" UNEXPECTED KISS "
NAKATAYO lang ako dito habang tinitingnan ko siya.
"Parang ang bilis naman Kuya Shin." malungkot na sabi ko.
Bukas na siya babalik ng Seoul. Parang ayokong paalisin si Kuya Shin, gusto ko dito lang siya. Saka, 'yung wish niya doon sa fountain sa mall na pinuntahan namin. Paano kung pagbalik niya sa Seoul, ligawan niya na 'yung babae na tinutukoy niya? Tapos pagbalik niya dito sa pinas, magpapakasal na sila tapos magkakaanak na. Tapos bubukod na si Kuya Shin kaya hindi na titira sa bahay. S'yempre, may sarili na siyang pamilya kaya hindi na kami ang pamilya niya.
"Hey! Samshi, anong itsura 'yan? Para kang pinagbasakan ng langit at lupa." sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Haha, wala ito Kuya Shin. May bigla lang akong naalalang weird pero nakakatawa talaga." I fake my laugh.
Go Sam! Pretend, pretend that you are okay.
"Kung kanina, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. Ngayon naman para ka ng baliw Samshi. Okay ka lang ba talaga? Tell me?" humarap siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.
"Don't worry Kuya Shin, I'm okay. See." sabi ko and I show to him my sweetest smile.
You are a good pretender Sam.
"Oh, I see." sabi niya na talagang napaniwala ko.
Yes! Napaniwala rin. Wushu! kaunting acting pa Sam, baka mahuli ka pa. Mahirap na, baka magdrama ka pa para lang hindi siya umalis. May studies pa naman siya sa Seoul, at baka ikaw pa Sam ang maging B.I. sa kanya.
Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Pero wala eh, ganoon talaga ako since birth.
"Ah, Kuya Shin tara na, male-late na ako sa class ko. Ihahatid mo pa ba ako? o hindi na?" tanong ko dahil papasok na ako ng school.
"Kailangan pa bang tanungin 'yan Samshi? S'yempre, ihahatid kita. Akin na nga itong bag mo, ako na ang magbibitbit nito." nakangiti niyang sabi at kinuha ang bag ko.
"Ayii, ang gentleman ng Kuya Shin ko. The best Kuya ka talaga." masayang sabi ko ng naka-thumbs up pa ako.
Nakita kong nalungkot siya bigla.
Bakit ang lungkot ng face ni Kuya Shin? ay oo nga pala, sinong hindi malulungkot kung sa ibang bansa ka nag-aaral tapos 'yung pamilya mo nandito sa pinas. Don't be sad Kuya Shin, please? please? Akala mo naman maririnig 'yung please ko.
"Uy, Kuya Shin, tara na." sabi ko habang hinihila-hila ang damit niya pababa.
'Yun bang parang batang paslit na humihingi ng candy sa nanay nila.
"Oops, sorry, let's go now." sabi niya then he held my right hand.
"Kuya Shin." parang nanggigil ako bigla kaya bumitaw ako sa pakikipag-holding hands sa kanya at yumakap sa braso niya habang palabas kami ng gate.
"Samshi.." mahina niyang sabi.
"Hu-why? Kuya Shin?" nangingiting sabi ko.
I saw him blushed, his face was color red like a red apple not a tomato.
"Ah, eh." then he blushed again.
So apple.
Tumingin siya sa akin habang mansanas ang mukha. Nung napatingin siya sa braso niya at sa dibdib ko, napakalas ako mula sa pagkakayakap sa braso niya.
Awkward..
"Ehehe, sorry." now my face turns red. My face is like a tomato.
What the hell are you doing Sam? Why did you do that? Whattasyete Sam! Think before you act or you do a crazy things.
"It's okay Samshi, tara na." sabi niya kahit parang mansanas pa rin ang kulay ng mukha pati tainga.
"Okay." matipid na sagot ko tapos na una ng maglakad sa kanya.
Nakarating naman kami ng maayos na wala akong ginawang ka engotan.
"Kuya Shin, hanggang dito mo nalang ako ihatid huwag na sa may gate kasi pagkakaguluhan ka na naman doon." sabi ko habang kinukuha ang bag ko sa kanya.
Araw-araw akong hinahatid at sundo ni Kuya Shin simula nang dumating siya dito. Two weeks na siya ngayon, sa two weeks na 'yon hatid-sundo niya ako.
Ang suwerte ko talaga dahil may Kuya Shin ako.
"Pero Samshi, gusto kong masigurong safe ka." kitang-kita sa mata niya ang concern at worried sa akin.
Sweet Kuya Shin, so sweet.. Can you be my prince in our next life? In that life I hope we're not siblings, so you can be my sweetest and loving boyfriend s***h lover and husband.
"Yii.. you're so sweet Kuya Shin." sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Ayt, sorry." bigla akong napalayo sa kanya. I saw him blushed again.
Ang weird naman, bakit namumula si Kuya Shin?
"Bhie, let's go. We're late."
May biglang humatak ng braso ko at sapilitang kinuha ang bag ko kay Kuya Shin.
