CHAPTER 11 :

1778 Words
" A KISS " MAHIMBING akong natutulog nung may marinig ako.      Even though we're far apart      You're right beside me in my heart      Don't you know my love is here?      Don't you know my love is real for      you?      You should know by now      This much is true      My Love is here for you. Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang lyrics ng kantang 'yon.  "Kuya Shin.."    inaantok at mahinang tawag ko sa kanya nung makita ko siyang nakaupo sa tabi ko. "Samshi.."   gitlang sambit niya ng pangalan ko na tila ba natatarantang ewan. Kitang-kita ko ang mukha ni Kuya Shin, ang pagkagulat niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti nalang siya.    Anong ginagawa niya sa kwarto ko? Ay oo nga pala, minsan magkatabi kaming matulog ni Kuya. Kinakantahan pa nga niya ako ng My Love is here. Pero bakit ganoon? di ba? nakakatulog ako kapag kinakanta niya 'yon? Bakit ganoon, nagising ako? Hmm.. saka ba't nakaupo siya? Ayaw niya bang humiga at matulog? "Bakit Kuya Shin?"    wala sa loob ko na naitanong ko sa kanya. At napahikab nalang ako. "Ang mabuti pa Samshi, matulog ka na uli  gabi pa."   sabi niya habang nakatitig lang sa akin. Napapikit nalang ako dahil inaantok pa rin talaga ako. Saka sabi ni Kuya, gabi pa raw kaya ayon, antok much si ako. "Samshi..." Narinig kong tinawag niya ako, magmumulat pa sana ako ng mata kaso inaantok pa rin ako. "Hmmm?"   nakapikit lang ako at tanging 'hmmm' lang ang sinagot ko. "Mahal na mahal kita, Samshi..."   narinig kong usal niya. "Ma..hal din ki..ta *yawn* Kuya Shhhin.. *yawn*"   halos pabulong na tugon ko habang naghihikab. Sandaling tumahik ang paligid kaya naman unti-unti na akong makakatulog at mananaginip na. Nang may hindi ako inasahan na maririnig na pumukaw sa aking diwa. "Iniisip ko palang na malalayo na naman ako sayo, nanghihina na ko. Ayokong umalis dahil ayokong maging malayo na naman ako at wala na naman sa tabi mo. Natatakot ako na baka isang araw ay bigla ka nalang mawala sa akin. Natatakot ako na may taong umagaw sayo mula sa akin o baka may mahalin ka habang wala ako. Samshi, puwede bang.. puwede bang huwag ka munang mai-inlove? Hintayin mo ko please? Sa ngayon hindi ko pa kayang ipagtapat sayo ang lahat-lahat. Pero dalawang kataga lang ang iiwan ko sayo, Mahal Kita... Samshi.." Matapos kong marinig 'yon, may bigla akong naramdaman. May parang tubig na pumatak sa mukha ko. Kaya naman bahagya akong nagmulat ng mata. I saw Kuya Shin, umiiyak siya. Hindi ko alam kung bakit siya umiyak. Naguguluhan ako. Sandali akong napapikit ng mata at pagmulat ko muli ng mata ko. Nakita kong unti-unting lumalapit ang mukha ni Kuya Shin kaya napapikit ako. The next thing I know is, he kissed my forehead.    Sweet Kuya Shin. Swe-- Nagitla ako nang maramdaman ko ang isang bagay na hindi ko inasahan.    Kuya Shin kissed me on my lips? "HARUY ku pu!"   napahawak ako sa bandang balakang ko na nasaktan.    Huh? panaginip? ay sayang naman. huh? what did I say? erase! erase! erase! Sinampal-sampal ko ang mukha ko.    Huh? bakit ganito, bakit may patak ng tubig ang mukha ko? Umuulan ba sa labas? anong kinalaman ng ulan? Na baka may tulo ang kuwarto ko? Haha. Whattasyete Sam!  isip-isip din. Baka laway lang ito na tumulo dahil pinag-fantasy-ahan mo lang naman si Kuya Shin. The worst is, kung hindi ito laway. Naihian ako ng butiki na nasa kimase. Yayks! Tumayo ako mula sa pagkakalaglag ko sa kama ko habang sapo ko ang nasaktang balakang ko. Dahil patagilid akong nalaglag sa kama.    Kung minamalas ka nga naman. Psh! first time kong malaglag sa kama at first time na nanaginip ako ng ganon. Bumalik na ako sa kama ko at ipinagpatuloy na lang ang pagtulog ko. "HELLO world! Hello Philippines! Good Morning."    masiglang sabi ko habang nag-uunat ng katawan.    An'sabe? Feeling si Toni or nasa Pinoy Big Brother ako. Haha. Pagkabangon ko sa kama ay pumasok na ako sa C.R. at nagmumog, hilamos ng mukha saka bumaba papuntang first floor. "Good Morning Mommy."    bati ko sabay mano sa kanya kahit na nagluluto siya. "Good Morning Princess."    sabi ni Mommy while smiling.    Minsan talaga naguguluhan ako sa kanila ni Daddy. Kasi tinatawag na nga nila akong princess may pa-baby baby pang nalalaman sila. Hindi na ako baby at hindi na ako isang paslit ngayon. I'm 17 years old now at sa age kong ito magdadalaga na ako, kapag naging 18 years old na ako, ganap na dalaga na talaga ako. Umupo ako sa upuan at pinagmamasdan si Mommy na nagluluto. Tuwing umaga talaga, hindi 'yung maid namin ang nagluluto, kundi si Mommy. Ang gusto kasi ni Mommy, ang luto niya ang una namin makakain. Breakfast is the most important meal di ba? kaya ayon, gusto ni Mommy na ang luto niya ang unang pagkain na makakain namin. Dahil importante rin kami sa kanya kaya ang breakfast namin ay sobrang special talaga. Important meal plus important persons to her equals The Best talaga. "Uhm..."    para akong batang paslit na nagdo-drawing-drawing sa mesa gamit ang hintuturo ko. "May problema ba princess?"    tanong ni Mommy nang mapalingon sa akin. "Mommy, paano po kapag may niligawan na si Kuya Shin at magpakasal na sa magiging girlfriend niya, iiwan niya na po ba tayo?"    biglang naitanong ko kay Mommy ngayong araw na kasi ang flight ni Kuya Shin. Gulat na gulat at halos manlaki na ang mata ni Mommy ng mapatingin sa akin. "Imposibleng mangyari 'yon princess."   sabi ni Mommy na umiwas ng tingin sa akin at ipinagpatuloy na ang pagluluto niya. "Paanong imposible Mommy?"  curious na tanong ko. "Engaged na si Shin sa---"   napahawak si Mommy sa bibig niya at tumingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Mommy dahil sa sinabi niyang iyon. Napabuntong hininga siya at makahulugan niya akong tiningnan.    Which mean.. engaged na rin si Kuya Shin? may fiance na rin siya tulad ko? 'Yun kasi narinig ko noong minsan na nakita kong nag-uusap sila Mommy at Daddy. Narinig ko na may fiance na ako kaya hindi puwedeng magka-boyfriend ako? Nasa akin na nga lahat, caring, sweet and loving parents, handsome and sweet Kuya, maganda at masanagang buhay, kayamanan, pera at mga mateteryal na bagay. Pero bakit ganoon? hindi pa rin ako masaya. Ganito ba kapag na sayo na nga ang lahat pero hindi naman ang lahat ng iyon ang magbibigay ligaya o saya sayo? 'Yun bang kahit may marangya kang buhay, mabili mo man ang lahat pero hindi ang kalayaan mo. Kalayaang pumili o maghanap ng taong mamahalin mo, taong magmamay-ari sa puso mo. Kung naitatali na kami sa isang kaugalian ng mga mayayaman. Arrange Marriage para maipagpatuloy or mag-merge ang mga company s***h business. Napasapo ako sa noo ko na tila ba sumasakit ang ulo ko. "Uh, okay, engaged na pala si Kuya. speaking of him, where is he Mommy?"   biglang tanong ko at muling tumingin sa kanya. "Nasa himpapawid na siya ngayon princess."   sagot ni Mommy matapos tingnan ang wrist watch niya.    Huh? Ano daw? "Himpapawid Mommy? what is himpapawid? Lugar po ba sa pilipinas 'yon? part po ba ng Luzon? Visayas? o Mindanao?"  sunod-sunod na tanong ko. Napatingin sa akin si Mommy na may tingin na 'hindi mo ba alam?'    Magtatanong ba ako kung alam ko? saka hindi ko alam kung ano 'yun eh. English ba 'yon o tagalog? baka alien word? pero haller! Hindi Alien ang Mommy ko. "Nakasakay na sa airplane si Shin pabalik ng Seoul. Ang himpapawid ay sky sa english. Kapag sinabi ko na nasa langit siya, baka isipin mo he passed away, kasi langit ang isa pang tagalog ng Sky."   paliwanag ni Mommy habang isini-serve na ang breakfast namin. Tapos na kasi siyang magluto. Buti na tapos siya kahit ginugulo ko siya in a way na kinakausap ko siya. Parang dina-digest ko 'yung mga sinabi ni Mommy. "Ano po? nakasakay na si Kuya Shin pabalik ng Seoul? Pero 5 P.M. pa 'yung flight niya ah, eh, 7 A.M. palang ngayon?"   napatayo ako sa upuan habang ang dalawa kong palad ay nasa mesa. "Napaaga kasi ang flight niya kaya maaga siyang umalis kanina."   sagot lang sa akin ni Mommy habang abala sa ginagawa niya.    Umalis siyang hindi nagpapaalam sa akin? waaah! Kuya Shin.. ang daya daya mo talaga, huhu sabi mo ihahatid kita ng airport tapos ikaw itong biglang umalis. "Princess?"  biglang lumapit sa'kin si Mommy na alalang-alala. "Huhu. Sabi ni Kuya Shin, ihahatid ko daw siya sa airport."    naluluhang sabi ko at napayakap ako kay Mommy. "Tahan na princess, huwag ka ng umiyak. Kasama naman ni Shin si Dee dahil may business trip siya sa Seoul. Kaya naman magkasama sila ngayon na dalawa."   pagpapatahan sa'kin ni Mommy habang tinatapik-tapik at hinahagod ako sa likod.    I know I'm acting like a kid or annoying crying baby, but this is me! The real Shirley Angel Montemayor-Marvilla. Hindi na ako nagsalita at hinayaan kong bumuhos ang aking luha na mala rain drops sa pagbugso.    Sa pagbugso? oh my SHINkamas! Nahawa na ako kay Mommy sa malalim niya magtagalog. "Alam mo ba kanina, nakita ko si Shin na nakatayo sa harap ng pinto ng kuwarto mo. Akala ko papasok o kakatok siya. Pero nakita kong may tinanggal siya mula sa mata niya. Tingin ko umiyak siya. Alam ko naman na mahal na mahal ka talaga niya. Hindi niya kayang mag goodbye sayo. Goodbye is the most painful word you can say even heard to the person you loved for the rest of your life. Instead of saying that word, he leave without saying anything."   makahulugan na sabi ni Mommy na nagpahinto sa pagdradrama ko. Daig ko pa ang bida sa isang teleserye kung magdrama akala mo inaapi ng kontrabida.    Si Mommy ba talaga itong nagsalita? hindi nga? tagalog? english? Pero tama si Mommy tungkol sa goodbye thingy na 'yan. Parang 'yung mga napapanood ko sa sine o sa mga break up scene na napapanood ko. Pero parang double meaning sa'kin 'yung Mahal na mahal ka talaga niya. Kikiligin na sana ako kaso maling-mali. magkapatid kasi kami. "May iniwan pala siya sayo princess, mamaya dalhin ko sa kuwarto mo. Ang mabuti pa kumain na tayo at tama na ang pag-iyak. Papangit ka niyan sige ka!"    sabi Mommy at nanakot pa talaga siya. Tumigil na ako sa pag-iyak, pinunasan ni Mommy ang mukha ko saka pinagsilbihan ako. Kumain na kaming dalawa ng almusal habang nagkukuwentuhan. Pinapakuwento kasi ni Mommy sa akin 'yung mga na e-experience ko sa Dream University. Pero hindi ko kinukuwento 'yung tungkol sa kissing thingy ko.    Parang ang flirt ko kung iisipin, pareho kasi silang hindi ko boyfriend. Saka baka ma-grounded pa ako, strict kasi itong si Mommy pag dating sa ganoong bagay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD