Ikaw Lang, Sapat Na ♥ CHAPTER 41 : ♡ Past and Present .♡ ⇨⇨⇨ DAY SEVEN... Maaga akong pumasok ng school kaya naman, maaga din akong inihatid ni Kuya Shin. At gaya ng nakaraang anim na araw, nakapalibot pa rin sakin 'yung limang bodyguards ko na bago. Pinagtitinginan at pinag-uusapan na naman ako. 'Haaaay... konting tiis na lang Sam, tingnan mo. Isang linggo na ang nakalipas, hindi mo lang na pansin.' Sabi ko sa sarili ko at 'yan ang lagi kong iniisip. Aja! Konting tambling pa, isang linggo na lang. Matatapos na din ang grounded ko. Yeah boy. Pero waaah! I miss Eisen my love, my hero so sweet. Naglalakad ako sa isang pasilyo ng may nakita ako. Wait a minute, kapeng mainit. Chos! Teka lang.. si ano 'yun ah, Si Marie Ann saka.. Charley Rlay? Naguguluhan akong tinitingnan