Nice! sobrang gentleman naman nitong si Cav. Tama bang hatakin ako eh, kaharap ko pa si Kuya Shin. Saka tama bang makipagbuno kay Kuya Shin para makuha ang bag ko! Pasalamat siya, nagpaubaya nalang si Kuya Shin kaya nakuha niya ang bag ko. Kung hindi, baka nakahiga na siya diyan. Don't forget na si Kuya Shin ay black belter sa taekwando.
"Kuya Shin, see you later." sabi ko while waving my free hand.
Ngumiti lang ng pilit si Kuya Shin pero bakas sa mukha niya ang inis.
Sino bang hindi maiinis diba? Parang walang magandang asal itong si Cav.
"Hey Cav! hindi ako stroller bag na hahatakin s***h kakaladkarin sa lugar na gusto mo." reklamo ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa braso ko. Nasa loob na kami ng school at nasa quadrangle na.
"In one condition!" mariing sabi niya at humarap sakin tapos..
"Whattasyete! Cav! Patay ka sakin kapag naabutan kita!" hinabol ko siya.
Lokong Cav to! Pinaglihi yata ito kay Lupin, ang bilis makanakaw ng kiss. Argch! kahit smack lang 'yon nakakarami na siya! He's not my boyfriend. Kaya wala siyang karapatang halikan ako! Saka buong campus lang naman nakakita sa ginawa niya, ililibing ko na talaga siya ng buhay! Ang sasama ng tingin sa akin ng mga babae ngayon, kahit na tumatakbo ako. Nakikita ko pa rin ang masamang tingin nila.
"Hahaha! kung mahuhuli mo ako." nagbelat pa siya sa akin at kumaripas pa ng takbo pa akyat ng hagdan.
Aba! nakuha pang mang-asar nito. Argch! I'm gonna kill you! Cedric Andrew Villanueva!
Halos kapusin ako ng oxygen nang makarating ako sa room namin.
Parang papatayin ata ako ng Cav na 'yan! Nasa third floor lang naman ang room ko.
Pagpasok ko nasa upuan ko na ang bag ko, nakita ko agad si Cav. Lalapitan ko na sana siya kaso biglang dumating si Prof.
Ligtas ka ngayon, pero mamaya todas ka na sa akin.
"Calling Sam on earth, hello?"
"Why?" sambit ko.
Bigla akong pinisil sa left cheek ko ni Marie Ann. Paano ba naman kanina pa siya dakdak nang dakdak tapos ako naman lumilipad ang diwa.
"Ouch, Awtsu, Aray! ang sakit!" react ko at napahawak na lang sa left cheek ko.
"Hahahahahaha." tawa nilang tatlo.
Nandito na naman kami sa cafeteria ng mga kaibigan ko.
"Haha, you're so funny talaga Sam." natatawang sabi ni Claire sa maarteng tono.
"Hahaha, ang epic ng reaksyon ni Sam. Haha." halos mawalan na ng hangin itong si Rhea kakatawa ng tawa.
"Hahahahaha." tawa naman ni Marie Ann.
"Hahaha, hehehe, hihihi. Sa pasko na ang hoho at kapag broken hearted na ako ang huhu." sabi ko and they laugh again.
"Hahahaha!" tawa nila na parang walang bukas.
Tumayo ako at iniwan silang tatlo.
Wala akong time makipagtawanan sa kanila. Nasaan na kaya 'yung Cav na 'yon ng matsugi ko na siya.
Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa may nakita akong dalawang pamilyar na tao.
Anong mer--SHINkamas! an'yare?!
Nanlaki talaga ang mata ko nung sinuntok ni Cav si Eisen. At dahil sa ginawa niya, dumugo ang lower lips ni Eisen saka nalaglag 'yung salamin niya sa mata. Biglang umalis si Cav at iniwan si Eisen na tulala habang ang isa niyang kamay ay sapo ang lower lips niya.
"Eisen?" umiral na naman ang pagka-concern ko kaya lumapit ako. Tiningnan niya lang ako saka tinalikuran at naglakad palayo sa akin.
Huh? tama bang iwanan ang diyosang kagaya ko? Chos! Haha.
Dahil concern nga ako sinundan ko talaga siya. At pumasok siya sa isang pinto.
Hmm.. Anong room ba ito? Ah, bahala na nga.
Pagkapasok ko isinara ko ang pinto. Nakita kong nakaupo siya sa isang sulok at nakatungo sa tuhod niya. Lumapit ako at umupo sa harap niya pero hindi 'yung umupo sa sahig.
"Okay ka lang Eisen?" tanong ko habang tinitingnan ko siya.
Nice question Sam! Baka nakakalimutan mo, nasuntok siya. Natural na hindi siya okay.
"Oops! sorry, ibig kong sabihin masakit pa ba? Tara sa clinic para magamot yan." sabi ko nalang.
Hindi niya ako kinibo at nanatili sa ganoon na posisyon.
Mukhang ayaw niya pa rin makipag- usap sa akin kahit na naiayos ko 'yung bagay na dapat ayusin. Pero dahil ayokong matsismis pa ng iba 'yung real score sa amin. Sinabi kong nakipag-break sa akin si Eisen. Kapag sinabi ko kasi 'yung totoo baka lalo lang siyang i-bully.
Tumayo nalang ako at humakbang na papunta sa pinto.
"Shirley, I'm sorry." sabi niya nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
Nagulat nalang ako nung bigla niya akong i-back hug.
"Ah, eh, Eisen?" hindi ko na alam kung ano ang dapat kong i-react sa ginawa niyang 'yon.
"Shirley.." mahinang sabi niya.
Sa totoo lang ayokong tinatawag akong Shirley. Before kasi binu-bully akong Shirt'ley or Sh*tley.
"Bakit?" 'yan lang ang nasabi ko.
"Habang maaga pa, huwag kang mai-inlove o mahuhulog sa kanya." halata sa tono ng boses niya na seryoso siya.
"Huh? hinding-hindi ako mapo-fall sa Lupin na 'yun, no!" mariin kong sabi habang bahagyang natatawa. Dahil naisip ko na si Cav ang tinutukoy niya.
"Lupin?" maang na tanong niya.
"Lupin kasi tawag ko sa kanya, simula nung ninanakawan ako ng halik nung Cav na yon!" sabi ko na medyo naiinis.
"Ah, ganun ba, salamat. Akala ko huli na ako." lalong humigpit pagkakayakap niya sa akin mula sa likod ko.
"Time first muna." sabi ko sabay taas ng bahagya ng kamay ko.
"Hehe, ikaw talaga Shirley." narinig ko ang pagtawa niya. Unti-unting lumuwag ang pagkakayap niya sa akin.
Oh my Guwapo! Ang guwapo naman ng nilalang na nasa harap ko. Kaso mukha siyang sanggano tingnan dahil sa pasa at sugat sa lower lips niya.
"Masakit ba?" tanong ko sabay touch doon sa part na may sugat at pasa. Napakurap siya halatang nasaktan siya sa ginawa kong 'yon. "So-sorry Eisen." tarantang sabi ko at napaatras ako.
Wrong move, why?
Na out balance ako at naramdaman ko ang kamay ni Eisen pero it's too late kasi I fall. ah, mali, mali pareho kaming bumagsak sa sahig.
Accidentally, we kissed in that position. 'Yung nakahiga ako sa floor habang siya nasa ibabaw ko. Gusto ko sana siyang itulak para makalayo sa akin pero may bahagi sa sarili ko na ayaw na gawin 'yon.
Go Sam! Chance mo na itong mahagkan ang labi niya. Huwag ka ng magpatumpik-tupik pa! Push na natin ito. To the highest level, sabi ng malandi kong konsensiya.
Don't do that Sam! Stop that thought. Umayos ka, dalagang pilipina ka, huwag na huwag mong kakalimutan 'yan! Kung ayaw mong malunod sa kumunoy. sabi naman ng matino kong konsensiya.
Pero dahil nandito na rin lang sa awkward position. Itinulak ko siya palayo sa'kin para magkalayo ang magkalapat naming lips. Pero dahil sa mapanuksong pagkakataon, naramdaman kong he started kissing me.
Wait lang, di ba? dapat lalayo siya sa akin dahil iniiwasan niya ako? But wait a minute! Sa mga palabas kung may ganitong eksena, 'yung taong nasa ibabaw 'yung biglang tatayo at iiwas? Bakit mali yata? Kasi hinahagkan niya ako imbes na lumayo at tumayo siya.
Sa totoo lang nalalasahan ko 'yung dugo sa lips niya habang patuloy lang siya sa paghalik sa'kin. Pero kahit na ayaw ko at kahit hindi ko naman gustong gawin ito. May bahagi sa sarili ko ang gustong tugunin o sagutin ang mga halik na 'yon ni Eisen.
Tulad ng sinabi ng malanding konsensiya ko. Tinugon ko ang mga halik na 'yon. Hindi ko alam kung gaano katagal ang paghahalikan namin. Akala ko pa nga mauuwi na sa rated SPG in letter S. Buti nalang make-out make-out lang.
"Sorry Shirley sa kapangahasan ko, alam kong wala akong karapatan na angkinin ang labi mo lalong-lalo na ang ano, uhm.. ang angkin ang isang babae na katulad mo Shirley." sabi niya matapos huminto sa paghalik sakin.
"AAAAH! Ano ba .yan!" sigaw ko sabay subsob sa unan ko. Dahil naalala ko lang naman 'yung nangyari sa school. Lalo na 'yung sinabi ni Eisen na nagpakabog sa puso ko.
Nakalabas kami ng room na walang labis at walang kulang.
"Okay Sam, erase that thought and go to sleep na! But bago ang lahat, sulat muna kay Diary." sabi ko sa sarili ko.
Bumangon na ako sa kama at nagsulat.
________________________________
Dear Diary,
May itsi-chika ako sayo, alam mo bang Eisen and I ay naghalikan sa isang room with that awkward position. Hindi ko alam, imbes na magalit ako, nagustuhan ko pa.
P.S. May tanong ako, malandi na ba ako? Pakisagot naman, salamat!
________________________________
Pagkatapos kong magsulat at ibalik sa drawer ay natulog na ako.