okay corny. Kakatapos ko lang magsulat sa diary ko. _______________________________ Dear Diary, Nakakalokang araw! Ang dami talagang nangyari sa akin. Hindi ko na isusulat dito, baka maging novela na ito. 'Yun lang.  _______________________________    Makatulog na nga. After kong ibalik sa lagayan ang Diary ko,  sumalampak na ako sa kama at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD