Ikaw Lang, Sapat Na ♥ CHAPTER 42 : ♡ Relo ♡ ⇨⇨⇨ DAY NINE... "Good Morning World! Good Morning philippines." Masiglang sabi ko habang nag-uunat pa ng katawan. Hindi naman masyadong obvious na goodvibes ako diba? Ikaw ba yayain ng mahal mo ng date, hindi ka magiging masaya? Hehe. Kung pupwede lang hatakin 'yung oras lalo ang araw, ginawa ko na. Ano kaya 'yung feeling ng ka date mo ang mahal mo? Hindi ko kasi alam 'yung pakiramdam na 'yon ei. Dahil isa lang naman akong babae na may hashtag NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. 'Yung date-date namin ni Kuya Shin, hindi naman date for lovers 'yon. Siblings date, trip date or whatever they called it. Back to my topic, waaah! Sana totoong nag-eexist si Doraemon para magamit ko 'yung time machine. Nakakaburyo maghintay ng limang araw

