" THE WHO? " ANG sakit pa rin ng sampal sa'kin ni Lara. Hindi ko akalain na may taong mananampal o sasampal sa'kin. Hindi nga ako pinagbubuhatan ng kamay ng mga magulang ko. Tapos isang Lara the papaya lang ang mananakit sa isang Marvilla pa. Sapo ko ang namamanhid kong pisngi habang papunta ng room. Papasok na ako ng room ng may tumulak sa'kin kaya nasubsob ako sa floor. "Ang sakit!" sambit ko matapos masubsob. "Sam!" napasigaw 'yung mga tao sa paligid ko. "So-sorry, Sam.." sabi ng taong tumulak sa'kin kaya nakilala ko kung sino siya. "Walang sorry sorry dito." "Si Sam ang tinulak mo!" Pinagkaguluhan at parang binubugbog o ginugulpi si Nathan ng mga ka classmate ko. Ako? Heto, sapo ang kanang tuhod ko na may pasa. Bakit nagkapasa ako? At ang sakit-sakit pa. Huhu.

